Chapter 2

1358 Words
Pagkagising ay agad nag-ayos ng pinaghigaan si Gella. Binuksan din nya ang dalawang magkatabing bintana ng kwarto.Para makapasok ang liwanag at para makapagcirculate ang hangin.Pagkabukas nya ay napansin nyang nakaharap pala ang bintana nya sa terrace ng bahay ng may-ari na si Ms.Alice. Buhat sa kinaroroonan niya ay tanaw nya ang malaking terrace sa 2nd floor na napapalibutan ng mga halamang namumulaklak at may maliit na gazebo din.Sa third floor naman ay may maliit na terrace din na sa tantya niya ay pwd sa pangdalawahang tea table.Ang ika apat na nagsilbing rooftop opang 4th floor ay abot pa ng mata nya ang mga nagdadamihang sinampay.Ika nya sa sarili ay baka dun ang laundry area ng mga ito dahil wala syang napansin na pwedeng paglagyan sa ibaba nito.Bukod kasi sa sinakop na ng malaking bahay nito ang lugar ay mga apartment na ang mga katabi nito. Nasa ganun siyang pagmamasid ng mahagip ng mata nya ang paglabas ni Chase sa ikalawang palag ng bahay.Mukhang kagigising lang nito dahil parang animo nagpapahid pa ito ng laway at saka nagpa-unat ng mga kamay. Napansin siguro nitong may nakatitig sa kanya ay nagawi ang tingin nito sa gawi niya. A Para namang napapasong nagbawi sya ng tingin at saka mabilisang tumalikod para magtungo sana ng banyo upang maligo.Ngunit kaagad din namang bumalik para e half close ang jealousie ng bintana.Ng sa gayon ay di sya makita sa labas ng strikto at englisherong si Chase. Pagkatapos ay agad kinuha ang cellphone para e check kung may update na si Brad or Chelsea sa resume na sinumite nya kagabi. At since wala pang mensahe from either of them ay tuluyan na syang pumasok ng banyo para maligo. Tapos na syang makapagbihis at lalabas muna sya para bumili ng breakfast.Malapit lang din naman sa inuupahan niya ang maraming tindahan,karenderya at saka malapit rin ito sa mga malls at isang sakayan lang daw ang palengke at simbahan.At ang abangan ng jeep ay mga ilang metro lang ang layo mula sa tinirhan.Talagang,perfect ang lugar na to sa kanya. GELLA's POV Medyo kumakalam na ang sikmura ko.Tinapos ko pa kasing e update ang resume ko at nagsubmit na rin ako ng applications sa mga hirings na nakita ko online.Simpleng denim short at white loose tshirt lang ang sunuot ko dahil ito na nakasanayan ko pag nasa bahay ako.Isa pa,ilang metro lang naman ang bilihan ng pagkain sa labas. Pinusod ko na lang ang lagpas balikat kong buhok at tuluyan ng bumaba ng hagdanan para lumabas at bumili ng pang breakfast.Di na ako nag abala pang magluto,mas makakatipid ako kung bibili nalang ng ready to eat na pagkain.Less hassle pa sa part ko.Kahit marunong naman akong magluto ay mas pipiliin ko muna sa sandaling ito ang biling pagkain muna. Nagmamadaling,bumaba ako ng hagdan at ng makarating ng ground floor ay halos mapatili ako ng muntikan ko ng makabanggaan si Chase ng bigla itong sumulpot sa gilid ng hagdanan. Sorry! ika ko. oh,next time please look where you're going . Excuse me,nakatingin ako.Ikaw nga itong parang maligno nalang kung sumulpot. Napansin ko ang pagkunot ng noo nya.Pero nagsasabi naman ako ng totoo.Bigla lang talaga itong sumulpot.Kaya nagulat rin ako. Inis ako rito kaya ko sya inirapan at walang pasintabi ko syang iniwan. Nakakainis.Sya na nga itong pabigla bigla ng sulpot tapos kasalanan ko pa. Antipatiko.Ang ganda ng gising ko kanina tapos masisira lang ng taong ito. Naghihimutok talaga ang butse ko hanggang sa makarating ako ng karenderya.Saglit ding nawala iyon ng makita ko ang mga pagkain sa harapan ko. Isang chicken curry at isang serve ng bicol express ang binili ko at 2 cups ng rice.Pqng breakfast at lunch ko ito. Para di ko na kailangan pang lumabas para mananghalian. Pagkatapos magbayad ay agad akong naglakad pabalik.Maya-maya pa ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya dagli ko itong kinuha at tinignan kung kanino galing. Kay Brad! You are scheduled for an interview at 2pm today.Please look for me Gel so I can assist you.Don't be late. Text me in this number once you get here Nakangiti akong nag reply ng "Got it.Thanks so much Brad" Pagkatapos mag reply ay ibinalik ko ang phone sa bulsa at nagpatuloy sa paglakad.Ang saya saya ko dahil sa wakas,interview ko na.Kailangang galingan ko at ng may maganda naman akong maibalita kay nanay. Nilakihan ko ang mga hakbang at ng makakain na ako agad ng sa gayun ay makapag ready ako ng maaga para sa interview mamaya.Diri-diretso ang lakad at ng matapat sa tinambayan ni Chase kahapon ay napalingon ako at napansing naroon na naman ito at kunot noong nakatingin sa akin.Nilagpasan ko ito at di pinansin. Diretso lang ako ng kwarto at saka agad na kumain pagdating. Tapos ko ng ligpitin ang mga pinagkainan ko at sobrang busog ko na.At dahil maaga pa,ay ni ready ko na ang damit na isusuot para sa interview mamaya.Nilabas ko ang mustard yellow,sleeveless at above the knee na dress.At ang aking nag-iisang dala na 2 inch heels na itinalaga ko for times like this.Pinaghandaan ko talaga ang anumang interview na sasabakin ko. Bag,blazer at syempre chineck ang wallet at i.d's para kung hanapan man ako mamaya ng isa,meron akong maipapakita. 12:10 ng tanghali. Pagkatapos makita ang repleksyon sa salamin ay napagdesisyonan ko ng umalis.Satisfied na ako sa look ko today na nakasimpleng pulbo at kunting blush on lang.Nagpahid ng kaunting lipstick ay good to go na ako. Tirik ang araw,at lakas loob akong naglakad ng mga oras na ito papuntang abangan ng jeep.Alas dos pa naman ang interview ko at isang sakayan lang naman yon mula rito.Siguro ay di naman traffic sa mga oras na ito.Ang init at wala akong dalang payong dahil wala akong nabibit nung umalis ako sa amin. Pero okay lang.May waiting shed naman dun sa abangan ng jeep.At malapit na rin naman ako. Ng biglang... Going somewhere? si Chase.Di ko napansing magkasunod kami nito. Yeah.May interview ako. That's great.Where? if you don't mind... Ignacio's Group of Companies.Sa may Ignacio St. sagot ko naman. Bahagya lamang itong tumango dahil pinara nito ang paparating na taksi.At ako naman ay pinara rin ang jeep na paparating. Pero lumagpas lamang ito dahil puno na. Mamaya pa ay may huminto na ngang taxi sa harapan namin.Magtataxi siguro ito kung saan man ang punta nito. "Hop in. Along the way lang naman ang bababaan mo sa pupuntahan ko.I'll ask the driver to drop you there." Alanganin akong kumilos at mukhang nabasa nito ang pag-aatubili ko ay muli itong nagsalita. Come on.I don't bite.I guarantee you'll get there safe.Just trust me. Paniguradong sabi nito sa akin.At dahil nag insist ito ay sumakay na din ako.Total,bihira yata ang jeep sa ganitong oras.Pumwesto ako sa likod at ito naman ay sa front seat. Pagkatapos sabihin sa driver kung saan ang punta ko ay walang imikan kami habang nakatutok lang ang atensyon namin sa daan.Pinakiramdaman ko ito pero,panay cellphone lang ang atensyon nito. Ilang minuto pa ay itinabi na ng driver ang taxi sa tapat ng malaking building.Humugot ako ng 200 dahil nakita ko sa metro na nasa 172.50 ang bayarin ko.Ngunit biglang nagsalita si Chase Keep that Gella.Ako na ang magbabayad.Don't worry,sisingilin kita one day. Parang biro nitong sabi pero seryoso naman ang mukhang nakabaling sa akin. Aba,may negosyo rin ba itong 5/6? Naloko na. And shocks,he calls me my name.Natandaan pala nito ang pangalan ko.Napaurong ako. At nahihiyang nagthank you nalang ako sa kanya.Ng hindi rin nakangiti. Babayaran ko talaga ito.Saad ko sa sarili ko. Break a leg sa interview Gel. Dagdag pa nito. Isang matipid na ngiti lang ang tanging sagot ko.Pababa na ako ng taxi ng may sinabi pa ito sa akin. Ingat ka pabalik mamaya. Napaawang ang mga labi ko dahil sa bigla sa tinuran nya. Di ko maintindahan ang naramdamn ko.Bigla akong kinabahan ng di kO maipaliwanag.Iba yata ang dating ng taong ito sa akin. Nagmamadali ko namang isinara ang pinto ng taxi at agad tumalikod.Pero ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin habang papalayo ako dun. Lord,pakalmahin nyo po ang puso ko.Dapat sa interview po ako kabahan at di po sa istriktong tao na yon. Nawindang yata bigla ang puso ko.Pag nagkataon,di maganda to. Focus,Gella,Focus!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD