Chapter five

1446 Words
        "Babe, baka pwedeng doon na lang tayo sa pad ninyo mag ano, alam mo na?" Nakangiting bulong ng babae kay Edward. "I'm really sorry sweetie, pero strictly prohibited ang iniisip mo sa pad namin" Mahinhing bulong ni Edward at pagkuwa'y dahan-dahan nilandas ng kanyang mga kamay ang maseselang parte ng babae.         "Alam mo babe, nagtatampo na ako sa'yo paano kasi palaging dito natin ginagawa sa cheap na club na 'to ang alam mo na." Nagtatampong salaysay nito. "Don't worry sweetie, babawi ako nextime" Sagot naman ni Edward sa babae hanggang sa tuluyan na niyang isinagawa ang pakay niya sa babae.         Pasado alas dose na ng madaling araw ng makauwi si Edward sa kanilang bachelors pad ng gabing iyon. Kaya naman inaasahan na niyang tulog na ang mga kaibigan niya kabilang si Khanah. Ngunit laking gulat niya ng makitang gising pa si Nicko pati ang bata.         Ng silipin niya ang mga ito ay masayang naglalaro ang dalawa ng puzzle sa sala habang umiinom ng paboritong chocolate milk drink ng bata. Maya-maya pa ay tila napansin ng mga ito ang pagdating niya at pagkuwa'y mabilis siyang nilapitan ni Khanah.        "Hi Dada! good evening po!" Masayang bati nito at mabilis siyang niyakap. Kaya naman dahan-dahan niyang ibinaba ang mukha upang maabot nito ang pisnge niya upang humalik sa kanya. "Bakit gising ka pa? Hindi ba may pasok ka pa bukas?" Tanong niya dito.        "No dada! wala po kaming pasok tommorow may school event po kasi kaya wala po kaming pasok" Masayang sagot muli ni Khanah. "Okay, but I told na bawal magpuyat?" Taas kilay niyang paalala sa bata. Bigla ay sumimangot ang mukha nito at dahan-dahan iniyuko ang ulo.        "Sorry dada, hindi na po mauulit hindi po kasi ako makatulog kanina kaya pinuntahan ko po si Daddy Nicko para maglaro kami ng puzzle" Mahinang paliwanag nito sa kanya. ''Okay sige, go back to play na pero ngayon lang 'yan" Paalala niya muli dito at pagkuwa'y mabilis na itong bumalik sa paglalaro nila ng Daddy Nicko niya.        "Bro," Tawag ni Nicko sa kanya."Yes bro? what's the news?" Tanong niya sa kaibigan at pagkuwa'y lumapit siya sa pinaglalaruan ng dalawa. "Well, the good news is.. I already sign the contract, But the bad news is I can't meet your father tommorow. I had an urgent business travel" Paliwanag ni Nicko at pagkuwa'y may iniabot na folder kay Edward.        "It's okay bro, ako na ang bahalang mag explain kay Daddy. For sure maiintindihan naman niya 'yun" Sagot niya at pagkuwa'y nagpaalam na siya sa dalawa at naglakad na siya papuntang kwarto. "Goodnight Dada!" Pahabol ni Khanah "Same to you baby!" Paalam niya dito habang naglalakad papalayo sa mga ito.         Habang nakahiga si Edward hindi parin niya magawang dapuan ng antok. Bigla kasing pumasok sa kanyang isipan ang imahe ng babae na si Jowie na nakilala niya sa hospital. Hindi niya maitangi ang paghangang kanyang biglang naramdaman sa sandaling pagkikita nila nito.          Kaya naman mayroong nabuong plano sa kanyang isip na gusto din ng kanyang puso ang makilalang lubusan ang babae. "Shet! kailan ko kaya siya makikita muli?" Mumunting bulong ng kanyang sarili sa kawalan.          ___________________          Maagang nagising si Yohan ng umagang 'yon dahil sa urgent meeting na kanyang aatenand. Kaya naman dali-dali ay inayos na niya ang kanyang mga gamit na dadalin sa kanyang photoshoot at pagkuwa'y mabilis na lumabas ng kanyang kwarto.          Agad naman tumambad sa kanya ang batang si Khanah na masayang nagaalmusal kasama si Edward. "Good morning Daddy Yohan! hindi ka po sasabay sa amin mag breakfast ni Dada?" Nakangiting tanong ng bata sa kanya.         "I'm sorry khanah, pero may meeting si Daddy ngayong umaga. Maybe later nalang, ano ba ang gusto mong pasulubong later?" Tanong niya sa bata. Kaya naman bigla itong napaturo sa ulo at seryosong nagiisip ng makahuma na sa pagiisip ay agad itong yumakap sa kanya.         "Opss, what's that for?" Nagtatakang tanong niya "Daddy yohan, diba po malapit na po ang birthday ko sabi ninyo po dati sa'kin 'pag magbibirthday na po ako hahanapan niyo na po ako ng mommy?" Seryosong tanong ng bata.          Kaya naman si Edward na seryosong umiinom ng kape habang nagbabasa ng diyaryo ay biglang naibuga ang iniinom dahil sa narinig na salaysay ni Khanah. Bigla ay napakamot na lang ng ulo ang noo'y si Yohan na tinatantiya ang bata.         "Ahm, khanah.. hi-hindi pa kasi nakakahanap si Daddy ng magiging mommy mo eh. Siguro si Dada Edward nalang muna ang tanungin mo tungkol diyan" Paliwanag niya sa bata. Ngunit tila naman sumama ang loob nito at pagkuwa'y hinalukipkip ang dalawang kamay at bigla siyang tinalikuran at bumalik sa lamesa.         "Baby, tama si Daddy Yohan mo, mahirap humanap ng Mommy sa panahon ngayon." Paliwanag naman ni Edward. "Bakit po Dada? may bayad po ba na maghanap ng Mommy?" Malungkot na tanong nito. Kaya naman tumikhim muna si Yohan at pagkuwa'y nagpaalam na sa kanila.         "Khanah, tawagan mo na lang si Dada kung mayroon ka na gustong ipabili okay? magwowork muna si Dada bye khanah!" Pahabol niya sa bata at pagkuwa'y tuluyan na niyang nilisan ang kanilang pad.          Habang nagmamaneho hindi mawala ang ngiti ni Yohan sa naging tanong ni Khanah sa kanya. Paano ba naman kasi niya magagawang maghanap ng ipakikilalang Mommy sa bata gayung wala pa naman siyang natitipuhang babae sa pagiging busy niya sa trabaho.          Ng marating na niya ang lugar na kanyang aatenand ng meeting ay agad niyang ipinarada ang sasakyan sa bakanteng lote ng gusali. At pagkuwa'y isa-isa na niyang kinuha sa compartment ng kanyang sasakyan ang ilang materyales na kanyang ipiprisinta sa meeting.          "Hi, sir Yohan! good morning!" Masiglang bati sa kanya ng babaeng receptionist at pagkuwa'y iniabot na ang visitor pass sa kanya. Tipid naman niya itong ginantihan ng ngiti at mabilis na tinungo ang elevator. Ng marating niya ang function hall na pag gaganapan ng meeting ng kapwa niya sa photographer ay sumalubong agad sa kanya ang ilang media coverage na naroroon sa lugar na iyon.          "Good Morning sir Yohan!" Sabay-sabay na bati sa kanya ng tatlong babae na tila kilig na kilig ng makita ang imahe niya. "Good morning din sa inyo!" ganti niya sa mga ito at pagkuwa'y inilapag na ang ilang gamit na dala-dala.          "Sir Yohan, narito na po ang concept script ng event mamaya'' Bigla ay sulpot ng assistant niyang si Sheena. Ngunit bigla ay napamaang siya ng titigan ang itsura ng kanyang assistant. Tila kakaiba kasi ang look nito malayo sa pang araw-araw na style nito ng pananamit at pustura.          Kung dati ay simpleng jeans at tshirt lang ang suot nito ngayon ay tila biglang nag iba ito ng pananamit. Taas kilay niyang tinitigan ang babaeng assistant at pagkuwa'y humalukipkip bigla ang kanyang mga kamay.         "Sheena!" Tawag niya sa assistant. Kaya naman bigla itong nagulat at napatayo sa kinauupuan at mabilis siyang hinarap. "Ba-bakit po si-sir ma-mayroon po bang problema?" Natatarantang tanong nito sa kanya.         "Pwede bang lumapit ka sa'kin?" Utos niya dito at pagkuwa'y mabilis naman itong sumunod sa inutos niya. "Si-sir ba-bakit po?" Tila naiilang na tanong ni Sheena sa kanya. "Pwede bang umikot ka?" Utos niya muli sa assistant.         "A-ako po iikot? si-sige po" Mahina nitong tanong at pagkuwa'y dahan-dahan iniikot ang katawan sa harapan niya. "Stop!" Mabilis niyang utos dito at agad naman itong tumigil sa pagikot at tila nahilo ng bahagya at napahawak pa sa kanyang braso.         "Relax, sa susunod 'wag ka ng magsusuot ng ganyang kaigsing palda okay?. I want you to wear your old jeans and shirt understand?" Kunot noong utos niya sa assistant habang hawak niya ang braso nito. "O-okay po sir pa-pasensiya na po." Wika nito at pagkuwa'y inalis na ang pagkakahawak sa mga braso niya.          Hindi maipaliwanag ni Yohan ang inis na nadarama ng makita niya ang kanyang assistant na nakasuot ng maigsing palda na bumagay naman sa tindig at hubog ng katawan nito. Ngunit agad niyang sinaway ang sarili at inialis ang tingin kay Sheena na noo'y nakabalik na sa kanilang pwesto.          Maya-maya pa ay nag silapitan naman ang tatlong babae sa kanya na bumati sa kanya pagpasok ng function hall. "Sir Yohan pwede po bang magpapicture kami ulet sa'yo" Tanong ng isa tatlong babae. "Su-sure" Tipid niyang sagot sa mga ito.          Kaya naman bigla ay nagsitilian ang mga ito at tila mga ahas na nagsipuluputan sa kanya. "Psstt Sheena! pakipicturan naman kami" Utos ng isang babae sa assistant niya. Dali-dali ay lumapit naman ito sa kinaroroonan nila at mabilis na kinuha ang telepono ng babae.          Naiinis man si Yohan sa ginawang pagutos ng babae sa assistant niyang si Sheena ay wala na siyang nagawa pa at pinagbigyan na lamang ang mga babaeng ito sa pagpapakuha ng litrato kasama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD