Chapter Two

1950 Words
            Hindi magkandaugaga si Yohan ng umagang iyon dahil sa pagpe-prepare ng ilang gagamitin ni Baby Tiyanak papunta sa clinic. Kaya naman naisipan niyang kontakin si Nicko sa telepono upang humingi ng advised.             Ngunit nakailang tawag na siya sa kaibigan ay hindi parin nito sinasagot ang kaniyang tawag. ''Please pick up the goddamm phone!" Naiinis na wika niya. Maya maya pa ay narinig na niya ang pagpalahaw muli ng iyak ni Baby Tiyanak. "Hush baby tiyanak, please don't be cry na" Pangaalo niya sa baby at pagkuwa'y binuhat muna niya ito at hinele-hele.             Makalipas naman ang ilang minutong paghehele niya sa musmos na sangol ay tagumpay niya itong napatulog muli. Kaya naman dahan-dahan niya itong ibinaba sa kuna nito at pagkuwa'y bumalik na siya sa pagaayos ng dadalhin niya papuntang clinic.             Nasa kalagitnaan siya ng pagaayos ng mga dadalhin ng bigla ay tumunog ang doorbell ng kanilang gate. Kaya naman dali-dali niyang tinignan sa monitor ng cctv nila kung sino ang bisita nila ng ganito ka agad.             Ng makumpirma niya ang imahe na naroroon sa labas ng kanilang gate bigla ay nanlaki ang mata ni Yohan at pagkuwa'y biglang naaligaga. "F--k!! What is she doing here this early on?" Wika niya sa sarili.             Kaya naman sa sobrang taranta niya ng umagang iyon, Daig niya pa ang nagexercise sa ginawa niyang pagikot. Oh yes, ginawa na ata niyang gym ang kanilang sala sa kakaikot niya sa parteng iyon ng kanilang pad.             Nang makahanap ng lakas ay bumuntong hininga muna siya ng pagkalalim-lalim upang maibsan ang nerbyos niya ng oras na iyon. Minsan pa muli niyang sinilip ang monitor ng kanilang cctv upang kumpirmahin kung naroroon pa ang ginang sa labas.              Bumungad sa kanya ang matandang ginang na hindi maipinta ang mukha na pati ang mga kilay nito ay magkasalubong na tumitig sa kanya. ''So, What took you so long to open that f*****g gate!, are you hidding something?" Galit na bungad sa kanya ng ginang.             "No Grandma, I-i..ju-just.cleaning our pad sorry po" Paliwanag niya sa ginang. ''So, kailan ka pa natutong maglinis? By the way, I am here just to inform you apo na you have to meet up someone" Paliwanag ng ginang.             "But Grandma, countless time do i have to tell you, na hindi pa po ako ready na makipagkita sa kanya".             "No!, you need to see her yohan!" Singhal ng ginang.              Nasa kalagitnaan sila ng pagtatalo ng kanyang abuela ng marinig niya ang pagatungal ng sangol. Na sa tantiya niya ay narinig din ng ginang dahil bigla itong napahinto ito sa panenermon sa kanya. "What's that noise? Do you hear that yohan? sounds like.. a sounds like a baby crying."              Kaya naman bigla ay nataranta si Yohan ng mga oras na iyon. ''Grandma, I think ringtone lamang iyon. Huwag niyo na po pansinin" Pagiiba niya sa ginang. Ngunit kung kanina ay mahina lang ang pagpalahaw ng sangol bigla ay lumakas ang volume ng pagpalahaw nito na siyang ikinagulat nilang pareho ng abuela niya.              Bigla ay naalarma si Yohan ng sandaling iyon kaya naman hindi na niya inisip pa ang sasabihin ng ginang at pagkuwa'y mabilis pa sa alas kwatro ay tinakbo niya agad ang kinaroonan ng sangol.            ''Oh, Hust baby Tiyanak, stop crying na. Heto na ang milk mo" at pagkuwa'y isinubo na niya dito ang tinimpla niyang gatas sa bote. Ngunit tila hindi iyon ang ninanais ng sangol. Hindi nagtagal at naamoy na niya ang bomba nito na siyang ikinaiinis niya.             Sabayan pa ng biglang pagpasok ng ginang sa loob ng kwartong iyon. "Oh my god! Yohan! what is the meaning of this?!!" Gulat na gulat na singhal ng ginang. "No!no!no! lola is not what you think. Hindi ko po anak iyang baby na iyan" Agad ay pagdedepensa niya sa sarili.           ''So bakit inaalagaan mo at naririto sa pad ninyong tatlo?" Magkasalubong na kilay na tanong nito. "Let me explain Grandma," Wika niya sa ginang at pagkuwa'y isa-isa niyang ipinaliwanag dito ang totoong nangyari.                 ______________           "Edwardo! Dios por santo, what is happening to you?" Tanong ng Mommy nito. Naabutan kasi siya nitong nakahiga sa sofa ng opisina nila. Siya kasi ang nakaasign na magbantay sa sangol ng nagdaang gabi kaya naman wala siyang maayos na tulog.          "Mom, please let me sleep for a while" Pakiusap niya sa ina habang prenteng prente parin siyang nakahiga sa sofa. "But iho, darating na ang Daddy mo papunta narin siya dito ngayon." Bigla ay napabalikwas si Edward ng tayo ng marinig ang huling sinabi ng Mommy niya           Malaki kasi ang takot niya sa kanyang ama dahil sa napaka professional nito at sobra sa pagkaistrikto pagdating sa trabaho. Ayaw na ayaw kasi ng kanyang ama ang nakikita siyang tatamad-tamad sa opisina nila.           Parati kasi siya nitong tinatakot na hindi pamamanahan at ibibigay sa charity at foundation ang mamanahin niyang pera. Kaya naman dahil doon ay nagsusumikap siyang aralin ang takbo ng kanilang negosyo kahit na labag sa kanyang kalooban.           "Iho anak, let me tell you this." Bigla ay tapik ng kanyang Mommy sa balikat niya. "Napapansin ko kasi this past few days palagi kang puyat at parating wala sa mood. Kaya naman nasisiguro kong may itinatago kang problema. So anuman iyan my Edward, Don't forget to tell to your Mommy, I am very much willing to help you kahit ano pa iyan" Pahayag ng Mommy niya.           "Thank you Mom," At pagkuwa'y tinanguan lamang niya ito. Minsan pa ay bumuntong hininga muna si Edward at tumayo na mula sa sofa. Isa-isa na niyang sinimulan ang kanyang tungkulin sa opisina.            Maya maya pa ay nagring ang kanyang telepono at rumehistro agad sa screen niya ang number ng kaibigan niya na si Yohan. Kaya naman bigla ay napasabunot siya sa kanyang ulo at pagkuwa'y isinubsob ang mukha sa lamesa.            "Yes Bro, what is it?" Tanong niya agad sa kaibigan. "Bro, kailangan kong umalis ngayon alam na ni Lola ang tungkol kay baby Tiyanak." Bungad agad nito sa kanya. "Not today bro, hindi ako makakaexit ngayon nandito si Daddy at mga Investors namin" Sagot niya sa kaibigan.             ''Pero bro, hindi kasi sinasagot ni Nicko ang line niya. So how can i escape in this kind of situation. Hindi natuloy ang check up ni Baby tiyanak dahil kay Lola. Gusto niyang ipaalaga at ipaampon nalang daw si Baby tiyanak" Mahabang paliwanag ni Yohan.             "What!!" Bigla ay napasigaw si Edward sa sinabi ng kaibigan. Kaya naman nakuha niya ang atensiyon ng ama na noo'y busy sa pakikipagusap sa mga investor nila.              Pati rin ang kanyang Mommy ay gulat na gulat na napatingin sa kanya. Buti nalang at to the rescue ang Mommy niya at pagkuwa'y kinuha nito ang atensiyon ng mga investor nila pati ang Daddy niya. Upang hindi siya malagay sa alanganin ng mga oras na iyon.              Ilang hakbang lang kasi ang pagitan ng kanyang sariling mesa sa board table ng mga ito. Kaya naman agad ay humingi siya ng paumanhin sa mga ito at pagkuwa'y lumabas muna ng opisina at tinungo ang rooftop ng kanilang building.              Doon ay pinagpatuloy niya ang pakikipagusap sa kaibigan tungkol sa sangol.              _____________            "Sir Valderama, Everything is good and smooth na po wala na tayong magiging problema pa sa isa nating Branch." Paliwanag ng Branch manager niya. "Okay good! you may now go back to your workplace our meeting is adjourned!" Mariin niyang pahayag sa mga ito at pagkuwa'y sapo sapo niya ang kanyang ulo na bumalik sa loob ng opisina.             Maya maya pa ay siya namang pasok ni Seraphina sa kanyang opisina at pagkuwa'y may dala na itong tasa ng kape. "Si-sir, pa-para po sa inyo." Nakangiting bungad ng sekretarya. Kaya naman agad niya itong inabot at pagkuwa'y tinuloy niya ang pagpirma ng ilang dokumento.            "Si-sir labas na po ako" Muli ay paalam nito sa kanya. Ngunit hindi na lamang niya iyon pinansin at pinagpatuloy niya ang pagpirma ng ilang dokumento.              Nang matapos niya ang mga gawain ng araw na iyon ay napagpasyahan muna niya na ipahinga ang pagod na katawan. Bigla ay naalala niyang sipatin ang telepono na noo'y sinilent niya upang walang makaistorbo sa kanyang trabaho.             Tumambad sa kanya ang napakaraming miscalls ng kaibigan niyang si Yohan pati narin si Edward. Kaya naman bigla ay naalarma siya dahil alam niyang ang pagtawag ng mga ito ay patungkol kay baby Tiyanak.              Dali-dali ay tinawagan niya si Yohan dahil alam niyang ito ang nakaasign sa sangol na magalaga. Ngunit laking pagtataka niya at nakailang tawag na siya sa kaibigan ay hindi parin nito sinasagot ang tawag niya.              Kaya naman kaysa maalarma ay kinalma na lang niya ang kanyang sarili at pagkuwa'y ibinalik ang telepono sa lamesa at marahang ipinikit ang mata. Upang sa gayun ay makapagpahinga siya dahil maya maya lamang ay uuwi narin siya at siya naman ang sasabak sa gera.              Ngunit nasa kalagitnaan na siya ng pagpapahinga ng bigla ay nagring ang kanyang telepono. Agad rumehistro ang pangalan ng kaibigan niya na si Yohan kaya naman agad ay sinagot niya iyon.             "Yes," Pikit mata niyang tanong sa kaibigan. "Nicko may problema tayo" Agad ay bungad sa kanya ni Yohan. Kaya bigla ay napabalikwas siya sa kinauupuan. "Why? What is it?" Tanong niya dito.              "Alam na ni Lola ang tungkol kay Baby Tiyanak, at gusto niyang ipaampon at ipaalaga nalang daw natin" Ano sa tingin mo Brad?" Bigla ay napaisip ng matagal si Nicko at pagkuwa'y nagpaalam na siya sa kaibigan at napagdesisyunan na niyang umuwi upang mas makausap ng maayos ang kaibigan.                               ______________                Tila mga batang pinagagalitan ang tatlong magkaibigan na si Yohan, Nicko at Edward ng sitahin sila ng matandang abuela ni Yohan.               "Hay, ano ba ang nagsipasok sa mga isip ninyong tatlo at inampon ninyo ang sangol na ito" Turan ng ginang kay Baby tiyanak.               "Grandma, huwag ninyo na po problemahin si Baby tiyanak kami na po ang bahala." Bigla ay sagot ni Yohan sa abuela. "What?! Baby tiyanak?! Tignan ninyo pati pagpapangalan sa walang kamuang-muang na sangol ay hindi ninyo alam. Tapos at may lakas pa kayo ng loob na alagaan iyan!." Singhal ng ginang.               ''Hay, diyos por santo! ang Bp ko Yohan tataas sa inyong tatlo." Pagkuwa'y biglang nasapo ng ginang ang ulo. "Grandma, gusto ninyo po bang dalhin namin kayo sa hospital?" Suhestiyon ni Yohan sa abuela.               "Hindi na Yohan! Baba lang ang BP ko kung isusurender ninyo ang musmos na sangol na iyan sa tunay niyang ina." Turan muli ng ginang sa kanila.               "Pero Grandma, Paano namin gagawin iyon eh hindi namin kilala ang ina ni Baby tiyanak"  Paliwanag ni Edward. "I'm up to it, I'll use my connection to find the helpless mother of that baby!" Paliwanag ng ginang.                Kaya naman bigla ay nagbulungan ang tatlo at pagkuwa'y tumikhim si Nicko. "Ahm Grandma, ma walang galang na po pero, kami nalang po ang bahalang maghanap sa ina ni Baby Tiyanak" Bigla ay tumingin ng masama ang ginang.               "May itinatago ba kayong tatlo sa akin? Baka naman isa sa inyong tatlo ang ama ng tiyanak na iyan. O baka naman kayong tatlo pa?" Paninita ng ginang. Kaya naman kanya kanyang nagsidepensahan ng sarili ang tatlo.               "Grandma naman, huwag naman po kayong magisip ng ganyan!" Singhal ni Yohan sa abuela.               "Oo nga po grandma, hindi po namin magagawa iyang binibintang ninyo sa amin." Sinegundahan naman ni Edward.               "Yes! definitely grandma, we will not be able to defile our three names." Paliwanag naman ni Nicko.                "Kung ganoon, hayaan ninyo akong tatlo na maghanap sa ina ng tiyanak na iyan.I need to go home now so I can start the investigation." Paalam ng ginang at pagkuwa'y tumalikod na ito at tinungo ang sasakyan.                 Kaya naman naiwan silang tatlo na nakatanghod lang sa papaalis na ginang.                                                         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD