Chapter 18

865 Words
Almost 7pm na at andito pa rin ako sa opisina.Kakaligpit ko lang ng mga gamit ko para makauwi.Andami ko pa kasing tinapos na paper works today. Maaga daw kasi gagamitin ni Sir Franco ang mga iyon bukas kaya napilitan akong mag overtime.Medyo kumakalam na rin ang sikmura sa gutom ,di kasi ako bumaba kanina ng canteen para maghapunan muna.Sa karenderya malapit sa apartment nalang ako kakain.Ayoko nang masyado pang gabihin at baka mahihirapan pa akong makasakay ng jeep pauwi. Pagkalabas na pagkalabas ko ng building ay napasin kong nakatayo si Chase sa b****a ng exit . Lalagpasan ko lang sana ito ngunit mabilis ako nitong nahawakan sa kamay at iniharap dito. "Gel,please.Let's talk." parang nagsusumamo nito at malungkot ang mga matang nakatitig sa akin. Bahagya ko lang tinitigan ang kamay kong hawak nito.Mabilis naman niyang binitawan ang mga iyon at nakipagsukatan ng titig sa akin. "Hear me out just once please Gel..." hindi ko mapigilan ang mapabuntong-hininga habang iniiwas ko ang tingin sa kanya.Sasagutin ko na sana sya ng sabay pa kaming napalingon ng may tumawag sa pangalan ko.Si Giro pala at patungo ito sa kinatatayuan naming dalawa ni Chase. "Buti naabutan pa kita.Pauwi ka na? ani ni Giro.Tumango naman ako para sagutin ito. "Hatid na kita... di na ako nakasagot ng tumikhim si Chase at matamang tinitigan si Giro habang nagsasalita. "She's with me and I'm taking her home" awang ang mga labing napabaling ako kay Chase.Pwersahan pa ako nitong hinapit sa beywang at hinila palapit sa kanya. Para namang dinaluyan ng libo-libung boltahe ang katawan ko sa ginawa nya. "Ganun ba Gel?... Nahihiyang tumango ako kay Giro at di makatingin dito ng diretso.Ayoko na mapansin nya ang pamumula ng mukha ko dahil sa ginawa ni Chase sa akin.Ng makaalis si Giro ay matapang na hinarap ko si Chase. "Ano ba talaga ang gusto mo Chase at bigla ka na lang sumulpot dito" "I really just wanna talk to you Gel, at alam kong magiging impossible iyon kung hindi kita aabangan dito sa kumpanya nyo." tama naman talaga ito.Dahil sadya ko talaga siyang iniiwasan. Ilang oras na kaya itong naghintay sa akin dito sa labas? Bahala sya...sya naman ang may gusto nun.Parang may sumibol na saya sa puso ko sa isiping nag tyaga itong hintayin ako pagkatapos ng trabaho. "Just please come with me Gel and talk things out.Ayoko na iniiwasan mo ako" "Okay,pero sandali lang." "I promise Gel,..but can we do it somewhere else at hindi dito? Sa totoo lang kasi,.... parang nahihiya pa itong sabihin ang susunod na sasabihin nito. "What?" "medyo nagugutom na ako.Kanina pa kasi ako nag-aabang sayo dito.Kaya di pa ako naghapunan. " na guilty naman ako bigla sa sinabi nito.Kaya pumayag na rin ako. "okay,sige" pagsang-ayon ko rito. Gutom an rin kasi ako dahil di pa rin ako nakapaghapunan.Tinungo namin ang kotse nito at madalian naman ako nitong pinagbuksan ng pintuan ng kotse at saka iginiya paupo sa passenger's seat ng kotse. Kung di nga lang masama ang loob ko dito ay baka nagtatatalon na sa kilig ang puso ko sa mga ipinakita nito. Mabilis naman kaming nakarating sa restaurant. And once again I was amazed dahil sa Pablito's restaurant nya ako dinala. Di pa rin talaga ako naka get over sa ganda ng lugar na ito. Pagkapasok namin ay inalalayan pa ako nito at saka iginiya sa isang gazebo at saka pina-upo. Pumuwesto rin naman ito ng upo sa katapat na upuan. "Anong gusto mong kainin? " banayad na tanong nito sa akin.Kinuha ko naman ang menu na nakalapag at saka isa-isang tinignan ang mga pagkain doon.Ramdam ko ang mga titig ni Chase sa akin habang ginagawa ko iyon kaya napilitan akong mag angat ng tingin dito. "Pumili ka na rin at ng matapos na ito" Para naman itong natauhan at saka dali daling kinuha ang menu at pumili. Pagkatapos makapili ay agad kaming umorder.Hinihintay nalang namin na e serve ang food namin.Nakakabinging katahimikan naman ang namayani sa amin ng oras na ito.He broke the silence and I am glad dahil nakakaasiwa na. "Gel,I know how mad u are at me.I took full responsibility for it and don't blame you for it too. I am sorry for everything I said and acted back then. Hope you can find it in your heart to forgive me Gella. Coz I admit,nahihirapan at nasasaktan ako sa mga pag-iwas mo. Tinitigan ko lang itong mabuti at alam kong nagsasabi ito ng totoo. He was sincere in everything he said. Oo at nasaktan ako nito pero di naman ako masamang tao para di ito mapatawad. Naantig ang puso ko sa sinabi nito at wala sa sariling napatungo ako coz I can't stand how his eyes reached into my soul. "Look at me Gel please,... wala naman sa sariling sumunod ako rito.At ng magtama ang mga mata namin ay muli itong nagsalita "I can't bear the fact of you avoiding me.I don't know what's gotten into me pero hinahanap hanap ka ng mga mata ko palagi Gel.At parang nadudurog ang puso ko sa mga pag-iwas mo sa akin...I think I'd go crazy... Nabigla naman ako sa inamin nito.Wala akong masabi dito at tanging titig lang ang nagawa ko sa lahat ng sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD