MIRA: LIHIM akong napangiti na mabakasan ng pangungulila ang mga mata ni Mikael na mapatitig sa akin. Lumapit ako dito at hindi pinansin ang babaeng kasama nito dito sa loob ng opisina nito. "M-Mira," mahinang usal nito. Matiim akong nakatitig dito. Kinakabisa kung may nagbago ba sa kanya sa loob ng isang taon. Pero mukha namang wala. Napakagwapo at charming niya pa rin. Lumapit ako dito at tumayo sa harapan ng office table nito. Napatukod ako ng kamay sa mesa nito na hindi inaalis ang paningin sa kanyang mga mata. "Hi, I miss you," saad ko na ikinalunok nitong pinamulaan ng pisngi. Napangiti akong matiim na pinagmamasdan ito. Ang kaninang napalungkot niyang mga mata, unti-unting nagkabuhay at mabakasan ng kinang. "A-anong ginagawa mo dito? Kung may kailangan ka? Magpa-set ka ng

