CHAPTER 2

1574 Words
Yolly's POV: Nakarating na kami ngayon ni inay rito sa bilihan ng gamot. Isang maliit na botika lang ito malapit sa address na binigay ng bespren ni inay. "Anong sa inyo?" Tanong ng isang babaeng naka all-white na naman. Tagluksa ba rito sa Maynila? Akala ko naman mayayaman ang mga taga rito, wala pala silang pambili ng damit. "Ito lahat, make it fasting." Mataray na sabi ni inay roon sa babae at umirap pa pagkatapos ibigay ang reseta. "Inay, bakit ka ba nang-aaway?" Bulong ko kay inay kaya tiningnan niya ako. "Masusungit kasi ang mga tao rito sa Maynila, eh nasa Maynila rin tayo kaya dapat masungit tayo. Be road daw sabi ni bespren ko." Bulong niya at nagflip hair, haynako. Nagchikahan pa kami ni inay bago dumating 'yong babae. Ang slowly niya kumilos ha, parang frog, 'di ba 'yon ang english ng pagong? "Ito na 'yong kailangan ninyo." Inilapag nung babae ang pinamili namin na nasa loob ng kulay brown na papel. "Ano ba iyan, 'di matatak." Nagkatinginan kami ni nanay pagkatapos marinig 'yong sinabi ng babae. May problema ba siya sa apelyido namin? "May problema ka ba, ha?" Mataray na tanong ni inay at kinuha ang pinamili namin. "Oo, 'di matatak eh." Sabi nung babae habang may hawak-hawak na kung anong inihahampas doon sa resibo. "Inaano ka ba ng resibo namin at inaaway mo? Pati apelyido namin pinagdidiskitahan mo. Oh, ayan na bayad, tara na inay. I'm getting patient here because my nerves are trembling." Mataray na sabi ko sa babae bago naglapag ng isang daan. Keep the change na lang. Umalis na kami roon sa botika at naglakad papasok sa isang eskinita. Narinig ko pang tinatawag kami nung babae pero hindi na kami lumingon, road nga kasi kami. "Inay, bakit ganito rito? Ang daming tao saka dikit-dikit 'yong mga bahay? Mas maganda pa pala sa probinsya natin." Bulong ko kay inay habang inililibot ko ang aking paningin sa paligid. "Hayaan mo na, Yule. Tingnan mo nga oh, tayo lang ang maganda rito." Itinaas pa ni inay ang shades niya at kumaway sa mga tao. Ginaya ko na lang din si inay, beautifullest na naman kami rito, hanga ang peoples of the earth. Tumigil kami sa isang apartment na kulay dilaw. Maliit lang siya at may aso pa sa labas na kasalukuyang naglalabas nang sama ng loob. Napakababoy naman ng isang 'to. "Oh, kayo na ba 'yong sinasabi ni Kumareng Berta na tutuloy rito? Mukhang mayaman kayo ah, sige pasok kayo." Bumungad sa amin ang isang babaeng kamukha nung kalaban ni Ariel sa Little Mermaid. Nagyoyosi rin siya at may tattoo sa braso na 'Bhouzxc'. "Napaniwala natin siya na rits tayo, Yule! Sabi ko sa 'yo beutifuller tayo sa kanila eh. Pak na pak din ang suot nating terno." Bulong ni inay kaya nag-apir kami. We share the same boiling blood kaya we are the vibes of each everything kaya. "Oh, ito ang susi nitong apartment. Isa lang ang kwarto rito, ayan na ang sala tapos nasa dulo ang banyo. Ako nga pala si Chubs." Inabot sa amin ni Aling Chubs ang susi at lalabas na sana nang magtanong si inay. "Chubs kasi chubby?" Kunot-noong tanong niya. "Duh, chubby is the new sexy kaya!" Maarteng sagot ni Aling Chubs at kumembot palabas. Nag-alugan naman ang mga bilbil niya. "Inay, bakit walang laman 'to? Akala ko ba may televisioning dito?" Tanong ko naman at inilibot ang paningin ko rito sa aparment. Mapagtatiyagaan naman ang apartment na 'to. Walang pintura ang ding-ding at renolyum ang sahig. "Mura lang kasi ang upa natin dito, isang libo isang buwan. Hayaan mo na pansamantala lang naman tayo rito. Hahanap din tayo ng trabaho kaya makakabili tayo televisioning at saka pridyider. Dadalhin natin sa probinsya." Sagot ni inay habang inaayos ang mga dala naming damit. "Sige inay, tatae lang ako." Paalam ko kay inay at nagtungo sa banyo. Kurtina lang ang harang sa banyo, mabuti na lang at nasa loob ito ng apartment. Umupo na ako sa bowl at umire. Tagumpay kong nailapag ang bomba. Mabuti pa nga rito at may bowl ang banyo. Sa probinsya namin arinola pa ang gamit. Naalala ko rin noong masagi ko 'yong arinola na may laman pa lang jackpot, mangiyak-ngiyak akong naglinis. Binuksan ko ang gripo at naghugas. Mabuti na lang at may sabon dito, nagsabon din ako ng kamay. Paglabas ko ay nakaupo si inay at may ka-text sa cellphone niyang Nokia 3210. Pamana pa ni Lolo Jani 'yan kay inay, ako naman wala akong cellphone dahil wala kaming kwarta. "Inay, sino na naman 'yan at para ka na namang sinisilihan sa pwet?" Tanong ko at umupo sa tabi niya. Inilayo naman niya sa akin ang cellphone para hindi ko mabasa ang pinag-uusapan nila. "Aba, Yule, hayaan mo na akong jumingle. Single naman ako and ready jumingle, hihihi." Pabebeng sabi ni inay habang may nagtitext. Pumunta na lang ako sa kwarto at humiga. Abot-tenga ang ngiti ko dahil unang beses kong makakahiga sa sponge. May kama rito na may sponge, 'yung katulad nang panghugas ng plato kaso malaki ito at pwedeng higaan. Pumikit na ako at dumapa. Ganito ako matulog, wala naman akong dibdib na madagdaganan. Dra. Avi's POV: "Hi, Dra. Avi, good morning! I'm Niveya Koten and this is my mother, Ansley Koten." Biglang may pumasok na mag-ina rito sa opisina ko. Sopistikada sila pareho at nakashades pa. Naalala ko tuloy iyong mag-ina kanina na nakapolka-dots, mas cute ang outfit nila. "Anong kailangan niyo?" Tanong ko sa kanila habang nakain nang giniling ng 7-Eleven, nagtitipid ako for the future. "Uhm, excuse me? Nakaschedule kaya kami ngayon. Check your appointments kaya." Maarteng sabi nung Niveya sa akin at umupo sa harap ko. Hindi ko naman siya pinapaupo ah? Tiningnan ko naman ang schedule ko ngayong araw, wala naman sila sa listahan at tapos na lahat. "Wala kayo sa schedule, tapos na lahat." Bored na sabi ko sa kanila at uminom ng tubig. "Excuse me, ako iyong nagpa-schedule for insemination. Pinauna ko na ngang ipadala 'yong sperm ng asawa ko eh!" Sigaw niya at hinampas ang lamesa ko. Nagulat ako sa sigaw niya kaya natapunan ng tubig ang lab gown ko. "Ulol, h'wag mo akong niloloko. Na-inseminate ko na 'yon kanina, ang aga pa nga ng dating nila. Ano ba ang mayroon at inaagaw mo ang semilya na 'yon?" Mataray din na tanong ko sa Niveya na 'to. "What the f**k, ang boba mo! Na-inseminate mo sa maling tao 'yong sperm! What an asshole you are!" Parang nagslow motion ang lahat dahil sa sinabi ng babaeng 'to. Nagkamali ako ng babaeng tinurukan nung sperm? Jusko, hindi ko akalaing dahil sa t***d mawawalan pa ako ng trabaho! Bakit ba kasi hindi muna ako nagtanong ng pangalan? Ang sabi kasi sa 'kin ng mga nurse mag-ina raw, kaya akala ko sila! Oh my, ang tanga ko! "Oh my God! Patay tayo nito kay Zodiac! Niveya, kapag nalaman ni Zodiac na ninakaw natin iyong sperm niya na dapat idodonate sa charity, jusko, he will kiss us!" Kabadong sabi nung nanay ni Niveya at inalog pa siya sa braso. Hindi ko na alam ang irereact ko! "Ikaw na boba ka, ipahanap mo 'yong taong naturukan mo! Dalhin mo siya rito at kailangan natin maipalaglag iyog bata kung may mabubuo man! Zodiac will kill us all kapag nalaman niya 'to!" Sigaw ni Niveya sa mukha ko at umalis na silang mag-ina. "And take note, kakasuhan kita sa katangahan mo kapag hindi mo nasolusyunan 'to!" Bumalik ang nanay ni Niveya at isinigaw sa akin 'yon. Oh, jusko po! Hindi ko akalaing dahil sa t***d mawawalan na nga ako ng trabaho, makukulong pa ako! Niveya's POV: "Hi, Zodiac babe." Bati ko kay Zodiac pagkapasok ko ng opisina niya. As always, busy na naman siya dahil sa oh so daming papers. "What are you doing here, Niveya? I told the guards not to let you in." Binalingan ako ng tingin ni Zodiac. This man, napakagwapo talaga niyang nilalang. "Babe naman, ang bad mo sa akin. Why don't we enjoy the moment and do some nasty things, huh?" Lumapit ako kay Zodiac at umupo sa lap niya. I tried to kiss him pero binuhat niya ako at isinalampak sa mesa. "Tigil-tigilan mo ako, Niveya. H'wag mong hintaying sirain ko ang buhay mo kapag hindi mo pa rin ako tinantanan." Matalim na sabi sa akin ni Zodiac at umalis sa harap ko. Hinabol ko siya bago pa siya makalabas ng pinto at niyakap sa likod. I love this man so much, ayaw niyang maniwala dahil akala niya pera lang ang habol ko sa kaniya. "Please Zodiac, you know that I love you." Bulong ko habang yakap siya ng mahigpit. "It doesn't matter to me. Hindi kita mahal and I will never love a whore." Nanghina ako sa sinabi ni Zodiac kaya nagawa niya akong itulak. Sumalampak ako sa sahig at doon na tumulo ang mga luha ko. Lumabas na si Zodiac na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. He is a billionaire, kaya tingin niya sa mga katulad ko ay habol lang ang pera niya. I know one day he'll love me back, I'm sure as hell. Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa insemination, he will kill my entire clan. I'll find that b***h kahit sino pa siya. Hindi ako makakapayag na may humadlang sa amin ni Zodiac.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD