Yolly's POV: "Tay, huwag kang maingay baka magising siya." "She looks like your mother, naiiyak ako." "Tay, bading ka na ba?" Nagising ako dahil sa mahinang bulungan kaya iminulat ko na ang mga mata ko. Nakita ko ang dalawang bulto sa unahan ko, mga lalaki sila. Kinabahan naman ako bigla, nasaan ako!? "Wahh sino kayo anong kailangan niyo sa 'kin!? I'm no money papers only, I'm more poorer than rats!" Sigaw ko sa kanila. Luminaw naman na ang paningin ko at nakitang si Assault pala na may kasamang isa pang lalaki, tatay niya yata. Anong ginagawa nila rito? "Jusko anak nga kita, manang-mana ka sa nanay mo!" Sigaw nung lalaki at niyakap ako. Naamoy ko ang pabango niya at biglang umikot ang sikmura ko. Itinulak ko siya kaya napaatras siya at mabilis akong pumunta sa banyo. Sumuka a

