CHAPTER 1

1552 Words
Yolly's POV: Nandito kami ngayon sa St. Eve Hospital sa Maynila. Dahil walang kwarta sa probinsya namin sa Batangas at hindi kaya ng ospital, lumuwas kami rito sa Maynila para magpacheck-up. "Yule! Hali ka nang bata ka huwag ka magpahalatang taga-probinsya tayo ha, rits tayo rits social kasi tayo." Sabi sa akin ni inay at pumasok na kami sa loob. Nakasuot kami ng ternong pulang polka-dots na bistida bili pa namin sa London. You know Ukay-Ukay? "Eh inay ano, ba ang pupuntahan natin dito? This establishment is more bigger than Malacañang!" Sigaw ko kay inay. Dahil rits nga raw kami sabi ni inay, english ang salitaan namin. Napatingin naman sa amin iyong ibang tao rito, masyado raw kasi kaming beautifullest of them all. "Yule, check-up will you the doctor okay?" English ni inay at nilakasan pa ang boses. Si inay talaga wrong grammatically, baka mahalatang more poorer kami sa kanila. "Inay mali po ang english niyo, dapat check-up will you the doctora kasi baka babae ang doktor. Inay wrong grammatically ang english mo mahahalatang hindi tayo rits!" Sabi ko kay inay at hinila na siya papasok sa loob. "Aba, hindi ka ba marunong magdahan-dahan!? Dapat tune-up tapos cat walk tayo. Napanood ko iyon sa televisioning nila Lolo Jani mo." Sabi ni inay sa akin kaya sabay namin iyong ginawa. Napapatingin naman lalo sa amin ang mga peoples of the earth, masyado kasi kaming maganda. Inggit kayo ano? "Hey miss! Can you t**s me where the doctora is?" Tanong ni nanay at inalis ang shades niya. Nag-apir naman kami kasi ang galing mag-english ni inay, I'm so understanding! "Uhm ano po Ma'am?" Tanong nung babae rito sa reception. Ay ano ba 'yan! Reception pala ito akala ko ospital, sabi na at nagkamali kami ng pasok ni inay! Kaya pala mga naka all-white sila mga receptionist pala, more poorer pala sila sa amin. "Yule, hindi yata marunong mag-english 'yong babae. Hindi tayo maintindihan eh." Bulong sa akin ni inay. "Inay basahin mo 'to oh, reception kasi ito, kainan pala rito hindi ospital. Sabi na at mali tayo ng pinasukan!" Bulong ko naman kay inay. Pinagtitinginan na kami nitong dalawang babae rito sa reception. Aba, siguro ngayon lang sila nakakita ng mga rits, more poorer kasi sila sa amin. "Ay oo nga Yule, ay miss saan ba– where ba is the doctora? Here is the receipt oh. There is a festival of foods here, the doctoras are busy eating while drinking pa pala." English ni inay sa caterer. Aba dats my mother! Mapapasabak yata kami rito sa galing namin sa english. "Ah doon po sa 2nd floor room 1010." Sabi nung babae kay inay at binalik sa amin 'yong papel. Aba bastos ang caterer na ito, one uten daw! "Inay halika na tayo na lang ang maghanap, nasa taas lang naman 'yon. Ang bastos nang bibig ng caterer na 'yan. Sabihan ba naman naman tayong one uten aba'y nagtatanong tayo ng ayos." Sabi ko kay inay at hinila na siya papunta sa elevator. "Yule ngayon lang tayo sasakay rito, paano ba 'yan? Tamo sabi rito ay 1^ ibig sabihan ay isa lang ang pwedeng sumakay paakyat. Ako muna ang sasakay bago sumunod ka na lang ha." Nauna nang sumakay Si inay sa elevator. Kinawayan ko na lamang siya. Hinintay ko na lang bumaba ulit ‘yong elevator. Sumakay na ako rito pagkababa. Aba may camera pala kaya nagpacute muna ako! Baka napapalabas ito sa televisioning sayang at hindi nakita ni inay. Nagpapacute lang ako rito sa camera ng may papasok sanang lalaki. Caterer din yata ang isang 'to, naka all-white at may dala pang papers. "Uhm mister one is enough in my heart keep waiting. The elevator will go up and down you wait here until tomorrow is another day." Sabi ko sa kaniya at isinara ang pinto ng elevator. Namana ko nga yata itong galing ko sa english kay inay. I'm so galing na talaga, nakakapride naman! "Oh Yule halika na, hanapin na lang natin kung saan iyong kwarto." Sabi sa akin ni inay at hinila na ako pagkarating ko sa taas. "Ay inay, dito na yata oh!" Turo ko sa isang bukas na pinto. Ito lang naman kasi ang bukas, paniguradong ito na 'yon. Syempre sarado ang iba kasi may tao 'di ba? Privacy is private kaya. "Aba'y oo nga, sarado 'yong ibang pinto. This doorway lang ang bukas kaya pumasok na tayo." Sabi ni inay. Hinila na ako ni inay at pumasok na kami sa loob. Naexcite naman ako, ano kaya ang mangyayari? "Inay, dito nga po iyon. Nakisearch ako sa cellphone ni Aling Betty na touchscreen ganito nga raw po ang itsura nung kwarto. Parang paanakan nga sa personality." Sabi ko kay inay. Humiga naman ako roon sa parang kama na may televisioning sa gilid. Bubuksan ko sana itong televisioning kaso baka pagalitan ako nung doktora, mamaya na lang. "Yes darling! I'll hang this up now, bye! Oh nandito na pala kayo, let's start? Napaaga naman yata kayo ng dating, ang sched niyo ay mamaya pang-" "Can start now you will? I'm not a patient in waiting, hmp." Putol ni inay kay doktora. Aba'y nanay ko 'yan! That's my mother-in-law! "Uhm pft, sige magsimula na tayo. Ako nga pala si Dra. Avi Ramos." Pagpapakilala ni doktora at lumapit na rito sa pwesto ko. Kinakabahan ako, baka masakit. "Ikaw na ang bahala riyan sa anak ko, first timer 'yan keep it slowly. I'll wait outside until tomorrow is another day, okay?" Paalam ni inay kay doktora at lumabas na. “Ang aga naman ng dating niyong mag-ina. Mamaya pang hapon ang schedule niyo ah. Hindi bale ayos na rin, makakapagwalwal na ako mamaya. ” Bulong ni Dra. Avi kaso hindi ko naintindihan. "Ano iyon amoy bagoong? Nevermind. Hinga kang malalim, ipapasok ko na okay." Sabi ulit ni doktora at itinutok sa k**i ko iyong hawak niya. Ganito ba ‘yong transvaginal untrasound? Akala ko makikita sa televisioning 'yon. Sabagay patay, baka sira siya. Transvaginal ultrasound ang sabi nung doktor sa probinsya namin na gagawin sa akin. Hindi ko alam kung ano iyon, hindi kasi ako pamilyar sa ganiyan. Kailangan kasi naming makasigurado na wala ng natirang bukol sa matres ko. Nagkaroon kasi ako ng cyst dati. Magaling naman na ako, double check kung baga. "Sige ho, doktor– aray!" Oh dear! Napahiyaw ako sa sakit! Parang may napunit! "It's ok mawawala rin ang sakit niyan, I don't know na virgin ka pa pala." Sabi ni doktora habang may isinusulat sa gilid. May mga ginawa pa siya sa k**i ko, pakiramdam ko ay pinunasan niya rin. Nahihiya akong baka magkulay itim iyong pamunas niya, malibag pa kasi. "Ay doktora, babalik pa po ba kami rito?" Tanong ko. "Yes come back here after 2 weeks, then this is your prescription. Inumin mo lahat ng gamot na nakasulat so that you will be healthy and that little thing." Sabi ni doktora at itinuro ako. Aba'y maliit daw ang aking k**i, matambok kaya ito. Little thing daw masyado niya akong minamaliit. Mali-mali pa siya magsalita ng english, hindi ko na lang sinabi at baka mapahiya siya. Baka umiyak pa siya at saksakin ako ng ballpen. "Sige doktora, salamat po. Magkano po ba ang babayaran namin?" Tanong ko kay Dra. Avi. "Bayad na ‘yan don't worry, basta bumalik ka rito after two weeks." Sabi niya at inabot sa akin iyong papel na sinulatan niya kanina. Ang panget ng sulat ni Dra. Avi, parang kinahig ng panabong na manok ni Lolo Jani. Siguro kaya hindi niya kami siningil dahil nahalata niyang more poorer kami sa kaniya. Hindi bale na, nakalibre naman kami ni inay. Tumayo na lang ako at lumabas sa pinto ng paika-ika. Sobrang sakit ng k**i ko! Sinuot ko na lang ulit ang shades namin ni inay na binili niya raw sa palengke sa probinsya namin. Terno pa nga kami at may nakalagay pang sticker nung pusang kulay puti na may laso sa ulo. Ang panget naman nito, mas gusto ko ‘yong pusang blue na may kasamang batang lalaki. "Oh Yule! Ano ba ang sabi nung doktora? Anong nangyari sa 'yo at paika-ika ka maglakad?" Tanong sa akin ni inay. Inabot ko na lang sa kaniya ang prescription na ibinigay ni Doc Avi kanina. Doon nakalagay ang mga gamot daw na kailangan kong inumin. "Ayan nanay iyong prescription na ibinigay sa akin, ayan daw ang bibilihin. Lahat daw 'yan para sa akin at sa k**i ko sabi ni doktora." Paliwanag ko kay inay habang naglalakad na kami papuntang elevator. "Oh aba'y pwede na pala rito ang dalawa pababa, halika ka at sabay na tayo rito." Sabi ni inay at hinila na ako papasok ng elevator. May sasakay pa sana kaso itinulak ni inay 'yong lalaking caterer. Mapapagalitan pa yata kami ni inay dahil sa kamalditahan niya. "Halika na, sumakay na lang tayo ng jeep papunta rito sa address na binigay ng aking bespren. Mamaya na lang tayo bumili ng mga gamot na 'yan. Hindi ka kaya mamatay riyan at ang dami? Pinapainom pa sa 'yo lahat?" Tanong ni inay habang nag-aabang kami ng jeep. "Hindi ko lang po alam inay. Sabi ni doktora 'yon eh kaya sundin na lang natin." Paliwanag ko kay inay pagkatapos ay sumakay na kami ng jeep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD