Pagkatapos ng tagpo kanina with Arlene and Giro ay dumiretso na ako ng bahay.I prepared my stuff dahil maaga ang alis namin bukas.Sasama ako kina Arlene and Giro upang puntahan si Gella sa kanila.Nasasabik na akong makita ang mahal ko. Sobrang namimiss ko na itong makita at mayakap.Tinawagan ko si Chelsea at ipinaalam dito ang sitwasyon Maski man ito ay nabigla din sa nalaman na buntis si Gella.Alam kong nag-aalangan ito sa akin para kay Gella kaya ipinaliwanag ko na sa kanya ang lahat.Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin dito ang buong pangyayari.Mula sa kinahihinatnan ng relasyon namin ni Mira hanggang sa plano ko para kay Gella. "Naiintindihan ko na ngayon ang lahat Chase.Sana maaayos nyo ni Gella kung ano man ang hindi pagkakaunawaan ninyo.Alam ko naman na mabuti kang t

