Ang gaan ng pakiramdam ko pagkatapos namin mag-usap ni Chase. Alam kung ganun din ito.Pansin ko ang kakaibang sigla nito habang kumakain kami. At di rin nakaligtas sa akin ang malalagkit nitong tingin sa akin. Ang sweet din nito habang kumakain kami,asikasong asikaso nya ako ,alam yata nito na nagugutom ako masyado. Napaka gentleman nito at ibang-iba sya sa inakala ko.Had we started knowing each other without misunderstandings maybe we won't have bad impressions with each other.
Sabay na kaming umuwi ni Chase at ngayon ay lulan pa rin kami ng kotse nya. Nililingon nya ako paminsan-minsan habang nagsasalita sya habang nagmamaneho.Ngayo ko lang din napagtuunan ang kabuuan ni Chase.Matangos ang ilong nito at makakapal ang kilay.Maninipis ang mapupulang labi na animo kay sarap halikan...What??ano na ba itong mga pinag-iisip ko.Ng mapabaling naman minsan ang mata ko sa dibdib nito ay kita kong napakalapad niyon. Kaysarap sigurong makulong sa mga bisig nito.
"Don't stare at me like that Gel,...
Tila naman nahihiyang nagbaba ako ng tingin at agad bumaling sa labas...
"Don't worry,I love it when you look at me Gel.If I may,I want you to only have eyes for me..." it's as though everything froze for a moment. Di ako nakakibo sa tinuran nito.Kahit pa gustong lumundag ng puso ko ay talagang pinigilan ko. Pinilit ko rin ang sarili na wag na muling lingilunin ito at nanatili na lang akong walang imik hanggang sa makarating kami ng apartment.
"I was serious about everything I said Gella. sabi nito sabay baling sa akin.Andito pa rin kami sa loob ng kotse nito. At tila ako hinihigop sa bawat tingin ni Chase sa akin.
Bahagya pa itong humarap sa akin at saka ginagap nito ang mga kamay ko.
"I know we just smoothed things out,but para akong sasabog kung di ko ito sasabihin sayo. I think I've fallen for you...
Napaayos naman ako ng upo at di ko alam kung ano ang e aakto ng mga oras na ito.
"I've had sleepless nights Gel...all those times ikaw ang iniisip ko....
I was speechless...di ko talaga alam ang sasabihin...
"Please say something Gel...
Wala akong mahagilap na sasabihin dito.Parang nanlamig ang buong katawan ko.Pinagpapawisan bigla ang mga kamay kong hawak nito.Mataman lang akong tinitigan nito habang hinihintay kung ano ang sasabihin ko....Nang magtagpo ang mga mata namin ay di ko nagawa pang magbawi ng tingin dito.It's as if everything stopped.At parang nakakabingi nag kalabog ng dibdib ko.Ramdam ko ang pamumula ng pisngi habang unti-unti kong nararamdaman ang mainit na hininga ni Chase sa mukha ko.He's so close...at ....
His lips were suddenly on mine...I don't know how to respond or how to do it. But Chase is so damn good with this. Parang naliliyo ako sa bagong sensasyon na dulot ng halik nito sa akin.Para akong idinuduyan ng nararamdaman ko. Hindi ko napansin kong gaano katagal ang halik na yon,but when we stopped,I felt Chase's arms hugging me. At tila naman ako maamong bata na nagpapadala lang sa lahat ng mga pangayayari.Parang bigla akong naging sunod-sunuran dito. When he gestured to face me ay mariin nya akong tinitigan...
"This may look so sudden but I can't help myself Gella...I love you...I can no longer hold back my feelings towards you...I'm sorry for being aggressive...I just can't help it...Please say something.... parang nanginginig na boses ni Chase.
"I actually don't know what to say Chase..."
"Do you feel the same for me Gel?"
Di ko alam kung ano ang isasagot. Kusa na lang akong yumuko at bigla akong natameme.Hinawakan nya ako sa baba at ilang sandali pa ay naramdaman ko na naman ulit ang paglapat ng labi nito sa labi ko. At nang maghiwalay ang mga labi namin ay nakangiti at masuyo ako nitong tinitigan.....
"I don't wanna be conceited but I think I know the answer to my question Gel....namumulang iniwasan ko itong tignan.Malambing ako nitong isinandal sa dibdib at hinagod pa ang buhok.
"I wish we could stay like this forever but....kailangan na nating bumaba ... masuyong sabi nito sa akin.Saka naman ako parang natauhan at agad tinanggal ang seatbelt na naka buckle sa akin.
"Thanks for tonight Chase...
"My pleasure my loves... at mabilis na kiss sa lips muna bago ito tuluyang bumaba at saka pinagbuksan ako ng pinto. Sobrang saya ng puso ko today. Para itong sasabog sa kaligayahan.Kahit parang napakabilis lahat ng mga pangyayari ay alam kung kuntento pa rin ang puso ko.