Pauwi na kami today pagkatapos ng three day team building namin.Handa na kaming lahat at hinihintay nalang namin na dumating ang nakatalaga na bus para sa sasakyan namin pabalik.Ng makita namin na paparating na ito ay agad kung binuhat ang malaking bag.Medyo na bigla pa ako ng kunin iyon ni Giro sa mga kamay ko.Siya na ang nagbuhat nito habang iginiya niya ako papasok ng bus na naghihintay sa amin.Bahagya ko lang syang nginitian at saka nagpatiuna na sa pagpasok sa loob ng bus habang ito ay nakasunod lang sa akin.Tumabi rin ito sa aki ng upo at tulad ng dati ay nagkukwentuhan lang kami.
Nang makarating ng building at isa isa ng nagbababaan ang mga empleyado ay sinabi nito na ihahatid na daw ako nito sa uuwian ko.
"Gel,can I drop you home?" may dala itong kotse pero iniwan lang na nakapark sa parking lot ng building.
"Naku ,wag na Giro...malapit lang naman ang uuwian ko.Isang sakayan lang at andun na ako."
"Come on Gel. Mahihirapan ka ng makasakay samga oras na ito. Matumal na ang dumadaan na jeep dito sa ganitong oras." oo nga, mag te-ten thirty na pala.Malayo kasi ang ibinyahe namin galing sa resort na pinagdausan ng team building. At medyo traffic pa sa mga dinaanan naming crossings kaya ginabi na kami.
Nag-atubili man ay napapayag din ako nito.Nagkukuwentuhan pa rin kami sa sasakyan nya habang papauwi at marami akong natuklasan rito. Nalaman ko kay Giro na bunso pala sya at dalawa lang sila.His sister was already married to a foreigner at sya at ang mga magulang nalang ang nandito sa Pinas. Gusto daw ng ate nito na sumunod na sila sa Canada pero ayaw iwan ng parents nila ang negosyo dito. Gusto nya rin nga sana na sumunod na ng Canada pero hindi rin nito maiwan iwan ang mga magulang. Nag eenjoy na rin naman daw ito sa kanyang trabaho sa IGC kaya nawala na sa isip nito ang mag-Canada pa. Bibisitahin nalang daw nito ang Ate nito pagdating ng araw.
Tahimik na rin ang paligid ng makarating kami ng apartment. Mag aalas onse na pala. kaya di kataka-takang halos tulog na lahat ng mga oras na ito.Tinulungan ako nitong buhatin ang bag ko hanggang sa makarating sa entrance ng apartment.
"Thanks for giving me a ride Giro. Ingat ka sa pagmaneho pauwi. "
"You're always welcome Gella. Sige na pumasok ka na at medyo late na."
Agad naman akong umakyat na ng kwarto.
Nang matapos ihanda ang sarili para matulog ay nagawi ang tingin ko sa may bintana.Napansin kong tahimik ang buong kabahayan nina Chase. Napabuntong hininga ako ng sumagi na naman siya sa isipan ko. Simula ng tawagan ako nito para makipag usap ay di na uto mawala wala pa sa isip ko.But I taught myself not to think about him and focus on my job.And I swear to myself na iiwasan ko ito. Ayoko ang epektong dala nito sa akin.At sapat na rin ang ginawa nito sa akin upang maging rason na iwasan ko ito.I'll let him thinìk whatever he thought I am. I am not the type who defends myself when people judged me.Sanay na ako noon. Mas pipiliin ko nalang manahimik and let what they think be. Ang dami ko ng problema para idagdag pa iyon sa isipin ko. Ang importante,ay alam ko na malinis ang pagkatao ko at wala akong ginagawang masama sa kapwa.