THIRD PERSON POV: NAPATAAS ng kilay si Allan na magkatabi pa sila ni Mikael at mga kasama nito ng upuan sa arena. Katulad niya, may dala ding bouquet ng roses si Mikael na obviously. . . para kay Mira na girlfriend nito. "Gumastos ka pa talaga. Eh hindi rin naman mananalo 'yong shota mong anak katulong," nakangising wika nito kay Mikael na napataas ng kilay at ngumisi din pabalik. "It's too early, Allan. Para sabihing hindi mananalo ang girlfriend ko. Ikaw rin," ani Mikael na napakibit balikat. "Baka iiyak 'yong girlfriend mong hilaw mamaya." Napalis ang ngisi ni Allan sa sinaad nito na nang-aasar ang ngisi na bumaling na sa harapan. "Tsk." Ismid nito na umayos na rin ng upo at bumaling sa harapan. Nagpalakpakan at hiyawan ang lahat ng manonood na nagsimulang lumabas ang mga kan

