Chapter 12

3278 Words
Chapter 12 Sick Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos sabihin no’ng nurse na tumingin sa `kin na mababa na `yong temperatura ng katawan ko. Salamat naman. Gusto ko nang umalis dito sa clinic dahil nakakatatlong-araw na ako simula no’ng dinala ako rito. Mabilis maka-recover `yong katawan ko kaya naman, hindi na ako nagtaka na sinabi iyon ng nurse sa `kin.  Pero pinaalalahanan niya ako na kailangan ko pa ring h’wag gumawa ng mabibigat na trabaho para hindi ako mabinat.  “Heard what the nurse had said on you?” nilingon ko na si Drei pagkatapos umalis no’ng nurse na nagbabantay sa `kin. “No heavy work till you fully recover.” Magsasalita sana ako kaso pinangunahan niya ako. Napatikom na ako ng bibig kasi nagbabanta na iyong tingin niya. “No buts. You need to listen on them. Stop your stubbornness.” Gano’n?  Grabe naman. `Di naman ako gano’n kapasaway… Gusto ko na rin naman talagang gumaling dahil babayaran ko na `yong mga bayarin dito sa clinic na ito bukas kapag nandito na ako. Iniisip ko pa lang, sumasakit na iyong ulo ko. Ayoko na talagang magkasakit. Wala pa naman akong pera. Napatingin ako ro’n sa supot na pinaglalagyan ng mga gamot ko. Kailangan ko ring tipirin iyon dahil wala na akong pambili. Malayo pa naman ang sahod namin sa Shine. Hindi rin naman mapupunta sa `kin iyon dahil para talaga ang sahod ko kay papa. Pambawi ko na rin `yon sa mga pang-aabala na ginawa ko sa kaniya no’ng oras na nagkasakit ako.  Makakabawi na rin ako sa kaniya sa mga susunod na araw… wala na talaga akong lagnat.  Kinabukasan, nakalabas na rin ako ng clinic. Masaya naman ako dahil makakapagtrabaho na rin ako sa wakas, pero bumibigat ang dibdib ko tuwing naiisip ko na hindi na ako dinalaw nila papa pagkatapos no’ng pagkadala sa `kin dito. Naiintindihan ko naman. Galit nga talaga siya sa `kin dahil binigyan ko siya ng problema. Kaso, ang sakit lang na natiis niya ako na hindi makita ng tatlong araw. Iniisip ko na lang na baka, busy siya. Sina Darwin, Ma’am Lot, at iyong ibang katrabaho ko iyong nangangamusta sa `kin. Kahit papa’no, hindi ko naman naramdaman na mag-isa ako sa clinic. Panay iyong paalala nila sa `kin na kailangan kong uminom ng gamot at magpahinga lang ako. Na h’wag ko na raw silang isipin dahil okay lang naman daw iyong Shine.  “You sure you’re okay now? Hindi ka na nahihilo?” “Oo nga.” Ang daming beses nang tinanong sa akin iyan ni Drei. Ilang beses ko rin namang sinasabi na okay na ako. Ang kulit nito. “You really sure you don’t want to stay here for another long?” “Wala akong pambayad.” Sinara ko na iyong zipper ng bagpack ko at isinukbit ko na sa balikat ko. Luminga ako sa buong paligid. Mamimiss ko rin itong lugar na ito kahit na iyong ginawa ko lang naman, matulog ng tatlong araw.  “Okay.” Napalingon ako sa kaniya dahil ang bigat no’ng pagkawala niya ng buntong-hininga. Umiling lang siya at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti. “It’s just sad that it’s hard for other people to access to public health services, when it should be actually free to people.” Tumango ako. “Kaya h’wag mong sayangin `yang pribilehiyo na meron ka. Gamitin mo siya sa pagtulong do’n sa mga kapos… Iyon pa lang, malaking tulong na iyon sa kanila.” “I will.” Nakita ko iyong determinasyon na kumislap sa mga mata niya. “Once I come back to my body, swear, I’ll help the poor.” Tumango ako. Mabuti naman at naisip niya iyon.  Umuwi na rin kami. Wala nga talaga akong binayaran sa clinic dahil sinagot na iyon ng Shine.  Namiss ko bigla iyong bahay. Ano kaya iyong madadatnan ko? Nakapagluto kaya sila habang wala ako? Sana naman. Alam ko kasing busy sila kaya imposible sa kanila iyong makagawa noon.  “O, nakauwi ka na pala. Maglinis ka na ng bahay. `Tagal mo namang bumalik. Sinulit mo pa talaga’ng magpakasasa ro’n at magpaka-prinsesa,” bungad niya sa `kin pagkapasok ko sa loob.  Wala namang nabago pagkatapos kong luminga. Maliban nga lang sa hugasan na medyo tambak na rin. Ilang araw kaya sila hindi nakapaghugas? Pati iyong mga labahan, tingin ko, hindi rin iyon nagalaw.  “What the f**k?!” hindi ko na nilingon si Drei na labis iyong dismaya sa mga nakikita niya. “And you’re gonna do all of this? Again?! Kagagaling mo pa lang sa sakit?!” Nagkibit ako ng balikat sa kaniya. “Wala namang kikilos, eh.” Dumiretso na ako sa basement para mailagay ko na iyong bag ko sa loob. Ramdam ko `yong pagsunod ni Drei sa gilid ko. “They have the energy to do all of it! Ano iyon? They just waited for you to rest and then now that you’re okay, you’ll do now these again?” Hinayaan ko na lang siyang magalit. Wala naman kaso sa `kin. Ang mahalaga, tinanggap naman nila ako.  “Jesus! You’re frustrating!” halos mapapikit na siya kasi hindi ko rin siya sinasagot. Nagpalit na ako ng damit para makapaglinis. Inuna ko na iyong paghugas ng mga plato pagkatapos, naglinis na rin ako ng buong bahay. Nagsaing na rin ako dahil alam kong padating na sina papa mamaya. Bago ako umalis para makabili ng uulamin namin mamaya, nagpaalam siya sa akin na pupuntahan niya lang daw iyong kaibigan niya. “Ang tahimik mo,” sabi ko kay Drei habang naglalakad kami papuntang palengke dahil kanina ko pa siya napansin na gano’n. Kanina rin kasi pa siya nakasimangot habang nakamasid sa `kin.  “Because you’re weird. I can’t believe I will meet a person like you in this timeline. It’s okay to be kind. But your kindness? It’s something that can be abused by somebody. Like your family.” “Sabi ko naman sa `yo, sila na lang iyong meron ako.” Napabuga na siya ng hangin. “I know, right?” nagtaas siya ng kilay.  “Sabi mo, masyado akong considerate na tao dahil ayokong mawala sila sa buhay ko. Totoo naman.” “That’s why you need to learn.” Tumigil ako sa paglalakad dahil tumigil din siya sa harapan ko. “I’m seriously worried about you.”   “Pangako, kaya ko namang dalhin iyong sarili ko. Tingnan mo, okay naman na ako.” Bored niya lang akong pinagmasdan habang ako naman, tinataas iyong dalawang braso ko para mapakita sa kaniya na ayos lang ako.  Napailing na siya. “I can’t do something with you anymore. Anyway, I’m just here, watching over you and silently witnessing here how stubborn you are.” “Hindi ako pasaway.” Napasimangot na ako dahil ilang beses ko nang naririnig sa kaniya iyan. Minsan, nakakainis na rin.  Nagkibit lang siya ng balikat. “Believe yourself what you wanna believe in.” Mukhang galit na `ata siya. Ang lamig ng boses niya. Bumili ako ng mga sangkap dahil balak kong magluto ng sinigang na baboy. Paborito iyon ni papa `tsaka iyon din kasi iyong pinabili niya sa akin.  Pagkauwi, nagluto na ako. Habang naghihintay na maluto iyong mga gulay pagkatapos kong isalang iyong baboy, dumating na rin si papa. Ang sungit na kaagad ng mukha niya noong makita niya ako.  Lumapit ako sa kaniya at nagmano. “Mano po.”  “Nakabalik ka na pala. Ano’ng sabi? Makakapasok ka na ba bukas?” Tumango ako. “Opo.” Lumiwanag iyong kaninang madilim niyang mukha. “Maigi.” Nakaramdam ako ng init sa puso ko noong haplusin niya nang malambing iyong buhok ko sa ulo. “Kailan `yong sahod mo?” “Sa susunod po. Kaso, may bawas na po iyon dahil po nagkasakit ako ng tatlong araw.”   “Sayang nga. Sa susunod iwasan mo nang magkasakit para hindi mabawasan `yang sahod mo.” Akala ko, sasabihin niya sa `kin iyon dahil nag-alala siya sa kalagayan ko… pero ayos na rin. Ang mahalaga, hindi na siya galit at nakangiti na sa akin si papa ngayon.  Agad-agad, pinaghanda ko na siya ng makakain pagkatapos maluto noong sinigang. Nakapag-saing na rin ako. Sinamahan ko rin ng sawsawan dahil hilig niya iyon.  Sunod na dumating si Zelle. Babatiin ko na sana siya, pero nilagpasan niya lang ako. Mukhang galit siya sa akin dahil hindi niya ako nginingitian. Wala naman talagang isang beses na nginitian niya ako, pero iyong tingin niya sa akin kanina, ang talim.  Dumating na rin siya pagkatapos ng ilang minuto. Ang gaan ngayon ng pakiramdam ko na nakikita ko na sila. Hindi na ako malungkot. Nakakalungkot na makulong sa clinic na iyon ng tatlong araw. Hinding-hindi na talaga ako magkakasakit.  Pumasok na ako kinabukasan sa trabaho. Dahil wala nang oras para makapaglaba at kakagaling ko lang daw sa sakit, pina-laundry na lang iyong mga labahan, bedsheet, at sapin ng sofa. Ang daming pina-laundry. Naipon pala talaga iyon no’ng wala ako.  “Glad your family thought of a better way this time.”  Tinanguan ko si Drei habang naglalakad kami palapit sa Shine. “Nag-aalala rin naman sila sa `kin.” “As you said.” “Ngayong magaling na ako, subukan na nating kumalap ng impormasyon tungkol sa aksidente mo.” Napatingin na siya sa akin. “Susubukan kong magtanong kay Ma’am Lot.” “Think about your work first. That could wait.” “Pero `di natin alam kung hanggang kailan pa. Nakasalalay sa pamilya mo `yong desisyon nila sa life support mo.” Natulala siya saglit bago siya tumango. “All right.” Huminga siya nang malalim. “I’ll rely on you.” “`Uy, Zara, sa wakas!” Halos matumba ako sa kinatatayuan ko noong sinalubong ako ni Kuya Raul ng isang mahigpit na yakap pagkatapos kong mag-clearance sa nurse namin dito sa loob. Ang lakas ng hiyawan ng mga kasamahan ko noong nakita na nila ako. Nakakamiss din itong Shine at iyong sigla nila na ang tataas. Kaya hindi na rin kataka-taka na madalas itong dinadayo rito sa San Antonio.  “Okay ka na, Zara?” narinig ko agad iyong pang-aasar at sipulan noong si Darwin na iyong nagtanong. Alam kong inaasar kaming pareho sa isa’t-isa pero, wala naman akong gusto kay Darwin. `Di ko alam kung bakit trip nila kaming asarin. Mukha rin namang walang gusto sa akin si Darwin. Isa pa, trabaho lang iyong pinunta ko rito at para sa `kin, kaibigan lang ang turing ko sa kaniya.  Tumango ako. “Oo.” “Naku, Zara, alam mo bang `yang si Darwin, alalang-alala sa `yo? Kulang na nga lang, puntahan ka na---“ Pinanood ko kung paano sugurin ni Darwin si Nelson at ambahan ito ng isang suntok. Tawa lang nang tawa si Nelson at hinarang iyong dalawang palad niya sa ere dahil mukhang napikon niya si Darwin.  “`Tang-ina ka. Tumahimik ka!” Mas lumakas lang iyong tawa ni Nelson sa singhal ni Darwin. “He likes you.” Napalingon ako sa bulong ni Drei sa gilid ko, lumulutang. “It’s… obvious.” Nakakunot na iyong noo ko sa pagtataka. Pati rin si Drei, iniisip din iyon? Paano naman niya nasabi? Nagseryoso na kami noong sumulpot na si Ma’am Lot at tinawag iyong atensyon naming lahat. “Magsimula na tayo dahil mamaya, may mga customer ulit. Zara?“ nilingon ko si Ma’am. “Salamat naman at okay ka na. Sa ngayon, mild na trabaho muna, ha, para `di ka mabinat.” “Nandiyan naman daw, Ma’am, si Darwin. `Di niya raw iiwan si Zara!” Lumakas na naman iyong tawa ni Nelson no’ng malutong siyang namura ni Darwin. Sana, tumahimik na itong si Nelson. `Di rin nakakatuwa iyong pagiging hyper niya.   “Boys, tama na `yan.” Binalingan na ako ni Ma’am Lot pagkatapos niya sa dalawa. “Okay ka na talaga, Zara, ah?” Tumango ako. “Opo, Ma’am.” “Sige. Balik na sa trabaho at magsimula na ulit tayo.” Tumahimik na lahat lalo na noong dumami na ulit iyong mga customer. Naging mas maingat na ako sa pagbibigay ng mga pagkain sa pagkakataon na `to. Panay iyong pag-check ko nang maraming beses para matiyak ko na walang buhok o kahit na ano sa mga pagkain na in-order ng mga tao. Nadala ko na yata iyong takot sa nangyari no’ng nakaraan dahil kada hatid at balik ni Nelson, awtomatikong kumakalabog iyong dibdib ko sa kaba. Mabuti na lang, nandiyan si Drei para bulungan ako na h’wag matakot dahil baka mas makaapekto lang iyon sa lasa ng pagkain. Tama naman siya.  “Hay, kapagod!” napatingin ako kay Nelson na pagod nang umupo sa bangko rito sa loob ng quarters. Ang dami naming customers. Sabi nila, no’ng wala raw ako rito dahil nagkasakit ako, hindi naman daw nabawasan iyong mga suki. Wala naman daw epekto iyong naganap na eskandalo. Mas nagtiwala pa nga sila sa Shine dahil alam nilang set-up lang iyon sa amin.  Nagsimula na akong kunin iyong mga hinugasan noong dishwasher sa amin. Nakakaawa naman dahil mag-isa lang siya.  “Mabigat iyan.” Halos mapatalon ako sa gulat. Nasa likod ko na kasi si Darwin. Hindi man lang siya magpasintabi.  Napabitaw ako sa hawak kong malaking kawali. Pinanood ko lang siyang kunin `yon mula sa `kin. “Kaya ko naman.” “Baka mabinat ka.” Pareho kaming napalingon kay Nelson na sumipol na naman. Napasimangot na si Darwin. “Gago, tumahimik ka diyan. Ang dumi ng isip mo.” “Pucha.” Tumawa si Nelson nang malakas. “Ako pa’ng maduming isip dito?” “Bitbitin mo na lang `to nang may magawa ka naman diyan.” Napamura na lang habang natatawa si Nelson. Tumayo na siya at lumapit  sa `min `tapos inagaw kay Darwin `yong malaking kawali. Sa paraan ng pag-uusap nila, ang tagal na siguro nilang magkakilala. Sobrang komportable nilang mag-usap. “Zara, kami na muna rito. Malapit na tayong matapos. `Tapos, puwede na tayong umuwi.” Tayo? Kami? Kasama ko siyang maglalakad pauwi? Tumango na lang ako kahit na gusto kong itanong iyon. Nakakahiya naman kapag ginawa ko iyon. Baka isipin niya, masyado akong umasa sa sinabi niya.  Napatingin ako sa oras. Alas-nueve y media na. Kausapin ko na kaya si Ma’am Lot? Pero paano? At saka, ano’ng itatanong ko? Paano ko itatanong? Kailangan ko nang magandang dahilan.  Kaso, naubos naman iyong buong oras, hindi ko rin siya natanong. Sumilip ako sa opisina niya kanina. May kausap siya sa telepono. Ang lalim ng kunot sa noo niya na parang ang lalim ng problemang pinag-uusapan nila ng kausap niya kaya hindi ko na sila inistorbo.  “Ma’am Lot, hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Ate Susan pagkatapos naming isarado iyong pinto ng quarters.  Nagtaka na ako dahil ang lakas ng buntong-hininga niya. Napakamot pa siya sa batok niya.  “Hindi ko alam kung pa’no nangyari `to pero…” tahimik lang kaming nag-aabang ng sasabihin niya. “Mukhang pupunta rito si Ma’am Anabel bukas.” Nanlaki agad `yong mga mata ko. Lumingon na ako kay Drei na mukhang natulala na lang sa anunsyo ni Ma’am Lot.  “Okay ka lang?” Maliit na ngiti lang iyong ibinigay ko kay Darwin para makumbinsi ko siya. Nagtaka ako dahil tinanguan niya ako. “H’wag kang kabahan. Mabait naman si Ma’am Anabel.” “Nakilala mo na siya?” hininaan ko iyong boses ko dahil patuloy pa rin sa pagsasalita si Ma’am Lot.  “No’ng bago ako.” Gumaya rin si Darwin at bumulong na lang. “Medyo istrikta siya pero mabait naman `yun.” “May iba sa inyo na bago pa lang kaya ipapakilala ko kayo sa kaniya bukas. General cleaning and disinfection tayo bukas din. Kailangan din nating i-serve sa kaniya `yong mga pagkain na gusto niya.” Tumango kami.  “Nagtataka lang ako dahil sobrang biglaan `to. Sinasabi niya kasi kung pupunta siya rito nang mas maaga.” “May sinabi ba, Ma’am, kung ano’ng rason niya?” Umiling si Ma’am kay Nelson. “Maghanda na lang tayo bukas. Sige na, umuwi na kayo nang makapagpahinga kayo.” “Drei.” Mabuti naman at nilingon niya ako. Kanina pa kasi siya tahimik. Nakapag-goto na kaming magkakasama, siya, tulala lang at ang lalim pa ng iniisip niya. Naghiwalay na lang kami ni Darwin, wala pa rin siyang imik.  “What?” hindi ako nakasagot dahil nanibago ako sa tono ng boses niya. Masungit. Malayo sa masiglang si Drei kapag tinatawag ko siya.  Mukhang nabigla rin siya sa tanong niya kaya napaiwas na siya ng tingin. “Sorry, I’m just not in the mood to talk anything.” “Kung gusto mong ikuwento `yong nasa isip mo, nandito lang ako. Tahimik lang akong makikinig.” Napabuga siya ng hangin. Nilingon niya ako at nagpamulsa siya. “I’m excited tomorrow because I’m about to see mom, but it took me in to realize that she won’t be able to see… or touch me anymore.” Parang may kung ano’ng gumihit sa dibdib ko pagkakita ko ng lungkot sa mga mata niya. Nakakahawa. “Nagtataka si Ma’am Lot kung bakit daw biglang naisipan ng mama mo na bumisita sa Shine. Tingin mo kaya, ano’ng dahilan?” Umiling siya. “I don’t know… but at least, she’s gonna be here tomorrow… I’ll be able now to see her face… I don’t have any picture of her in my memories.” “Mukhang nawala nga talaga `yong alaala mo sa kaniya.” “I don’t know how’s that happened. Even a small piece of my memory? It’s all f*****g gone.” Hindi ako sanay na ganito siya. Na sobrang frustrated… na walang siyang magawa sa sitwasyon niya ngayon.    “Mahahanap din natin lahat ng memorya mo.” Napatingin siya sa akin, nakaawang iyong labi. Parang nasorpresa siya na nakapagsalita ako sa kaniya nang gano’n. “Tiwala lang.” May maliit na ngiti nang lumitaw sa labi niya. “Can’t believe I will hear this all from you.” Nagkibit lang ako ng balikat. “E, di maniwala ka na.” no’ng tinawanan niya ako, nakahinga ako nang maluwag. Salamat naman at nakangiti na siya.  Kinabukasan, nagsabi sa amin si Ma’am Lot na baka mga tanghali o pahapon na ang dating ng mama ni Drei. Kanina pa hindi mapakali si Drei. Paulit-ulit siyang sumisilip sa glass door, umaasa kung mama na ba niya iyon.  “May sinisilip ka ba diyan?” “Wala,” sagot ko kay Darwin pagkatapos niyang mapansin na nakatanaw ako sa pinto. Ang hindi niya alam, nando’n si Drei, hindi nga lang niya nakikita.  Nakangiti na siya at nawala iyong kunot sa noo niya. “H’wag kang mag-alala. Mag-focus ka lang sa trabaho mo. Kapag nandiyan na si Ma’am Anabel, batiin mo siya. Plus points sa kaniya `yong bumabati sa kaniya. Always smiles lang lagi.” Tatandaan ko `yong sinabi niya. Hindi pa naman ako sanay na ngumingiti. Pero para rito, sige, gagawin ko.  Lahat ng atensyon namin, napunta sa humahangos na si Nelson pagkabukas niya ng pinto ng quarters. “Maghanda na raw po tayo. Nandiyan na si boss.” Lumabas kaming lahat. May mga customer ngayon si Shine pero hindi gano’n karamihan sa oras na ito kaya ma-a-attend namin si Ma’am Anabel.  Pagkalabas ko sa quarters, umagaw ng atensyon ko `yong magandangbabae na nakasuot ng malaking sombrero na nakatagilid at nakapulang dress. Mukha pa siyang bata sa totoong edad niya. Ang tapang ng mukha niya. Mas nagmukha pa siyang nakakatakot dahil hindi siya nakangiti at ang talim niya kung makatingin sa amin. “Is she my mom?” Maski ako, hindi ko alam iyong isasagot dahil ang layo niya  sa ugali ni Drei. Napalunok ako sa kaba. Mukhang… kailangan kong umayos nang todo rito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD