Chapter 38

932 Words

Puno ng kaba ang dibdib ko habang nakasunod sa paglakad kina Giro at Arlene.Tahimik lamang akong nakasunod sa mga ito.Tila naman nagbibilang ng mga hakbang ang magkasintahan sa bagal ng lakad ng mga ito habang ako ay gusto ng takbuhin ang bahay ng mahal ko.Mula sa di kalayoan ay tanaw ko na ang di kalakihang bahay na napapalibutan ng mga bulaklaking halaman.At tanaw ko mula rito ang babaeng nagdidilig ng mga iyon.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Si Gella iyon..kahit nakatagilid ito mula sa kinaroroonan namin ay kabisado ko ang bawat anggulo nito. Habang papalapit ay mas lalo akong nananabik dito. Ilang sandali pa ay nasa harapan na kami ng bahay nila.Agad naman itong napalingon ng mapansing nakatayo kami sa gate nila na gawa sa kawayan.Tila ito natigilan ng madako ang mga mata nito sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD