DAANG KRUZ

2252 Words
Nag-ja-jamming na mga kabataang lalaki ang naabutan nila Rocco at Red sa isang lumang apartment sa  Maynila. Sabi ni Rocco nasa Abad Santos na daw sila. Dahil bago sa Maynila ang binatilyo hindi nya  masyadong inintindi kung nasaang lugar na nga sila. Hindi naman sya masyadong namangha sa lugar  dahil halos kapareho lang rin naman ito ng syudad ng Gapo. Maliliit na eskinita ang pinasukan nila,  samo’t saring amoy ang paligid, halo-halo ang mga mga maliliit na establisyemento sa mga kabahayan.  May kabahayang malalaki at may kabahayang basta na lang tinirik sa gilid ng kalsada. Itsurang lumang  bahay kastila ang apartment na pinuntahan nila Red. Nagkalat ang bote ng alak, mga damit na hindi  malaman kung madumi o malinis, hugasang tila tatlong araw nang nakatambak, at ingay ang nadatnan  ng dalawa.  “Insan anong balita?” Bungad ng isang lalaki nang Makita si Rocco  “Mainit sa Gapo, pwede bang dito muna kami ng tropa ko?” Pinakilala ni Rocco si Red sa grupo “Walang problema, pero kanya kanyang diskarte tayo sa pera ha.”  “Syempre naman.”  Dating taga Gapo ang pinsan ni Rocco na si Armando o kilala sa tawag na Zledge, pagtugtog sa banda  ang pinagkaka-abalahan nito at sa pag-asang magkakaroon ng malaking break sa Maynila ay  pansamantala nitong iniwan ang asawa at dalawang anak sa probinsya ay nagbuo ito ng sariling banda.  Si Kurt ang drummer, Si Reece sa guitar, si Urbano ang lead vocals, at si Zledge sa bass, Daang kruZ ang  pangalan ng banda na hango sa pangalan nila. Sa mga pipitsuging bar tumutugtog ang grupo kung hindi  ito sumasali sa mga underground battle of the bands.   Madali namang naka-porma si Red sa Maynila, halos walang pinag-iba ang environment na kinalakihan  nya sa Gapo sa lugar kung nasaan sya ngayon. Ang kaibahan na nga lang ay may taglay syang kalayaang  gawin kung ano ang gusto nyang gawin sa buhay nya.  Runner sa sabungan ang unang naging trabaho nila ni Rocco, pag kumita ng kaunti ay tatambay na sila,  mag-iikot sa Maynila, o kaya ay makiki-jamming sa banda. Tinuruan sila ni Zledge tumugtog ng  instrument. Dati nang marunong si Rocco, drums ang gustong gusto nyang patugtugin. Gitara naman  ang naging trip ni Red, si Zledge ang nagturo sa kanya kung paano.  Naranasan ni Red mag-kargador sa Pier, mag-trike (sidecar) sa Divisoria, at mag-takatak boys. Ang kalye  ay naging isang malaking eskwelahan sa binatilyong Grade 6 lang ang tinapos. Naging malaking tulong  kay Red ang taglay nyang kagandahang lalaki. Lumalaki syang may taglay na tipuno ng katawan, kulay  na mamula-mula at alanganing maitim o kayumanggi, makinis na balat, at mukhang nagtataglay ng kakaibang tapang at angas. Puno ng misteryo ang mga mata ni Red, dito mo mahuhulaang hindi sya  purong Pilipino, malalim ang napaka-itim nyang matang pasumpit kung tumingin. Ang taglay nyang  gandang lalaki ang nagbibigay sa kanya ng maraming oportunidad sa Maynila, pero ito rin ang madalas  magpahamak sa kanya.  Sa umpisa pa lang ay kinakitaan na si Red ng matinding init ng ulo, matakaw sa basag ulo, at palaging  kasangkot sa rambol. Ito ang madalas na dahilan kung bakit hindi sya magtagal sa trabaho o isang lugar,  dahil kapag may naka-away na sya, nagiging mainit na sya sa mga taga roon o kaya naman ay sa mga  pulis.  “Tang ina naman Red! Ang ganda ng kita ko sa Tayuman eh, kung hindi mo sinapak yung bata ni Kabo eh  di sana kumikita pa ako ngayon. Tag-gutom na naman tayo nito.” Sabi ni Rocco Hindi iimik si Red, kapag mapayapa at humupa na ang galit, typical na walang kibo ang lalaki. Hahawak  na lamang ito ng gitara at saka titipa ng pyesa.  “Bwisit na buhay to o!” Aalis si Rocco. Sanggang dikit sila ni Red, pag dating kay Rocco nako-control ni  Red ang galit nya. Hindi nya magawang awayin ito at tama rin naman kasi itong magalit sa kanya, pero  hindi talaga mapigil ni Red ang sarili lalo na kapag pakiramdam nya ay nadedehado sya. Inaway nya ang  bata ni Kabo dahil pinagbintangan sya nitong nang-aagaw ng babae. Kasalanan ba nya kung yung  malandi nitong syota ang kusang lumalapit sa kanya?  “Alam mo bata, ang laki ng potensyal mo dito sa Maynila eh, sinasayang mo lang. Ayaw mo bang  umasenso man lang? Masaya ka na sa barya baryang kita tapos mawawala rin dahil sa init ng ulo mo?”  Si Zledge na ang nagsalita. Gaya ni Rocco, hindi rin pinapatulan ni Red ang minsan minsang pane nermon nito sa kanila. Una ay bilib sya sa galing mag-isip at magplano sa buhay si Zledge at pangalawa  ay nakikitira pa rin sya dito.  “Hindi lang ito ang meron sa Maynila, pangarapin mong makalipat sa kabilang bakod. Doon sa lugar na  maayos at masagana, kasama ng mga taong may-kaya at may sinabi sa buhay. Wag kang makuntento sa  kung anong meron ka, ayusin mo ang direksyon ng buhay mo. Wala na nga tayong pinag-aralan eh,  kung magiging talunan ka pa eh wala kang laban sa lahat ng taong pwedeng mang-api sa iyo. Anong  gagawin mo? Susuntukin mo lahat ng taong magagalit sa iyo? Hindi ganoon, bata. Turuan mong  kontrolin ang sarili mo, i-channel mo yang basag ulo mo sa ibang bagay.”  Naiinis man si Red ay alam naman nyang tama ang lalaki. Ano nga ba ang gusto nyang gawin sa buhay  nya? Magtatatlong taon na sya sa Maynila pero hanggang ngayon ay tambay pa rin sya. Ang totoo  gusto nya ring umasenso, yumaman, mataas din ang pangarap nya, pero hindi nya alam kung paano o  saan mag-u-umpisa.  Para malayo sa gulo ay sinasama sama ni Zledge sila Red at Rocco sa mga lakad ng banda. Habang  nakikipag-sosyalan ang grupo sa mga potensyal na koneksyong magbibigay sa kanila ng trabaho, si Red  at Dagul naman ang nag-tu-tune up ng mga equipment. Si Dagul ang kanang kamay ni Zledge, malaking  mama ito na sa edad na 27 years old ay parang teenager lang kung mag-isip, ito rin ang kasakasama  nilang taga laba, luto, at kung ano ano pa sa kanilang apartment. “Zledge, gusto ko yung bago mong kasama, pakilala mo sa akin.” Lambing ni Randie, ang kaibigang  bading ng manager ng club.  “Menor de edad pa yun Randie, may kuryente dun, ito na lang si Reece gwapong gwapo.” Biro ni  Zledge, alam nya kung ano ang ugali ni Red pagdating sa bakla, na-ikwento ni Rocco sa kanya ang ginawa  ng ama nito sa lalaki. Kayang i-tolerate ni Red ang mga bading pero ramdam ang pagiging ilang nito sa  tuwing may mga bakla sa paligid.  “Gwapo nga hindi naman sariwa, yun ang gusto ko.” Sabi ni Randie sabay nginuso si Red na nag-aayos  sa stage.  “Anong kapalit? Isang album launch kaya mo.” Sabat ni Reece, na tila napipikon sa sinabi ng bakla “Photo album gusto mo?” Antipatikang balik tanong ng bading  “O baka kung saan mapunta ang usapan na yan ha.” Warning ni Leslie, ang manager ng club Umikot ang mga mata ni Randie na tila nagsasabing, buti nga, sa hindi nakaganting si Reece. Umalis ito  patungo sa direksyon ni Red. Tinapunan ng tingin ni Zledge si Kurt, alam na ni Kurt ang gagawin.  Inunahan nito si Randie na makarating kay Red.  “Bata, cool ka lang ha, sumakay ka lang, kailangan natin ang trabahong ito pambayad sa bahay.”  Warning ni Kurt kay Red. Bago pa nakasagot ay andoon na ang baklang si Randie. Matangkad na payat  ito, magaslaw kumilos, at higit sa lahat yung ayaw na ayaw ni Red, pangit na baklang nagpupumilit  gumanda sa pagtatapal ng makapal na make-up.  “Hi, ako nga pala si Randie ang assistant manager ng club na ito...” sinabi ito ni Randie kahit hindi totoo  para lang mag-pa-impress kay Red.   “And you are...?” inabot ni Randie ang kamay nya kay Red.  Alanganing inabot ito ni Red, halata kahit sa dilim ang tila pandidiri nito sa kaharap. “Red.” Simple nitong sagot  “As in pula, siguro mamula mula ang iyong hmmm...” biro ni Randie na akmang may hahablutin kay Red,  maagap si Red na naka-iwas. Ramdam nito ang unti unting pag-init ng kanyang tenga. Mabuti na  lamang at dumating na sila Zledge.  “Ready na Dagul?”  “Oo boss...”  Lumabas si Red ng club para bumaba ang inis nito. Hindi naman na sya ginulo ng baklang si Randie. Ang  totoo wala namang problema sa bading, kahit nasusulasok ang sikmura nya sa tuwing nakakakita sya ng  bakla, kaya nyang humarap ng maayos sa mga ito. Ang ayaw nya lang yung baklang hahawakan sya at  bibiruin sya o aalukin sya ng pera. Ilang bakla na ba ang nabangasan nya ng mukha, hindi lang maka reklamo ang mga ito dahil menor de edad sya, minsang na-baranggay sya sa pambubugbog ng bakla,  nireklamo nya ang akmang panghihipo nito, sa huli sya pa ang binayaran ng bakla para wag na lang  magsampa ng reklamo.  Natapos ang set ng maayos, nagkabayaran naman ng tama, maliit pero sakto na rin dahil libre naman  sila ng hapunan at tag dadalawang bote ng beer. Nang paalis na ang grupo ay biglang lumitaw si Randie,  ang pagkakamali nito ay binigla nya si Red, pinisil nito ang pwetan ng binatilyo. Sa bilis nang pangyayari  natagpuan na lang nila ang sariling pinalalayas sa club, duguan ang basag na mukha ng umiiyak na si  Randie at galit na galit naman si Leslie. “Wag na kayong babalik dito! Mamalasin sa inyo ang club naming!”  Mabuti na lamang at hindi nagsampa ng kaso si Randie at walang nasira sa lugar para bayaran nila.  Galit na galit si Zledge, sa bahay ay nasuntok nito si Red sa sikmura. Hindi magawang suntukin ni Zledge  ang binatilyo sa mukha gaya ng ginagawa nya kina Rocco.  “Putang ina ka talaga! Hindi ka mapaki-usapan...”  “Eh gago kasi eh, nanghahawak...” sa wakas ay nakapagdahilan si Red, galit ito pero hindi sya gumaganti  kay Zledge.  “Para hawak lang, eh maliligo mo naman yun.” Sabi ni Reece  “Eh sa ayaw kong hinahawakan ako eh...” Akmang sasapakin ni Red si Reece, laging nagkaka-initan ang  dalawa.  Umawat si Urbano  “Tama na yan, mag-uumaga na mabubulabog ang mga kapitbahay, bukas na tayo mag-usap pag hindi na  maiinit ang ulo ng lahat.” Sabi nito  “Ano bang nangyari?” Pupungas pungas si Rocco, naiwan kasi sya sa bahay dahil may tinapos itong ibang  trabaho kaya hindi ito nakasama sa club.  “Itong kaibigan mo! Takaw away lagi, masyadong war freak!” sigaw ni Zledge, lumabas ito ng bahay na  galit na galit, sinundan naman ito ni Reece. Nahiga naman ang iba para magpahinga. Naiwan si Red na  nag-iisip. Kinuha nito ang gitara, bumili sya ng sa kanya dahil hindi sya pinahihiram ng gitara ni Reece.  Accoustic guitar pa lang ang kaya nyang bilhin pero magandang klase naman ang kahoy nito, pinag  ipunan talaga ito ni Red. Mahinang tinipa ni Red ang gitara, simpleng strum at tatlong nota lang, paulit  ulit. Maya maya ay unti unting nabuo ang kanta  “Tangnang buhay to! Sarap pumatay ng tao  Ipako ipako sa kruz ang mga bakla!  Bobo ka Reece, puro ka galis  Isama kang ipako ipako ng mga bakla!...”  Parang apoy sa init ang lyrics ni Red. Hindi nya rin alam pero parang nabuhay ang dugo nya.  Dinugtungan pa nya ng Verse, bridge, at pangalawang Chorus ang kanta bago nya tuluyang nabuo ang  kakaibang musikang pinamagatan nyang “kruZify the 3rd”, 3rd s*x ang tinutukoy nya sa awit. Punong  puno ng galit, anghang na salita, at threat of violence ang kanta, nilapatan ng reggae na tunog, saka  inawit ng baritonong boses ni Red.  Ang kantang ito ang tila nagpawala ng galit ni Zledge sa batang si Red. Pinakanta nya ito sa binata nang  minsang maimbitihan sila sa isang battle of the bands. Naging instant hit sa underground music scene  ang awit ni Red. Para itong virus na kumalat sa you tube at naging maraming hit sa download ng mga  sharing sites. Hindi lang si Red ang kumakanta, ibang banda, iba’t ibang tao, iba’t ibang edad. Pero dito naging mainit ang pangalan ng “Daang kruZ”. Sa dami ng imbetasyon nila sa mga battle of the bands  competition at tugtugan sa mga probinsya hindi na magawang mag-reklamo ni Zledge. Galit na galit  naman si Reece na umalis sa banda. Pakiramdam nito ay na-itsa-pwera sya sa pagiging bokalista ni Red  bigla sa banda nila. Magkaganoon man, “Daang kruZ” pa rin sila. Sila Kurt, Red, Urbano, at Zledge ang  bagong line-up ng grupo.  “Anong masasabi nyo sa mga haters nyo, lalo yung grupo ng mga gays and lesbian na pino-protesta ang  inyong kanta?” tanong ng isang amateur reporter sa kanila ng minsang nagkaroon sila ng gig sa  probinsya.  “Wala kaming isyu sa mga bading, pero aminin natin sa hindi eh may mga bading na talaga namang  nananarantado sa mga kabataang lalaki natin. Kami lang ang ginamit bilang boses ng mga kabataang  hindi kayang magsalita para sa kanilang sarili.” Ito ang mabilis na sagot ni Zledge. Sya ang tumatayong  spoke person ng grupo.  Sa mga interviews madalas na si Red ang gustong kausap ng mga reporters pero mailap si Red at ayaw  nya ng bahaging ito ng industriyang unti unti syang niyayakap. Ang gusto lang nya ay sumulat ng kanta  at kumanta. Alam na nya kung ano ang gusto nyang gawin. Sa wakas ay alam na nya. 

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD