Desidido akong sundan si Gella sa kanila ng bigla kong naalala na babalik din naman pala agad ito dahil may pasok ito sa Monday.And tomorrow is Sunday at baka pabalik na ito bukas din.Kaya hihintayin ko nalang sya dito at ng makausap ng sarilinan .
I really have to talk to her and settle things..dahil baka lumala pa ang namamagitan na di pagkakaunawaan namin.I can't let it happen,never,specially now that I am sure of what I felt for her.
GELLA's POV
Tahimik ang paligid pagkabalik ko ng unit.
Kung sa bagay ay linggo naman ngayon...kadalasan sa mga nangungupahan dito ay marahil umuwi din sa kani-kanilang mga probinsya at mamayang gabi o madaling araw pa ang balik ng mga ito. Diretso ako ng kwarto at saka mabilis na naghanda para makapagpahinga.Napagod din ako sa byahe kaya kailangan kong magpahinga ng maaga.Isa pa,maaga rin ang pasok ko bukas.Kumain na rin naman ako sa karenderya kanina dun sa tapat ng terminal station kaya talagang busog pa ako hanggang ngayon. Tinatamad na rin akong lumabas pa kaya inihanda ko na ang sarili upang matulog.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok.At sa canteen ng kumpanya na rin ako nag agahan.Nagtext kasi si Sir Franco kahapon na kasama daw ako sa gaganapin na team building kaya mas napaaga pa ang gayak ko kaysa nakasanayan na oras..Tatlong araw ang gaganapin na team building kaya medyo malaki-laki ang bag na dala ko at may nakasukbit pa na maliit na sling bag sa balikat na pinaglagyan ko ng cellphone at wallet. Nakita ko kanina na naghihintay na sa labas ng building ang bus na sasakyan namin papunta sa venue kaya humanap na ako ng puwesto na uupuan habang hindi pa ito masyadong puno. Pinili ko ang pwesto sa pinakadulo ng bus at umupo sa may tapat ng bintana. Tinext ko na rin si Sir Franco at ipinaalam dito na nasa loob na ako ng bus.Dito ko nalang din sila hihintayin ng iba pang kasamahan namin.
Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang iba pang empleyado ng kumpanya.Iilan lang sa kanila ang kakilala ko sa mga ito.Ng makita ko sina sir Franco ay kumaway ako dito. Yong isang kasama nya ay naglakad pa gawi ko dahil wala ng ibang bakante sa ibang pwesto kundi ang upuan na lang na nasa tabi ko.Agad naman itong tumabi sa akin at matamis na ngumiti nang magtagpo ang mga mata namin.
He introduced himself as Giro.He's the Chief Engineer ng Engineering deparment ng IGC.Close friends daw ni sir Franco ang dad nito kaya dito rin ito nakapasok ng trabaho sa tulong ni sir Franco.
Masayang kausap si Giro at ang dami naming naging kwentuhan habang nasa byahe kami.Mahilig din itong magpatawa at bentang benta naman sa akin ang mga jokes niya.
Marami kaming natutunan sa team building...at sa loob ng tatlong araw na iyon na magkasama kami ni Giro ay nakapalagayan ko na ito ng loob.