Yolly's POV: Isang linggo na ang nakakalipas mula noong engkwentro sa office ni Zodiac, ito na kami ngayon at masaya na. Dito ako pinatuloy ni itay sa mansyon nila ni Kuya Sonson, nickname ni Kuya Assault. Dito na rin si inay titira, baka sa isang taon pa raw sumunod si Lolo Jani dahil walang nagbabantay sa palayan namin. Namimiss ko na tuloy si Fifi, ang aso ko sa probinsyang amoy p***y. "Banana bear ko, ang lalim yata ng iniisip mo? Care to share?" Tanong ni Zodiac at umupo rito sa tabi ko sa sofa. Nanonood kasi ako ng loud house. Dito rin umuuwi si Zodiac pagkatapos ng trabaho niya sa kompanya. Hindi pumayag si itay na kila Zodiac ako tumira, hahabulin niya raw ng itak ang isang 'to. "Wala naman, naiisip ko lang si Lolo Jani sa probinsya kung ayos lang siya. Miss ko na rin 'yon

