Bumili Ka Nang Kausap Mo: 2

1203 Words
NGUNIT hindi pa rin nagpaawat ang bibig kong matabil. Lalo kasi itong naging gwapo sa aking paningin kapag nagagalit ito. “Layuan mo ako, babaeng baliw!” pagtataboy nito sa akin. Ngunit nagpa-cute lamang ako rito. “Sagutin mo muna ang tanong ko sa ‘yo, crush. Alam mo ba ang 69? Oo at hindi lang naman ang isasagot mo sa akin? Pipili ka lang sa dalawa,” pangungulit ko rito. ”Get out of my sight.” Mas malalaki na ang hakbang nito para lang iwasan ako. Ngunit patuloy pa rin akong kakasunod dito. “Ay, iba na lang pala ang itatanong ko. Puwede ko bang malaman kung ano'ng pangalan mo, crush? Huwag ka nang mahiya sa akin, ito lang naman ako, ang babaeng nagmamahal sa ‘yo. Hayaan mo't sa sunod nating pagkikita ay bibigyan kita ng regalong bote at diyaryo,” anas ko pang nahihibang na yata. “Tantanan mo ako nga, babaeng baliw!” galit na talaga ito sa akin. “Ouch! Ang sakit naman noon? Saka, nagiging baliw lang naman ako kapag ikaw ang kaharap ko, crush. Iwan ko ba, labis akong nagnanasa sa taglay mong kakisigan.” “Damn it…!” narinig kong bulong ng lalaking crush ko, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan nito. At talagang pinagdadamot sa akin. Napansin kong mas lumayo pa ito sa akin. Hindi na rin muling nagsalita ang lalaki. Bagkus ay tuloy-tuloy na itong naglakad nang mas mabilis, kumpara kanina. Nakita kong papalapit ito sa kulay itim na kotse. Ako naman ay hindi pa rin nagpaawat. At dahil may saltik pa rin ako hanggang ngayon ay muli ko na namang sinunda ang lalaking crush ko. “Crush, kung mabigyan ako ng pagkakataon o kapag umayon sa akin ang tadhana, ako na mismo ang hahalik sa ‘yo. Hindi naman siguro masama ‘yun, ‘di ba? Hindi ka naman siguro mabubuntis ka agad, tama ba ako?” Dahan-dahan namang lumingon sa aking ang lalaking crush ko. Ngunit nakapaskil sa mukha nito ang iritasyon. Mayamaya pa’y nakita kong may kinuha ito sa bulsa ng pants na suot. Hanggang sa kuhanin ang aking isang palad at may inilagay rito. ”Bumili ka ng kausap mo, babaeng, baliw.” Sabay iwan ng pera sa aking palad. Hindi naman ako makapagsalita, lalo at hinawak nito ang palad ko. Parang may dumaloy na kuryente sa loob ng katawan ko. Peste! Mamamatay na yata ako? Naku naman! Hindi talaga ako maghuhugas ng kamay kahit tatlong buwan pa. Grabe! Ang inita din ng palad ng crush ko nakakaubos ng hininga! Ngunit huwag muna akong matigok, dahil hindi ko pa nahahalikan ang lalaking nasa harapan ko. Bumalik lang sa tamang katinuan ang utak ko nang nakita ko ang crush ko na humakbang na papalayo sa akin. At simpre, sumunod pa rin ako rin. Tumingin din ako sa dalawang libong hawak ko na binigay ng lalaki sa akin. “Ayos, ah, galanti itong magbigay…” bulong ko pa. Hanggang sa mas binilisan ko ang paghakbang at pagtulak sa kariton na dala-dala ko upang pumantay rito. “Crush, magkano ba isang araw mo? Para lang makausap ka maghapon? Sapat na ba ang dalawang libong binigay mo sa akin upang maging kabayaran para lang makaututang dila ka maghapon?” abnormal na tanong ko sa lalaki. “Tigilan mo ako babaeng baliw!” sigaw na nito sa akin. Ngunit hindi naman ito lumingon sa akin. Subalit biglang kumunot ang noo ko. Pinasingkit ko rin ang aking mga mata. Hanggang sa matanaw ko ang isang lalaki sa unahan namin. At ito’y nasa ibabaw ito ng bubong ng malaking truck, habang may hawak itong lancer gun. Sinundan ko ang pulang ilaw ng baril. At doon ko nakitang nakatutok ito sa dibdib ng lalaking crush ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik. Mabilis kong hinila ang lalaking katabi ko papunta sa loob ng kariton at dito kami bumagsak. Subalit nahagip pa rin ang braso nito bala ng baril. “s**t…” narinig kong bulong ng lalaki. Maliksi naman akong tumayo rito sa loob ng kariton. Walang lingon-lingon na tumakbo ako para puntahan ang taong bumaril sa lalaking crush ko. “Hey! Bumalik ka rito, babae!” narinig ko pang sigaw ng crush ko. Lumingon lamang ako rito sabay kindat ko ng isang mata ko. Hanggang sa muli akong nagatuloy sa pagtakbo papalapit sa truck na kung saan naroroon ang lalaking bumaril sa crush. Mayamaya pa’y natanaw ko na ang ang truck. Namataan ko rin ang lalaki na pababa sa truck. Kaya naman mas binilisan ko ang pagtakbo ko para lang maabutan ito. “Peste!” bulalas ko. Dahil tumakbo rin ito at pumasok ito eskinita sa loob ng squatter area. Ngunit hindi ako papayag na makawala ito. Mukhang alam ko na kung saan ang lusot nito. Napangisi tuloy ako. Pagkatapos ay umikot ako sa kaliwa upang salubungin ito. Alam ko ang pasikot-sikot sa squatter area na ito. Kaya hindi ako basta maliligaw rito. Pagdating sa daang punterya ko’y nagtago muna ako. Upang hindi ako makita. Hanggang sa maramdaman kong may isang tao ang papalapit at mabilis itong tumakbo papalapit dito sa aking kinaroroonan. Kaya naghanda ako sapaglapit nito. Mayamaya pa’y mabilis na umangat ang isang paa ko at ubod lakas kong tinadyakan ang tagiliran ang taong tumapat akin. Gulat na gulat ito sa aking ginawa. Ngunit, huli na ang pagka-shock nito dahil nagpagulong-gulong na ito sa lupa, na agad ko namang sinundan at baka makatakas pa. Nahinto lamang ito sa paggulong nang bumungga ang katawan nito sa malaking bato. Nang makalapit naman ako rito ay agad kong hinawakan nang mahigpit ang kwelyo ng damit ito. “Siralo ka! Talagang papatayin mo pa talaga ang aking crush. Minsan lang akong humanga sa isang lalaki tutudasun mo pa!” galit na sigaw ko sa mukhan nito. “Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo babeng pulubi!” sigaw nito. At nagpupumiglas para lang makawala sa mahigpit kong pagkakahawak sa kanya. Ngunit hindi ko hahayaan na matakasan ako nito. At dahil mabilis din akong mapikon ay ubod lakas kong sinuntok ito nang makakasunod-sunod sa sikumura. Pinatikim ko rin ng suntok ang mukha ng lalaki. “Huwag na tayong maglokohan. Kitang-kita ng dalawan mata ko na ikaw ang bumaril sa lalaking crush ko!” “Hi-Hindi ko talaga alam ang mga pinagsasabi mo,” muling pagtangi ng lalaki sa akin. Lalo namang umusok ang ilong ko sa sagot nito. At dahil nasusura na ako sa mukha ng lalaki, ay muli ko na naman itong pinatikim ng suntok sa leeg niya, na Lalong kinadaing nito sa sakit Kinuha ko rin ang bag nitong hawak-hawak at agad na binuksan upang alamin kung anong laman, tumambad lang naman sa akin ang baril. “Tangging kamatayan ka pa, ah! Pero huling-huli ka na nga!” Tangka ko pa sana itong sasakalin sa leeg nito. Ngunit narinig ko ang tunog ng motor na biglang tumigil at ilang hakbang lang mula sa aming pwesto ng lalaki. “Lintik!” malakas na sigaw ko. At parang ipo-ipon nagpagulong-gulong ako papalayo sa aking pwesto. Dahil narinig ko ang pagkasa ng baril. At alam kong ako ang babarilin nila. Hindi nga ako nagkamali dahil pinauulanan na nila ako ng bala ng baril. “Mga animal…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD