CHAPTER 3- He’s So Hot And So Am I

2187 Words
May driver's license na si Jerry at marunong na rin siyang magmaneho. Maayos kaming nagpaalam sa kanya-kanyang pamilya sa plano naming magsamang dalawa sa Maynila. Hindi na naman sila gaanong nagtanong tungkol sa amin ni Jerry dahil alam na naman nila ang estado ng relasyon naming dalawa. Nakakaiyak mang mawalay sa anak kong si Khaleb ay tiniis ko na lang dahil kailangan kong lumuwas na ng Maynila para sa business na naiwan ng ama niya sa amin. Bibisita na lang ako kahit once a week or twice a month sa probinsiya para makasama ang anak ko. "Welcome back, ma'am!" na-e-excite na bati ng mga kasambahay pagpasok namin ni Jerry ng mansion. "Hi, kamusta kayo?" nakangiti kong tanong. "Mabuti naman po, palagi kaming nagdarasal na sana nasa maayos din kayong kalagayan," sabi ni Yaya. "Salamat. Si Jerry nga pala, kaibigan ko," pakilala ko kay Jerry sa mga kasambahay. Nagdiretso kami ni Jerry sa mansion para bisitahin ang bahay. Pinakilala ko naman si Jerry sa mga kasambahay bilang kaibigan ko. Medyo naiilang pa kasi akong tumira kami ni Jerry sa iisang bubong na may kasama sa bahay kung sasabihin kong may namamagitan sa aming dalawa which is wala pa naman talagang label kaya mas madali para sa akin kung kaibigan lang muna ang tingin ng mga tao dito sa mansiyon tutal baka mabigla rin sila na may pumalit na pala kay Hajie. "Hello po, sir," bati nila. Ngumiti naman si Jerry sa mga kasambahay. "Mabuti po at naisipan niyo ng bumalik, ma'am. Na-missed po namin kayo kaya nung malaman naming babalik kayo ay sobrang na-excite kami, akala pa nga namin makikita na namin ang baby niyo ni Sir Hajie," sabi nung Yaya. "Gusto kasi ni Mama na siya ang mag-alaga sa apo niya kaya hindi ko na rin natiis na sa kanila muna tutal magiging busy din naman ako dito at isa pa, ayokong ipagkatiwala muna sa iba," paliwanag ko. "Sabagay po," sabi naman ni Yaya. "Gusto niyo na po bang kumain, ihahanda na po namin?" Alas-kuwatro pa lang ng hapon, siguro sa hapunan na lang kami kakain ni Jerry. "Ah, mamaya na lang," sabi ko. "Pakiakyat na lang muna ng gamit ko sa kuwarto ko. "Opo." Alam kong matagal ng naghihintay si Jerry ng oras ko para mapag-usapan ang tungkol sa estado ng relasyon namin. Kailangan muna naming mag-stay dito sa mansion habang nag-iisip ako ng plano para sa aming dalawa. "Yaya, pakisamahan na lang muna rin si Jerry sa guest room para makapagpahinga muna siya at pakituro ng mga gamit sa kuwarto na kakailanganin niya. Magpapahinga lang din ako saglit sa kuwarto ko," sabi ko atsaka napatingin kay Jerry na nakatingin sa akin habang nagsasalita ako. Isang taong mahigit na mula nung umalis ako dito sa mansiyon, nakaka-miss. Naaalala ko pa rin naman si Hajie pero parang wala na ang sakit, puro pagmamahal na lang yata ang nararamdaman ko at sa anak namin ko iyon naibubuhos. Nag-shower ako ng mabilis dahil gusto ko ng mahiga saglit sa kama para makapagpahinga. Nakatapis ako ng puting towel habang tumitingin ako sa cabinet ng mga naiwan kong pambahay. Kinuha ko ang isang puting T-shirt na manipis at maluwang na madalas ko ring isuot sa tuwing matutulog akong katabi si Hajie. Nagsuot ako ng panties at isang cotton shorts atsaka ipinatong ang T-shirt ng hindi nagsusuot ng bra dahil mas komportable akong mahiga ng walang bra. Humiga ako sa kama at tumawag sa probinsiya, kinamusta ko ang anak ko at ilang minuto ang nakalipas bago natapos ang tawag atsaka ako nagpasyang umidlip saglit. Nagising akong may kumakatok sa pinto. Tumayo ako atsaka binuksan iyon. Si Jerry. "Pasensiya na, nagising yata kita," sabi niya. "Okay lang, nakaidlip na ako ng ilang minuto, may kailangan ka ba?" tanong ko atsaka napansin na napatingin siya sa malulusog kong dibdib sa ilalim ng T-shirt na puti. Halata ang n****e ko kaya medyo nailang ako atsaka tumalikod at naglakad sa loob ng kuwarto. Narinig ko naman ang paglapat ng pinto. "Kailan mo ako kakausapin?" tanong niya sa mababang tono habang naglalakad papasok ng kuwarto. Naghanap ako ng towel para ipatong sa katawan ko para hindi niya mapansin ang mga n****e ko. "Ayokong masanay na kaibigan mo lang, akala ko pagdating dito sa Maynila magbabago na ang tingin mo sa akin," sabi niya nung maupo sa gilid ng kama. "Jerry, please huwag muna ngayon. Baka may makakita sa'yo na pumasok ka dito sa kuwarto, naiilang pa ako." "Ikinakahiya mo ba ako?" tanong niya nung nakatayo na ako sa harapan niya habang nakaupo siya sa gilid ng kama. "Alam mong hindi Jerry. Hindi 'yan ang dahilan, wala namang dahilan para ikahiya kita, ano bang iniisip mo?" "Hindi ko kayang iparanas sa'yo ang karangyaang naranasan mo sa dati mong asawa," sabi niya atsaka tumungo. Napapikit ako at huminga ng malalim. Tumabi ako sa kanya sa gilid ng kama. "Jerry, hindi ko hinahangad na iparanas mo sa akin 'yun, hindi kailangan. Please, look at me," sabi ko at tumingin naman siya. "Mag-uusap tayo, aayusin natin ang kung ano mang meron sa atin pero hindi dito, gusto ko tayong dalawa lang. Hayaan mo akong mag-isip muna hanggang bukas kung paano natin gagawin 'yun. Ayoko lang mabigla ang lahat ng tao dito na may kapalit na si Hajie. Gusto ko munang ayusin ang relasyon natin. Paano kita ipapakilala sa kanila kung wala pa tayong label?" "Ikaw lang naman ang hinihintay ko," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. "I know, please konting tiyaga na lang, okay?" sabi ko sa kanya habang nakangiti. Nakatingin lang siya sa akin hanggang sa mapansin kong matagal na kaming magkatitigan. Tinanggal niya ang towel na nakapatong sa balikat ko para matakpan ang dibdib ko. Nahulog sa sahig ang towel atsaka niya tinitigan ang mga n****e kong bakat sa T-shirt. Natigilan na lang ako habang dahan-dahan niyang hinahaplos ang dibdib ko with my T-shirts on. Wala akong magawa kundi hayaan lang siya sa ginagawa niya, para tuloy akong nagpapakipot pa kanina pero ang totoo ay sabik na sabik na ring mag-level up ang relasyon namin. Napapikit ako nung pisilin niya ang n****e ko habang hinahaplos ang isa kong dibdib habang suot ko pa rin ang T-shirt ko. Nagmulat ako ng mga mata na papalapit na ang mukha niya sa mukha ko. Para akong naninigas at hindi makagalaw na naghihintay lang ng sunod niyang gagawin nang ilapat niya ang labi niya sa noo ko at tumigil sa paghaplos ng dibdib ko. "Nagugutom na ako," sabi niya atsaka tumayo at nagdiretso na sa may pintuan atsaka lumabas ng kuwarto. Napapikit ako atsaka pabagsak na nahiga sa kama habang nakalawit ang mga binti ko sa kama. "s**t!" sabi ko atsaka nagtakip ng unan sa mukha. I want him, hindi ko na maitatanggi 'yun. Yes, I miss having s*x with someone! s**t! Ang tagal kong pinaghintay si Jerry tapos hahayaan ko lang siyang makipagtalik sa akin ng wala kaming label? Mabuti na lang tumigil si Jerry. Mabuti nga ba? Hays! Nababaliw ka na talaga, Sandy! Nagpalit na ako ng damit at nagsuot na ng bra! Bumaba ako ng hagdan at napansin kong nakaupo sa sofa si Jerry sa Sala, siguro'y hinihintay ako. "Magpapahanada lang ako ng pagkain," sabi ko. "Naghahanda na sila," sabi ni Jerry. "Okay," sabi ko atsaka dumiretso sa tabi niya at naupo rin. Ilang minuto kaming walang imikan. Wala din naman akong masabi kasi nahihiya ako sa karupukan ko kanina. Nag-iisip ako kung tutulong na lang ba ako sa kusina para lang mawala ang ilang sa pagitan namin ni Jerry ngayon pero bigla na siyang nagsalita. "Alam kong hindi lang ako ang nagtitiis, ikaw rin Sandy. Sabihin mo lang, huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin." Ano bang ibig niyang sabihin? Nagulat na lang ako nang ilapat niya ang labi niya sa leeg ko at maramdaman ang bahagyang pagdila niya doon. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa sensasyong naramdaman ko atsaka ko naalalang nasa Sala kami. "Jerry, please." "Please what?" bulong niya. "Huwag dito," sabi ko atsaka tumayo at iniwan siya sa Sala. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Halos magsisi ako sa huli kong sinabi dahil ibigsabihin lang nun ay pumapayag akong gawin niya ang gusto niyang gawin huwag lang sa Sala? Ganun ba ang dating sa kanya? Ewan ko, pero ang alam ko, alam na niyang gusto ko rin! Magkasabay kaming kumain sa dining area. Tahimik lang kaming kumain. Paano siya nakakakain ng ayos samantalang ako eh gulung-gulo ang isip dahil sa ginagawa niyang pang-aakit sa akin! Halos magmadali akong kumain para makaakyat na sa kuwarto dahil hindi ko na kayang makipagtitigan sa kanya. "Tumawag ka na lang ng kasambahay kung may kailangan ka, mauna na akong umakyat sa'yo," sabi ko at hindi na ako naghintay ng sasabihin niya. Nagmadali na akong pumunta ng hagdanan. Sa kuwarto na lang ako magpapahughog. Nanood ako ng TV sa kuwarto pagkatapos kong tumawag kina Mama sa probinsiya. Nang matapos ang pinapanood ko ay sinubukan ko ng matulog pero hindi ako makatulog. s**t, since wala naman si Khaleb ay iinom ako ng red wine para antukin. Bumaba ako ng hagdan at pumasok ng kuwarto na maraming alak. Nagulat na lang ako nang makita sa loob si Jerry at nag-iinom mag-isa. Isa itong pribadong kuwarto na puno ng mga mamahalin at iba't ibang klase ng alak. Dito kami madalas mag-inom ni Hajie noon at ng mga kaibigan namin. Marami na rin kaming maiinit na sandali dito ng dati kong asawa. "Nagtanong ako sa kasambahay ng puwedeng inuming alak at dinala niya ako dito," sabi ni Jerry pagkapasok ko. Wala ng atrasan 'to kasi mahahalata na niyang umiiwas ako. "Hindi ako makatulog, kailangan ko ng red wine," sabi ko na lang habang papalapit sa hanay ng mga wine. Tumayo naman si Jerry atsaka ako ikinuha ng baso para sa wine at binuksan din niya ang napili kong wine atsaka ako sinalinan sa baso. Naupo na kami pareho habang iniinom ang kanya-kanyang alak. Brandy ang iniinom niya. Katulad ng pagkain kanina ay nagmamadali ulit akong matapos ang pag-inom ko para makaalis na dito at makaiwas sa kanya. "Baka malasing ka," paalala niya nung mapansing panay ang salin ko ng wine sa baso. "I used to drink a lot of this before," pagyayabang ko kaya hinayaan na lang niya ako. "Okay, nandito naman ako," sabi niya. "What do you mean? Sasamantalahin mo ba ang kalasingan ko if ever malasing ako?" tanong ko at medyo nakakaramdam na nga ako ng pagkahilo. "Nandito ako para alagaan at protektahan ka," sabi niya habang nakangiti at napangisi ako. Ang korny, pero 'yung totoo Sandy, kinikilig ka! "Sagutin mo nga ako Jerry, bakit hindi ka makahintay?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Alam kong may tama na ako ng alak, matagal-tagal na akong hindi nakakatikim nito kaya siguro ang bilis tumalab. "Mukha pa ba akong nagmamadali sa isang taong mahigit kong panliligaw sa'yo?" tanong niya habang natatawa. Alam kong alam niyang may talab na ako ng alak. "Bakit mo ako inaakit?" tanong ko ng walang pag-aalinlangan. Malakas ang loob ko malamang dahil sa tama ng alak. "Hindi kita inaakit, alam kong gusto mo rin," he chuckled. "Ang kapal ng mukha mo," sabi ko sa kanya pero napangiti lang siya sa akin at napailing. Ilang minutong walang nagsalita pero patuloy pa rin ako sa pag-inom at halos maubos na ang laman ng bote. "Tama na 'yan, baka sumakit na ang ulo mo pagkagising mo," saway niya. "Bakit mo ba ako pinipigilan? Nandiyan ka naman para alagaan at protektahan ako 'di ba sabi mo?" sabi ko habang ramdam ang tama ng alak. Napailing lang siya habang nakangiti. "I have something to ask, a very important question," sabi ko at akmang tatayo nang mawalan ako ng balanse. Tatayo naman agad si Jerry para alalayan ako pero hindi naman natuloy ang pagtumba ko dahil naayos ko naman agad ang pagtayo ko kaya bumalik na siya sa pagkakaupo pero wala siyang ideya na papalapit ako sa kanya at biglang naupo sa kandungan niya. "Hey, lasing ka na," sabi niya habang nakatitig ako sa kanya at siya rin habang hawak ako sa beywang nang nakaupo sa kandungan niya. "Am I?" tanong ko atsaka tumawa pero nakatitig lang siya sa akin. "Ano'ng gusto mong itanong?" tanong niya. Sumeryoso na ang mukha ko habang nakatitig sa kanya. "When will you kiss me on the lips?" tanong ko habang nakatitig sa kanya. Ilang segundo kaming nagtitigan lang. "Gusto mo?" tanong niya habang nakangiti. Napangisi ako. "Are you kidding me? You did cup my boobs already and then you’re asking–" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil siniil na niya ako ng halik sa mga labi. Nung una nagulat pa ako pero kalauna'y sumabay na rin sa mga labi niya ang mga labi ko. Halos mapudpod ang mga labi namin sa kasabikan. Ang tagal na niyang naghihintay, ang tagal na naming naghihintay. He kissed me torridly while feeling his erection on my thigh. Napapaungol na kami pareho halik pa lang ang aming pinagsasaluhan. Ramdam ko rin ang paghaplos niya sa malulusog kong dibdib habang walang tigil ang paghahalikan namin. I'm so excited sa sunod niyang gagawin, he's so hot and so am I.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD