Hinagpis Ng Puso

1107 Words
Tuloy-tuloy akong nagpagulong-gulong hanggang sa mapunta ako sa likod na pader. Mabilis akong nagtago upang ‘di tamaan ng bala ng baril. Mayamaya pa'y biglang tumigil ang pagpapaulan nila ng bala ng baril sa akin. Kaya naman maliksi akong sumilip upang alamin kung ano'ng nangyayari. At Nakita kong isa-isa na silang sumakay sa motor ganoon din ang lalaking bumaril sa aking crush. Hanggang sa mamataan ko ang hindi kalakihang bato. At ubod lakas ko itong ibinato sa lalaking bumaril sa crush ko, mabuti na lang at sa hulihan ito ng motor naupo. Kaya ayon sapol na sapol ang likod nito. “Ahh! Hayop!” narinig kong pagmumura ng lalaking tinamaan ko ng bato. Hindi naman tumigil ang driver ng motor at nagtuloy-tuloy na silang umalis. Ako naman ay naghanada rin para umalis sa lugar na ito. Kailangan ko rin na balikan ang aking kariton. At baka may kumuha na noon. Malalaki ang hakbang ko pabalik sa pinanggalingan ko. Ngunit naging malikot ang mga mata ko sa buong paligid. Mayamaya pa’y natanaw ko ang aking kariton. Ngunit wala na rito ang aking crush. Baka dinala na ito sa hospital. Kinuha ko lang ang aking kariton at tuluyan na rin akong umuwi sa aking bahay. Hindi nagtagal ay nakarating na ako. Tuloy-tuloy kong ipinasok ang kariton na dala-dala ko sa loob ng gate. Sinamantala ko rin ang pagkakataon na wala pang tao rito sa kalye upang hindi makita ang aking itsura. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng bahay at tuluyang nagpunta sa banyo. Upang maglinis ng buong katawan ko. Hindi naman ako nagtagal sa paliligo ko. Mabilis akong nagbihis, papatuyuin ko lang ang aking buhok bago ako matulog. Hanggang sa mapatingin ako sa picture ng mga magulang ko. Sobrang namimis ko na sila. Siguro kung nabubuhay pa sila ay tiyak na matutuwa sila para sa akin. Maibigay ko na rin ang lahat ng mga kailangan nila. Parang biglang sumikip ang dibdib ko nang maalala ko na naman ang nangyari sa kanila at ‘yun ang hinding-hindi ko malilimutan. Nagkataong may bagyo noon. Isabay pang may sakit sina inay at itay. Ako naman ay wala ng araw na ‘yun dahil kailangan kong mamalimos sa kalye upang may pambili ako ng gamot ng mga magulang. Kahit kasagsagan ng bagyo ay nasa lansangan ako. Bumalik lang ako sa ilalim ng tulay noong kalabili na ako ng gamot ng inay at itay ko. Nakakalungkot mang isipin ay sa ilalim kami ng tuloy nakarita. Walang sapat na pera ang mga magulang ko upang makapag renta kahit maliit na bahay. Magkano lang na naman ang kinikita nina inay at itay sa pangangalakal ng basura. Ngunit hindi kami nawalan ng pag-asa at lumaban kami sa buhay kahit mahirap. Ngunit, bigla naman kaming sinubok ng tadhana, nang biglang lumaki ang tubig sa ilalim ng tulay, na siyang dahilan ng pagkasawi ng mga magulang ko. Gusto ko silang iligtas noong time na ‘yun. Ngunit sobrang huli na dahil tuluyan na silang tinangay nang malakas na agos ng tubig. Labis-labis akong naghihinagpis ng araw na ‘yun. Lalo at hindi ko man lang nakita kahit bangkay nila. Walang tumulong sa akin para mahanap kahit bangkay nina Inay at Itay. Ngunit kahit ano’ng pagpaghahanap ko sa katawan nila ay hindi ko pa rin makita. Ano bang magagawa ng isang tulad kong bata lang noon. Hanggang isang araw ay nagbagong bigla ang buhay ko. Kasalukuyan akong hinahabol ng mga pulis noon dahil nagnakaw ako ng isang pirasong tinapay sa bikery, hindi na ako makatiis at gutom na gutom ako noon. Wala namang nagpapalimos sa akin. Kaya nagawa ko na ang magnakaw ng tinapay. Kahit labag sa kalooban ko’y wala naman ako magawa lalo at hinang-hina na ako noon. Ngunit masyadong madamot ang may-ari ng bikery na aking ninakawan, dahil sa isang pirasong tinapay ay gusto akong ipahuli. Hindi naman ako papayag na makulong. Ano na lang ang mangyari sa akin oras na makuha nila ako. Hanggang sa aking pagtakbo ay roon ko naman nabangga si Zach Fuentebella. Nagalit din ito sa mga pulis na humahabol sa akin. Lalo at isang bata lamang ako na walang kalaban-laban sa kanila. Biglang nag-iba ang takbo ng buhay ko, si Boss Zach ang tumulong sa akin ng mga panahong parang basang sisiw ang isang batang paslit na katulad ko. Hindi lang naman ako ang tinulungan ng isang Fuentebella marami kami at ngayon nga ay isang ganap na rin na Agent. Malungkot na lang akong napabungtonghininga. Kung nabubuhay pa sana sila masaya sana kami ngayon. Ngunit sa tuwing iisipin kong walang bangkay ng mga magulang ko ang nakita gusto ko ulit silang ipahanap. Biglang gumaan ang dibdib ko. Bakit hindi ko ulit subukan na hanapin sila. At ako mismo ang maghahanap sa kanila. Babalik ako sa tulay na pinagmulan ko na kung saan nawala ang mga magulang ko. Hanggang sa mabilis akong nagbihis, isang panton at hanging blouse ang suot ko. Agad ko rin kinuha ang wallet ko. Pagkatapos ay nagmamadali na akong naglakad papalabas ng bahay. Hindi ako nagdala ng kotse. Gusto kong maglakad-lakad din. Naglakad lang ako papunta sa sakayan ng jeepney. Agad naman akong nakasakay pagdating ko rito. Sa may pintuan ng jeep ako naupo. Mayamaya pa’y tuluyan nang tumakbo ang sasakyan. Hind naglaon ay tumigil ang jeep dahil mayroon bumaba na mga pasahero. Ngunit may isang bata rin ang pumasok sa loob ng jeep, may hawak itong maliit na tela. Mayamaya pa’y umupo ito sa ibaba at isa-isang pinupunasan ang mga sapatos ng mga pasahero rito. “Kahit pambili lang po ng gamot ng nanay ko. Maawa na po kayo sa amin," narinig kong anas ng bata. At nababanag ko rin ang luha sa mga mata nito. Nilukob naman ng awa ang aking puso para rito. Bigla namang bumalik sa sistema ko ang mga nangyari sa akin noon. Ganitong-ganito rin ako dahil may sakit ang inay at itay ko, lahat nang pagmamakaawa sa mga tao ay ginawa ko rin noon. “Puwede ba, lumayo ka sa akin, bata! Alam ko na ang mga ganiyang style ninyo. Kunwari may sakit ang ina ninyo! Pero magnanakaw kayo!” galit na bulalas ng isang Ale. Itinulak pa nga nito ang bata na siyang ikinatumba ng paslit. Kuyom ang mga kamao ko dahil sa aking nasaksihan. Hanggang sa makita kong balak pang hampas ng babae ang ulo ng bata. Maliksi ko namang inangat ang isang paa ko sabay sipa sa braso ng babae upang hindi matuloy ang pananakit nito sa kawawang bata. “Sa ilalim ng R.A. 7610, pinoprotektahan ng batas ang mga kabataan mula sa pang-aabuso. Alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin, right, Mrs?” mapang-uyam na tanong ko sa babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD