"Congratulations Ms.Rosso. You can start right away tomorrow" nakangiting saad ng manager na nag-interview sa akin habang ginagap nito ang kamay ko para makipagkamay.
"Thank you so much po sir Franco" pagbubutihan ko po" masayang saad ko ng pasasalamat sa mabait na Manager.
"I won't keep you long then. I'll see you here tomorrow."
Ok po sir Franco. Maraming salamat po ulit.
Nakangiting nagpaalam ako sa magiging boss ko. Ramdam ko ang kabaitan nito.At sa tantiya ko ay kasing edad na ito ng tatay ko kaya magaan ang loob ko rito. Laking pasalamat ko at hindi strikto ang magiging amo ko.
Nakangiti akong lumabas ng building at saka dali-daling tinext si Brad at ipinaalam dito na tapos na ang interview ko at natanggap ako.Nagpaalam na rin akong uuwi na dahil kailangan kong maghanda para sa maagang pasok bukas. Nagreply naman ito and he congratulates me. Pareho din ang tinext ko kay Chelsea. Alam kong magiging masaya ito para sa akin dahil sa wakas ay makakapagtrabaho na ako.At matutulungan ko na sina Nanay.Agad naman itong nagreply sa akin at lalo akong napasaya sa reply nya.
"wow!!!Congratulations Gel! This calls for a celebration. San ka na ngayon?Mag a-out ako ng maaga para mag early dinner tayo. Taya ko na."
Andito pa rin ako sa labas ng Ignacio's building Chels...Tinext muna kita bago sana ako sasakay pauwi.
"wag ka na muna umuwi Gel.Sa di kalayoan ng building ay may Pablito's restaurant. Dun mo ako hintayin.Dun tayo magdidinner later.Hintayin mo kami ni Brad dun"
Tanging ok lang ang sinagot ko sa text ni Chelsea. At pagkatapos kong e send ang reply ko ay sinimulan ko ngang hanapin ang Pablito's restaurant na sinasabi nya.Di naman ako nahirapan sa paghanap nito dahil napakalaki ng logo at eye catching din naman ang place. May maliit ito na pond na may naglalakihang koi fish sa entrance nito. Meron din itong maliliit na hut set up. Pagkapasok ko sa entrance ay agad akong sinalubong ng waiter na malapad ang ngiti sa akin.
"Good afternoon po maam.Do you have reservations po ba maam?" tanong nito sa akin.
Wala po akong reservations.
"Ok lang po mam,may available tables pa naman po kami.So we can still cater walk ins po.Table for how many po?"
"Table for 3 please."
"Do you prefer po ba inside po or outside po dun sa mga huts? "
Pinagmasdan ko ang paligid.Maganda talaga ang set up sa loob. Pero parang gusto kong e try dun sa huts outside. Para kasing mas romantic doon lalo na pag gabi. Kaya sinabi ko sa waiter na nag assist sa akin na sa huts nalang.Agad naman ako nitong iginiya papunta sa isang sulok na di kalayuan sa pond. Kahit nga daytime pa ay kay ganda na nitong tingnan.Mayroon kasi ditong nakasabit na white sheer cloth in every corner.And ang column nito ay may crawling vines na namumulaklak. Parang na iimagine ko na ang paligid kung gabi. Haaay!Napaka romantic. At heto naman ako,nagiging hopeless romantic.
Nang makaupo ay agad iniabot ng waiter ang menu. Though Chelsea said na libre nya,ay ako na ang magbabayad for tonight.May sobra pa naman sa pera ko.Besides,magsisimula na ako bukas.At maganda naman ang pasweldo na ini-offer sa akin kaya makakabawi agad ako.Sa sasahurin ko ay malaki ang maitutulong nito sa amin.At makakapag-ipon pa ako. Salamat talaga Lord.Sobrang bait nyo sa akin.Nasa ganun akong isipin while flipping the menu ng biglang sumulpot si Brad sa harap ko. Nakangiti ito at napansin kong nagbihis sya dahil kanina nung e guide nya ako papunta sa office ni Sir Franco ay nakauniporme ito.Ngayon ay pustorang-pustora ito na animo may pinaghahandaan. Sa harap ko ito pumuwesto ng upo.
"May inorder ka na?" tanong nito sa akin.
"Wala pa. Teka,akala ko ba sabay kayong dadating ni Chelsea.Ba't nauna ka?." Naguguluhang tanong ko rito.
"Actually Gel,nagsinungaling ako kay Chelsea. I texted and told her I can't come.Sinabi kong may important reports akong need tapusin."
Nakakunot-noong pinagmasdan at pinakinggan ko sya.
"Bakit?"
"Kasi Gel,...ano eh..."
Nalilito ako sa inakto nito ngayon. Pag nalaman ni Chelsea na nagsinungaling ito ay sigurado akong mag-aaway na naman ang mga ito.Iba si Chelsea magalit.Nung huling away na natandaan ko ay nakipaghiwalay si Chelsea kay Brad at walang sabing umuwi ito ng probinsya.Dun nya nakilala si Brad dahil sinundan nito dun si Chelsea at talagang hinanap kahit di naman nito kabisado ang lugar nila. Kursanado itong sumunod dun kahit ang alam lang nito ay ang lugar nila Chelsea at di talaga alam kung saan ang bahay o anong Baranggay. Buti nalang sa niliit ng Baryo namin ay di mahirap hanapin ang isang tao basta taga roon lang. Doon ako bumilib sa pagmamahal ni Brad para kay Chelsea. Na touched naman ang bruha kaya nagkabalikan din.
Napaayos ako ng upo at seryosong tinitigan si Brad at saka tinanong.
"Brad,may problema ba? May problema ba kayo ni Chelsea?"
"Wala Gella.Ano lang kasi...."
"Ano ba Brad? naguguluhan ako eh...Kung my problema ka kay Chelsea di ka dapat nagsinungaling na di ka pupunta rito tapos heto ka ngayon sa harap ko?!..."
"Kinakabahan kasi ako Gel.Baka kasi ano eh."
"Ano nga??? "medyo napalakas pa ang boses ko dahil naiinis ako sa kaharap ko ngayon.Kaibigan ko ang pinag-uusapan dito.At pag nagloko itong si Brad ay pati ako magagalit dito.
"Magpo-propose kasi sana ako kay Chelsea ,Gel.Eh di ko alam kung paano.Kaya nauna na ako rito para sabihin sayo at hingin na rin ang tulong mo" parang tensyonadong sabi nito.
Para naman akong nabunutan ng tinik sa narinig.Akala ko kasi ano na ang mangyayari eh. Pareho silang malapit sa akin.Para ko na ring kuya itong si Brad kung tutuusin.Pagkatapos kasi nung insidente na sumunod ito kay Chelsea sa probinsya ay napapadalas na ito ng punta dun.At everytime na pumupunta ito roon ay nakikipagbonding ito sa kanila.Kaya lalo silang nagkalapit nito.
"Yon lang naman pala eh!Akala ko kung ano na.Pinakaba mo pa ako." at saka masayang napangiti at aaminin kong kinilig ako sa sinabi nito at para na rin sa kaibigan ko.
"Ang swerte ni Chelsea sayo at alam kong magiging masaya kayo forever Brad. You deserve her too dahil alam kong mahal na mahal ka ng kaibigan ko at alam kung ganun ka rin sa kanya. Alam kong ma su-surprise si Chelsea nito. Patingin nga ako ng singsing kung okay lang." parang kinilig na turan ko kay Brad na dali namang hinugot ang maliit na red box sa bulsa nito at saka iniabot sa akin.
Masaya akong bumaling sa kanya at nag congratulate na ako.Naaninag ko sa mga mata nito ang labis na tuwa.At syempre,masaya ako pra sa kanila ng kaibigan ko.Akmang ibabalik ko na kay Brad ang box ay tumunog ang cellphone ko at nakitang si Chelsea ang tumawag.Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Brad ng makita ang pangalan ni Chelsea sa screen. Si Brad tensyonado at parang nahawa na rin ako sa nakikita ko sa kanya.Para tuloy akong biglang naihi sa sitwasyon.Kaya nagpaalam muna akong mag CR at saka ko na sasagutin ang tawag ni Chelsea while making my way there.Di ako dapat kabahan eh.Si Brad ang magpopropose.Accomplice lang ako.Kalma self.Dapat alam ko na kung paano dalhin ang sitwasyon ng nagka ideya ako at napapangiti sa maaring kalalabasan nito mamaya.
Ibinilin ko kay Brad na mamili na sya ng oorderin at sasagutin ko ang tawag ni Chelsea. Nakita ko na kanina pagkapasok kung saan banda ang restroom ng restaurant kaya diretso ang lakad ko dun habang sinagot ang tawag ni Chelsea.
"Hi Chels,san na kayo?" kunwaring tanong ko rito.
"Malapit na ako Gella,5 mins.siguro.Di ko kasama si Brad.May biglaan daw kasing need e submit na reports eh."paliwang nito.
"Ganun ba? sayang naman kung di sya makarating." kalmadong sabi ko para di halata sa boses na nagsisinungaling ako.
Pero sa kaloob-looban ko ay talagang gusto ko ng tumili sa kilig.Napatigil lang ako ng parang may humagip sa balikat ko.Buti nalang at maagap ako at di ako masyadong nahabig at natumba.Nang lingunin ko kung sino ay likod lang ang nakita ko.Buti at nasa hype ako ng kilig ngayon at wala akong oras na patulan para singilin ito ng sorry.Kapal kasi nito,di man lang nag sorry o lumingon man lang.Siguro nagmamadali lang,kumbinse ko sa sarili kaya di ko na inalintana pa.Malapit na ako sa restroom kaya nagpaalam na ako kay Chelsea.
At sinabing bilisan na nya.
Nagmamadali akong nag Cr at agad bumalik sa table kung saan iniwan si Brad kanina. Nakangisi kong sinabi sa kanya na parating na si Chelsea. Para namang bigla itong namutla at halatang nabalisa at di alam ang gagawin.
"Relax ka lang, Brad.Pati ako ninerbyusin sayo eh! "
"Kinakabahan talaga ako eh"
"Ganito nalang,punta ka muna roon sa isang hut na yon... suhestyon ko rito.
"Total padilim naman din,at may sheer curtain naman dun ay di ka mapapansin ni Chelsea kung papasok na ito.At pagka nag on na ang ilaw sa paligid ay saka mo na kami lapitan dito at magpropose ka kay Chelsea."
Walang sabi-sabi at agad naman itong tumayo at sumunod sa sinabi ko.Halata talaga ang kaba nito.Pumuwesto ito sa isa sa mga hut sa pinakahuli na syang itinuro ko.Pagkatapos kasi mag CR kanina ay nakasalubong ko yong waiter na nag assist sa akin pagpasok kanina.Mukhang approachable naman ito kaya di na ako nahiyang kausapin ito.At sinabi ko rito na magpopropose ang boyfriend ng kaibigan ko.Excited naman sila sa narinig kaya pati sila ay nakiplano na rin kung ano ang gagawin namin.At ang totoo ay sa kanila yonG idea na magiging hudyat ang mga ilaw bago lalapit si Brad kay Chelsea.
Ready na ang food namin sa table.Para yatang may pa fiesta dahil ang dami ng pagkain sa table namin.Dahil yata sa tense ni Brad kaya naparami ito ng order. Sa tingin ko kaya naman ng budget.Ngayon lang naman ito at saka special day ito kaya need talaga e celebrate.I was hired and Chelsea will be engaged kung mag yes ito kay Brad.Oh diba!worth a celebration talaga.
Ilang sandali pa ay tanaw ko na si Chelsea sa binabaan nitong taxi. Kumaway ako dito at agad naman ako nitong nakita.Parang nakiayon naman sa amin ang panahon.Napakaaliwalas ng langit at mga ilang minuto pa siguro ay magsisimula ng magdilim.Perfect ito para sa magaganap mamaya.Palapit na sa akin si Chelsea at parang nakikinita ko na ang magiging reaksyon nito mamaya.And again,napapangiti ako sa isiping iyon.
"Hi Gel!Pasensya ka na at medyo natagalan ako,medyo na traffic kami sa may crossing dun.Sobrang lapit na sana gusto ko na ngang lakarin nalang dahil ka'ko mababagot ka sa kahihintay" ..mahabang paliwanag nito
"Naku okay lang.Di naman ako na bored while waiting for you.At saka,nag muni-muni ako.Ang ganda naman dito.Parang ang sarap may ka date or something else."
"Mukhang di ka nga bored.Naparami ang inorder mo eh.Na divert yata sa food ang boredom mo kahihintay sa akin" natatawang biro nito sabay pwesto ng upo katapat ko.
"Oo eh,pinagdiskitahan ko na" ganti ko naman at di nagpahalatang may surpresang naghihintay rito.
Nagkatawanan kami ng biglang lumiwanag ang buong paligid sa outdoor set up.
Ito na yata ang hudyat.Hinawakan ko ang mga kamay ni Chelsea at seryosong tinitigan ito para di nya mapansin ang paglapit ni Brad sa likuran nya. At totoong pasasalamat ko rito dahil sa kabutihang loob na ipinakita nito sa akin at sa pamilya ko.Para ko na itong kapatid kaya ang isiping magpopropose si Brad dito ay para na rin akong naluluha.Chelsea has always been that older sister I never had. Sa kanya ko kayang sabihin lahat ng problema ko.Wala akong sikreto sa babaeng ito.Grateful ako at naging kaibigan ko ito.
"Hoy!ini-emote mo jan."
sabi nito sabay kumpas ng kamay.
"Totoo Chels,mula yon sa kaibuturan ng puso ko.At saka,..."
Di ko na tinapos ang sasabihin ko at inginuso ko nalang si Brad na ready na sa likuran nito. Sinundan naman ni Chelsea ang nais ko at nasurpresa itong makita si Brad sa likuran nya. At parang nakuha na nito ang buong pangyayari kaya ito tumayo at tutop lang ang bibig dahil lumuhod na si Brad sa harapan niya. Walang salitang lumabas sa kanilang dalawa.Kapwa nagtitigan lang at si Brad ay parang nanginginig ang mga labing napapangiti.Pansin ko ang namumuong luha sa mga mata nito.Kahit isang salita ay walang lumabas sa kani-kanilang mga bibig. Totoo nga siguro na kapag ang dalawang tao ay nagmamahalan,mga puso lang nila ang nag-uusap at sa mga mata makikita ang damdamin na kanilang nadarama.This two in front of me are the exact example of those words.
Kapwa alam ng kanilang mga puso ang mga nagaganap ng oras na ito.Kahit ang tanging nasambit lang ni Brad ay "WILL YOU MARRY ME CHELS ,AND SPEND THE REST OF YOUR LIFE WITH ME?" malakas at halos pasigaw na "YES"naman ang sagot ni Chelsea rito at giniya patayo si Brad sabay halik dito.
Magkasabay na hiyawan at palakpakan naman ang namayani sa paligid ng isuot ni Brad ang singsing sa daliri ni Chelsea. At yong waiter na pinakiusapan ko kanina ay lumapit sa table namin bitbit ang isang maliit na cake na may nakasulat na "CONGRATULATIONS" nakangiting tinanggap naman iyon ni Brad at inilapag sa table.
Naluluha akong pagmasdan ang dalawang taong malapit sa akin.Kahit na witnessed ko lang mga ganitong ganap ay nag-uumapaw naman ang puso ko sa kaligayan para sa kanila. A look of relief and happiness ang ngayo'y nakikita ko kay Brad.At si Chelsea naman ay parang di pa naka get over sa sitwasyon.Nagpapahid ng luha at natatawang sinabi pa nito na ang galing ko raw kanina ng tawagan nya ako at sabihing sayang ang di pagsipot ni Brad sa dinner namin. Kinindatan ko lang ito at tinawanan at sinabi na lagi naman akong magaling sa ganitong ganapan.
"Magaling kaya ako sa aktingan sa school Chels. Kaya alam kong mapapasakay kita sa drama kanina."
"Nayari mo nga ako dun Gel. Kahit kailan talaga magaling ka sa ganitong mga pa surpresa." Alam kasi nito na kahit gaano kahirap ang buhay ay mahilig kong surpresahin ang pamilya ko.At sya rin tuwing kaarawan nya ay lagi akong munting sorpresa para sa kanya.
Matanda ito ng tatlong taon sa akin at tinuring ko na ito na parang kapatid. Ramdam ko rin na para na akong nakababatang kapatid nito.Solong anak ito at nabanggit nito sa akin kung gaano ito ka uhaw sa kapatid.At sa akin,sa amin ng mga kapatid ko nito iyon natagpuan. May kaya ang pamilya nito sa amin,ngunit dahil sa kagustuhang may maipagmamalaki sa magulang ay nagpursigi ito at nagsikap. Alam kong kay Brad din nito natagpuan ang pagmamahal na hinahanap nito sa mga magulang nya.Dahil sa sobrang busy sa trabaho ay halos wala na itong oras para sa kanya.Kasambahay lang ang madalas kasama nito.Gayun pa man ay lumaki rin si Chelsea na responsable.At kahit mayron naman ito ng halos lahat ng bagay na wala ako ay napaka down to earth pa rin nito.Heto nga at nangungupahan lamang ito ng simpleng room samantalang kaya naman nitong bumili ng condo dahil sa may kaya naman ito. Pero sa mga nakikita ko ngayong gabi,ay alam ko na kung bakit mas pinili ni Chelsea na mangupahan at tumira sa paupahang tulad ng tinitirhan ko. Gusto nitong ipakita at ipaalam kay Brad na kahit may kakayahan man ang estado nito sa buhay ay hindi sya ang tipo na mahirap abutin at pakisamahan.Knowing Chelsea,alam kong napakaswerte ni Brad dito.Maganda,mabait at sobrang napakadown to earth. Di nagkamali si Brad ng taong minahal.They both deserve each other.At napakaswerte ko rin dahil naging kaibigan ko ang mga ito.
Pagkatapos ng proposal ay masaya naming pinagsaluhan ang napakaraming pagkain sa harapan namin.Napakasarap din naman ng pagkain dito sa Pablito's kaya naparami ako ng kain.Enjoy na enjoy ako sa pagkain ng magsalita si Brad.
"Gel,kung okay lang sayo ay isasama ko kayo ni Chelsea after ng dinner.Ipapakilala ko sya sa kapatid ko na kakarating lang." Di pa kasi nya na meet yon.Eh babalik din yun agad sa Saturday sa U.S.
"Naku Brad,kayo nalang.Uuwi nalang ako maaga pa kasi ako bukas." wika ko.Ayaw ko namang maging third wheel.Isa pa,family matter na yon.Labas ako sa mga eksenang ganyan.At totoo naman na maaga ang pasok ko bukas. First day ko kaya dapat pa impress ako.
"Kaya mo bang umuwi mag-isa Gel? Pwede ka namang sumama nalang eh" ani Chelsea. Para sabay tayong umuwi pagkatapos".
"Naku wag kang mag alala Chels,kaya ko naman.Kaya okay lang talaga. Magtataxi lang ako pauwi para mapanatag yang loob mo."
"Sigurado ka ha,text mo ako pag nakauwi ka na."
"Yes po mam" sagot ko dito sabay kindat.Minsan may pagka overprotective din kasi ito.
Pagkatapos ng dinner ay agad na kaming lumabas ng restaurant. At nag abang ng taxi para masakyan ko pauwi.Madali naman akong nakasakay at kita ko pang hinatid talaga ako ng tanaw ng dalawang lovers hanggang sa makaliko na ang taxi na sinasakyan ko. Maaga pa naman at di pa masyadong busy ang kalsada.Mabilis ang takbo ng driver kay ilang minuto pa ay nakarating na ako. Pagkabayad ay agad akong bumaba ng taxi.At dahil naalala ko ang bilin ni Chelsea na e text sya agad pagkadating ko ,ay sya ko namang ginawa.
Huminto muna ako ng lakad para ma e-type ng mabuti ang message ko for Chelsea.
"Already here Chels" text ko sa kanya.
"Good to know Gel.Pahinga kang maaga para bukas" reply naman nito.
Napapangiti talaga ako sa pagka thoughtful ni Chelsea .Para bang di ito mapakali kung di nito masiguro na safe ako.
"Yes Chels,Ingat kayo dyan ni Brad.And congratulations once again sa inyong dalawa.I am so happy for both of you.Pakisabi din kay Brad na salamat sa dinner tonight. Mag go-goodnight na ako sayo :) " Mahabang mensahe ko sa kanya.Saka simpleng nakangiti ng maalala ko na naman ang mga ganap sa araw na ito.Ibinalik ko naman ang cellphone sa bulsa ko at nagpatuloy sa paglakad.
Nasulyapan ko ang mini garden na tambayan ni Chase at nakitang naroon ito at nakaupo sa parehong lugar. Seryoso itong nakatingin sa akin na para bang may binabasa ng kung ano sa akin.Lalagpasan ko na sana ito ng marinig ko itong magsalita.
"How's your day?" tanong nito. Para bang napilitan lang itong magsalita at tanungin ako.Ewan pero parang may kung ano sa boses at tono ng pananalita nito.
"Okay lang naman "sagot ko naman ng wala ring ka emo-emotion.Aba'y kaya ko namang tumbasan kung anong ipinapakita mo sa akin ano?! sarili ko kausap ko.
"I bet you passed the interview and got the job?.."
"Yeah, I did"
"Congratulations! and I guess you have to celebrate more than just being hired today."
para namang nagulat ako dun.Ano pa ba ang dapat kung e celebrate maliban sa pagkaroon ko ng trabaho? May iba pa ba akong dapat e celebrate? At saka bakit parang alam nito na nagcelebrate nga ako? Manghuhula rin ba ito?bukod sa mag pa 5/6 ay may sideline rin yata itong pagiging manghuhula.
Nalito man ay di ko na lang binigyan ng pansin ang sinabi niya.Nag thank you lang ako sa pag congratulate niya sa akin.Be it sincerely said or not.Well,my response was also the same.Bahala syang manghula kung sincere din ba o hindi.
Tatalikuran ko na sana ito ng muli itong magsalita.
"This is for you" saka inabot sa akin ang isang box ng chocolate cookies.Tiningnan ko lang ito at walang planong tanggapin.Bakit niya ako bibigyan ng cookies? Baka may gayuma ito,naku!Good Lord wag naman po sana,dahil pag itong Chase nato di na kailangan eh. Ay,bakit ganun ang iniisip ko?So di na kailanganin ng gayuma ganun???Ipinilig ko ang ulo ko sa isiping iyon.
"Take this,it's a welcome token from mom.She always do this pag may bagong nangungupahan dito.That's it and nothing else." explanation nito na para bang nabasa nito ang nasa isip ko.
Nahihiya namang tinanggap ko iyon. At saka nagbawi ng tingin.Nang abutin ko ang box ay parang biglang itong natigilan ng tingnan ang kamay ko. Naiiritang napatingin na rin ako sa sariling kamay.Malinis naman ah...Ba't ganun ang reaksyon nya? Dahil nabigla ako sa action nya ay tinitigan ko ito.Parang nagtatanong ang mga mata ko at nakikita kung parang ganun rin sya. Nang makabawi ay dagling iniabot nya iyon sa akin. Naguguluhan man ay tinanggap ko pa rin.Welcome token eh.
I just said my thank you and he was just looking at me. May sasabihin pa ba ito? May hinihintay rin ba akong sabihin nya? Naku Gella!!saway ko sa sarili.Umayos ka.
"Well,that's it. I guess I have to go.
Goodnight Gel" parang di mapakaling sabi nito.
"Yeah,thanks once again for the ride this afternoon and for this." nakangiting sabi ko at iminuwestra ang box ng chocolate cookies na hawak ko.
"Don't mention it,as I've said,maninigil ako dun soon" seryosong sabi nito.
Heto na naman ang loko.May lahi yata itong turko.Nagpapautang nga ito ng 5/6.
"Sige na,you go first " bugaw nito sa akin.
Agad naman akong tumalima na para bang kusang nataranta ang mga paa ko sa sinabi nito.Oh dear self,relax ka lang!Wag ma tensed.
"Goodnight Gella,Sleep well"pahabol pa nitong sabi.
Bigla namang kumabog ang puso ko sa sinabi nito.Bakit parang ang sweet ng dating sa akin ng mga sinabi nito.Eh simpleng you go first at goodnight lang naman ay parang nag rumble na ang kaugat-ugatan ko sa katawan.Naku!!!
Halos liparin ko tuloy ang hagdanan patungo sa kwarto ko dahil lang dito.Daig ko pa yata ang minulto dahil sa inakto ko eh.
Pagkadating ng kwarto ay agad kong inihanda ang sarili para magpahinga.It's still 7:21 at kadalasang matutulog ako ng 8pm or 8:30.Kinuha ko ang towel at ng makapag half bath before going to bed.I'm all prepped up for bed at hawak ko ang cellphone ko upang e txt ang Nanay sa probinsya. Ibinalita ko rito ang pagkatanggap ko sa trabaho at bukas na ang aking simula. Masaya ang Nanay sa ibinalita ko.Nagbilin ulit ito na wag ko raw pabayaan ang sarili at kumain sa tamang oras. I assured her na tatandaan ko lahat ng ibinilin nya.At susundin ko ito.Kahit malayo ako kay Nanay ay lagi naman itong nagpapaalala sa akin na parang kasama ko pa rin sya.Bigla tuloy akong nalungkot at naisip na kung sana makapagtapos ako ng pag-aaral ay mabibigyan ko pa sana ito ng mas magandang buhay.Bigla ko silang na mimiss.Naisubsob ko naman ang mukha sa pooh pillow na fave unan ko.Nakakalungkot lang.Pero naisip ko,maganda din naman ang magiging trabaho ko,kaya dapat maging masaya pa rin ako.I taught myself not to focus on what my life has missing but instead focus on the blessings that was laid in my way. Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay nag goodnight na ako sa kanila at ipinatong ko na ang cellphone sa bed side table.Kahit naman room lang itong inupahan ko ay halos kumpleto naman ito.
May maliit na kwarto sa loob,maliit na sala at saka may pang dining area na pangdalawan ang dining table.Meron na din din itong malinis na cr.Para itong maliit na pad.Naisip kong magaling talaga si Ms.Alice sa ganitong negosyo dahil alam na alam nito kung ano ang basic na kailangan ng isang nangungupahan.Halos kumpleto din sa gamit.Kaya di na mahihirapan ang mga mangungupahan.Kailangan nalang ang mga personal na gamit,mga beddings at utensils.
I turned off the light in my room and turned on the lampshade. Pahiga na ako ng mapansin ang liwanag na naggaling sa labas.Oh God,half closed nga lang pala ang bintana ko.Kaya tumayo ako ulit at akmang isarado iyon ng mapansin kong may nakatayo dun sa second floor ng bahay ni Ms.Alice.Kita ko iyon dahil katapat nito ang room ko. At kung di ako nagkakamali ay parang dun ang room ni Chase dahil nakita ko syang dun lumabas kaninang umaga. Di naman sa pag fe-feeling pero alam kung nakatingin sya sa kinatatayuan ko. And with my curtains parted to the side,alam kung kita nito ang anino ko dun.Sana nga anino lang.Kaya dagli kong isinarado ang jealousie at inayos ang kurtina at saka bumalik sa paghiga. Naghihintay ako ng antok ng biglang tumunog ang cellphone ko.Bumangon ako ulit upang e check kung kanino galing iyon.
"Are you scared of me? " saad ng message na natanggap ko.It's from an unknown sender.
Wala naman akong matandaan na pinagbigyan ko ng number ko.
"You seem so happy just a while ago,but why do you look sad all of a sudden? Is something wrong?
=Chase="
What? How did he got my number???How'd he see me? Napatingala ako at blankong nakatingin sa bintana. Was he looking and observing me all these time?
Sapo ang noo at di makapaniwala.
And why would he be so concern if I am sad or happy?
Lord,wag naman po sanang maglaro ng hide and seek ang veins at arteries ng puso ko.Nakakalito eh.Baka di ko kayanin...