Prologue

459 Words
          NICHOLO VALDERAMA, 30 Years old. May tangkad na 185 cm, matangos ang ilong, kulay chestnut brown na mata at mayroong matipunong pangangatawan, mas lalong nakapagpadagdag ng s*x appeal nito ang haircut nito na slicked back undercut. Nagmamay-ari ito ng limang branch ng sikat na perfume sa pilipinas.           Ngunit dahil masyadong busy sa negosyo ay hindi pa niya napagtutuunan ng pansin ang kanyang lovelife. Kaya naman parati siyang pinupuna ng kanyang ama na baka ay matulad siya sa kanyang tiyuhin na umabot ng 45 ang edad ay hindi parin nagaasawa.           Para kasi sa katulad niyang business man, mas priority niya ang financial stability bago pumasok sa pakikipagrelasyon. Magkagayunman minsan ay nakakaramdam din siya ng paghanga sa isang babae. Siya kasi ang tipong hindi masyadong naatract sa physical looks ng isang babae. Mas naapreciate niya ang ganda ng panloob nito kaysa sa panlabas na kaanyuaan.             YOHAN SAN MIGUEL, 29 Years old. May tangkad na 182 cm, mayroong dark brown na kulay ng mata, matangos na ilong, malagong pilik mata at magandang hubog ng mukha. Isama pa ang mahaba at tuwid na tuwid nitong buhok na hanggang balikat.            Sa kanilang tatlo siya ang maituturing na pinakamasiyahin. Madali niyang maapreciate ang mga bagay bagay sa kapaligiran. Kaya naman naging propesyon niya ang pangunguha ng larawan. Dahil doon naging tanyag siya at nakilala sa larangan ng Potograpiya.            Pagdating naman sa buhay pagibig ay katulad ng kaibigan niyang si Nicko na ang prayoridad ay ang kanilang propesyon at negosyo. Kaya naman madalas ay silang dalawa ang magkasundo pagdating sa pangingilatis ng kababaihan.             EDWARD DELOS REYES, 29 Years old. May tangkad na 180 cm, Charcoal grey ang kulay ng mata, ang ilong ay tila perpektong ipinatong sa mukha at katawan nito na animo'y isang greek god. Isama pa ang haircut nitong medyo magulo na tila bagong gising palagi.             Sa kanilang tatlo siya ang opposite ng dalawa niyang kaibigan. Dahil siya ang maituturing na womanizer' dahil sa lakas ng dating niya sa mga kababaihan. Para sa kanya ang mga babae ay may expiration date. Kaya naman bilib na bilib sa kanya ang dalawa niyang kaibigan dahil sa kada buwan ay papalit palit siya ng inuuwing babae sa bachelor's pad nilang tatlo.              Pagdating naman sa financial status ay wala siyang poproblemahin pa dahil ipinanganak siyang nagiisang anak ng isa sa pinakamayamang business tycoon. Kaya naman wala ng iba pang choice ang kaniyang mga magulang kung hindi sa kanya ipamana ang napalagong business ng mga ito.              Kaya naman kahit na abala siya sa mga kababaihan niya ay napipilitan siyang aralin mabuti ang takbo ng kanilang negosyo. Upang sa gayun kapag dumating na ang araw na ililipat na sa kanya ang pagmamanage ng kanilang negosyo ay hindi siya aalog alog na tila walang alam.                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD