MIRA: TAHIMIK ako habang pauwi na kami sa bahay nila Shiela. Karga ko pa rin si baby dahil hindi pa nakakapag bihis si Shiela na nagtungo sa palengke. Si Allan naman ang nagmamaneho. Habang nasa tabi nito si Adam. "Anong nangyari sa lakad mo, Mira? Nagkausap ba kayo ni Kuya?" tanong ni Shiela na siyang bumasag sa nakabibinging katahimikan namin. "Busy siya. Magpa-set daw tayo ng schedule kung may kailangan tayo sa kanya," sagot ko na ikinalunok nitong napatitig sa akin. "You mean, hindi kayo nagkausap ng tungkol sa inyo?" tanong pa nito na ikinailing ko. "I'm late. May iba na siya." Napasinghap ito na namilog ang mga mata sa sinaad ko. Maging si Adam ay napasulyap sa amin. "Seryoso ka ba? Sigurado ka bang kasintahan niya ang babaeng 'yon?" tanong nito na ikinanguso ko. "Hindi

