Chapter 11
Sick
Ang bigat ng katawan ko pagkagising ko. Parang ayaw magmulat ng mga mata ko no’ng una… napahawak pa ako sa lalamunan ko dahil nangangati.
Mabilis akong napatayo dahil ano’ng oras na. Halos magkakahalating oras na sa dapat na oras na gising ko. Nagmadali na kaagad ako. Kailangan ko pa silang paghandaan ng pagkain.
“You alright?” tumango ako sa tanong ni Drei. Patapos na akong magpuyod noong nakita ko na nakataas na `yong kilay niya sa `kin.
Nagtaka na ako. “Bakit?”
“You seemingly not okay.”
Kinabahan na ako dahil siguradong-sigurado siya. Mukhang kanina pa niya yata napapansin na mabagal ako ngayong kumilos. Para kasing umiikot `yong mundo ko lalo na noong naglalakad ako.
Pilit ko siyang nginitian, pero mukhang hindi siya garantisado sa sagot ko. Napatikhim na lang ako. “Okay naman talaga ako…”
Ang tagal ding tumitig sa akin ni Drei bago siya napabuga ng hangin. “Know what? You must thank me because I don’t have… for now the ability to hold you, but if we’re some in an alternate universe, I’m gonna push you back to your bed and force you to f*****g sleep.”
“Bawal `yon.”
“But in emergency cases like this, yes.” Napabuga na naman siya ng hangin. “In the end, I’m just here, silently watching you again.”
Nilapitan ko na siya. “Salamat.” Nanlaki bigla `yong mga mata niya. “Kasi kahit na alam mong ang kulit ko, nandiyan ka pa rin.”
Sandali siyang natigilan bago nagpakita `yong ngiti sa labi niya. “Because that’s what friends are for.”
Kaibigan. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng totoong kaibigan. Kahit ano pa siya, wala sa `kin `yon. Ang mahalaga, sa kabila ng lahat, nananatili siya. Sana nga talaga, hindi siya magsawa. Ngayon pa lang, kakaibang takot na iyong nararamdaman ko kapag naiisip ko iyon.
Lumabas na ako ng basement. Papunta na ako sa kusina para maghanda, pero bigla akong natumba. Akala ko, dahil sa pagkahilo ko. Pagkaangat ko ng tingin, `yong matalim na tingin ni Zelle `yong sumalubong sa `kin.
“You didn’t even defend me!”
Sinikap kong umayos ng tayo pero tinulak pa niya ako. Muntik nang tumama `yong ulo ko sa pader.
“You worthless creature! How could you! Pinagtiisan mo `kong mapahiya sa maraming tao! You really like na magmukha kang kawawa!”
Paulit-ulit akong umiling. “Hindi gano’n `yon---”
“Tumahimik ka!” lalo akong natakot dahil para na siyang bubuga ng apoy sa pagsigaw niya. “I knew it. Nagpapakampi ka ro’n sa pangit mong boss para lalo kang magmukha kang kawawa!”
Nag-init `yong mga mata ko sa sinabi niya. Kailanman, hindi ako nagbibigay ng reaksyon kapag may mga sinasabi siya sa `kin na hindi magaganda… pero sa pagkakataon na `to? Hindi ko gusto `yong naririnig ko galing sa bibig niya. Napakabuti sa `kin ni Ma’am Lot… ni minsan, hindi niya binaba `yong pagkatao ko. `Di niya ako nilait.
“Now what? Iiyak ka diyan? Really? That’s the only thing you can do, huh?”
“Ano na nama’ng drama mo diyan, Zara?”
Napayuko ako sa pagsulpot niya. Mabilis naman siyang nilapitan ni Zelle.
“`Ma! Zara’s freaking annoying! Alam n’yo `yon? Nagreklamo `yong friend ko dahil may buhok `yong food niya. Sa kanila kasi kami kumain. My God! Kami pa `yong sinisi no’ng manager niya! Siya naman pala `yong nagprepare! Kami pa `yong napabaligtad?!”
“Tingnan mo `tong tangang `to. Hinayaan mo pa `yong kapatid mong mapahiya!”
Lalo akong nanginig sa matapang na boses niya. Alam ko na kapag ganito siya. Makakatikim na naman ba ako?
“Nasa’n na ba `yang utak mo nang alugin natin---”
Kita ko `yong mga tuhod niyang papalapit na sa `kin. Halos sumakit na `yong leeg ko sa pagyuko ko nang husto dahil sa takot na alam kong dadapo na `yong mabigat niyang kamay sa ulo ko.
“Imelda, itigil mo nga `yan!”
Lahat yata kami, napasinghap dahil sa pagsigaw ni papa. Kung malakas na `yong pagkasinghap ko, mas malakas `yong sa kanila. Lahat kami, nanigas sa matalim niyang sigaw.
“Ano’ng ginagawa mo, Zakarias?” halos hindi makapaniwalang tanong niya sa inakto ni papa. Napatabi pa siya no’ng nilagpasan siya ni papa. Akala ko, kung ano `yong gagawin ni papa sa `kin kaya napapikit ako nang mariin. Nagulat na lang ako no’ng inalalayan niya ako para tumayo. `Yong dibdib ko, sumakit nang husto.
“Ayos ka lang ba, Zara?” lalo pa itong sumakit nang haplusin niya nang malambing ang ulo ko. Ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan gamit ng malalamig niyang mga mata kapag pinaparusahan ako ng asawa niya.
Hindi ko alam `yong isasagot ko. Tulala lang akong nakatitig kay papa. Humaharang `yong buhok ko, pati na rin `yong luha sa mga mata ko na nagbabadyang kumawala dahil hindi ko maintindihan itong pagpapakita niya ng pag-alala sa `kin.
“Zakarias!” nilingon siya ni papa. Sinugod pa niya ito. “Ano’ng kagaguhan `tong ginagawa mo?!”
“Tumigil ka, Imelda. Ano ba’ng problema mo, agang-aga?”
“`Yang tanga mong anak.” Nilayo na kaagad ako ni papa noong sinusubukan niya na idutdot `yong hintuturo niya sa noo ko nang malakas. “Hinayaan niyang mapahiya si Zelle sa harap ng maraming tao.” Tahimik lang ako habang ikinukuwento niya kay papa `yong tungkol sa nangyari.
“Baka nga naman, gano’n nga `yong nangyari. Sa buhok naman talaga ng katrabaho ni Zelle `yon.”
Sandaling siyang natulala. “Naririnig mo ba `yang mga sinasabi mo, Zakarias?” no’ng napasigaw si Zelle dala ng kabiguan, agad niya itong nilingon. Hinaplos niya `yong likod ni Zelle dahil mukha na itong mapapaiyak. Sinamaan niya si papa ng tingin. “Asawa ba talaga kita?”
Mabilis na sinundan siyang sinundan ni papa no’ng naglakad silang palayo ni Zelle. Naiwan lang ako roon, tulala, dahil hindi ko na halos masundan `yong nangyari kanina.
“Your family is really f*****g weird.” Hindi ko na nagawang sulyapan si Drei. Hindi ko rin alam `yong sasabihin ko. Nakayuko lang ako, pinupunasan `yong luha na tuluyan nang bumagsak sa magkabilang pisngi ko.
Ramdam ko `yung mga mata ni Drei na nakatitig sa `kin. Tinignan ko na siya nang tuluyan no’ng matapos ako. “Sa kanila pa rin naman ako babalik dahil pamilya ko sila.”
Tumingin siya sa ibang direksyon. “Blood is thicker than water, as the saying goes, but this is not applicable to all. Mostly, to your situations.”
Hindi nila ako kinausap hanggang sa pag-alis ko ng bahay. Alam kong galit sila sa `kin at kay papa kaya ayaw nila akong kausapin. Naiintindihan ko naman. Siguro nga, baka mali ko. Pero sana, h’wag na nilang idamay si papa.
Paglabas ko naman ng bahay, ang bilis kong niyakap `yong sarili ko. Ang lamig pala.
“You feel cold?” nakakunot na `yong noo niya sa pagtango ko. “That’s weird. The sun’s fair, although, it’s kinda windy, I could say, but is it really that cold?”
Tumango uli ako. “Pasok lang ako saglit sa bahay. Kunin ko lang `yong jacket ko.”
Pumasok lang ako nang mabilis sa loob at pumunta sa basement para kunin `yong jacket ko. Pagkatapos, lumabas na ako.
“You sure you’re okay?” nahihilo na ako sa katatango. Ang kulit.
Inirapan na niya ako. Bumulong siya, pero hindi ko narinig kaya pinaulit ko sa kaniya. Inirapan niya ulit ako. “Nothing!”
Pero sinungaling ako. Umiikot na talaga `yong nasa paligid ko. Ang init pa ng pakiramdam ko. Kaya ko pa. Kailangan. Hindi naman siguro niya mahahalata. Nasa galing lang iyon ng pagpapanggap.
Habang naglalakad, hinanap ko `yong boses ng kung sino man `yong tumatawag sa `kin. Nabosesan ko na agad si Darwin dahil pamilyar naman sa `kin. Hindi ko na yata siya narinig dahil kanina pa ako nakahawak sa ulo ko.
“`Buti, rinig mo na `ko. Akala ko, ayaw mo lang `ko pansinin.”
“Kanina mo pa pala ako tinatawag?”
Tumango siya. “Oo. Nga pala, okay ka na? `Yong tungkol sa insidente no’ng nakaraan?”
Um-oo na lang ako kahit na alam kong may nangyari sa bahay kanina.
Sinilip niya pa ako, pagkatapos ngumiti na siya. “H’wag mo nang masyadong isipin pa `yon. Wala ka namang kasalanan.”
“Pero may mali pa rin ako.” Napakunot-noo na siya sa `kin. “Dapat, sinigurado ko pa rin kung malinis `yong kinakain nila.”
“Gano’n?” mas lumalim pa `yong kunot sa noo niya. “Alam mo, ngayon lang ako nakakita ng kagaya mo na masyadong… mabait?” nilingon ko siya nang nagtataka. “Kasi, ikaw na `yong napahiya, ikaw na `yong ginawan nang mali, ikaw pa rin `yong umiintindi. Sinisi mo pa `yong sarili mo? Totoo ka ba?”
“Tama naman `yong sinabi ko?”
“Ewan ko.” nagkibit-balikat siya. “Tara na. Malapit na tayo sa Shine.”
Nagkuwentuhan kami ni Darwin tungkol sa kung paano siya nagsimula sa Shine. Katulad ko, nag-apply lang din siya. Sa kabilang baryo pa pala siya pero nag-board siya no’ng nalaman niya na may hiring sa Shine. Nagtrabaho rin siya sa karinderia sa baryo nila ng ilang taon. Ang laki ng ngiti sa labi niya habang nagkukuwento. Kahit na payak lang iyong pamumuhay nila, hindi iyon hadlang sa kaniya para maging positibo pa rin sa buhay niya.
“Okay ka lang, Zara?” pilit akong ngumiti dahil kanina pa ako nanginginig. Ang bigat na ng pakiramdam ko, na parang kaunting pitik pa, babagsak na ako. Pero kailangan kong kumayod. Gusto ko ulit makita iyong ngiti sa labi ni papa kapag nakikita kong proud siya sa `kin dahil kumikita na rin ako ng pera, sa wakas.
“Mag-body temp muna tayo.”
Natigil ako sa paglagay ng gamit sa locker ko dahil kabado ako at napatulala kay Ma’am Lot. Napapikit na lang ako. Oo nga pala, may temp checking nga pala kami.
Iniisa-isa kaming lahat. Lahat sila, normal iyong temperatura ng katawan nila. Parang gusto ko na lang magtago dahil sinisigurado ni Ma’am Lot na maayos iyong kalusugan namin.
“Zara!”
Kahit na nangangatog na iyong tuhod ko, lumapit pa rin ako. Ang laki ng kaba ko lalo na noong itinapat na iyong b***l na tinatawag nila sa pala-pulsuhan ko.
Pinanood namin pareho `yong pagtakbo ng numero. Halos mawala na lang ako sa kinatatayuan ko noong nanlaki na `yong mga mata ni Ma’am Lot.
“Pucha, Zara, may lagnat ka!”
Napalingon lahat sa akin iyong mga kasama ko. Ako? Wala na lang ako halos magawa kundi mapayuko.
“Kanina mo pa ba `yan nararamdaman?” tumango ako. “Dyusko kang bata ka, pinasasakit mo iyong ulo ko! Alam mo naman na bawal dito kapag may lagnat!”
“Pasensya na po.” Naluluha na ako. Hindi ko na malaman kung dahil sa init ng pakiramdam ko o dahil sa pagbadya kong umiyak. Hindi ko na tuloy alam kung saan ako mag-po-focus. Kung sa sakit ba na nararamdaman ko o sa galit ni Ma’am Lot.
“Ipapahatid kita sa service papuntang clinic. Magpagaling ka muna ro’n.”
“H’wag na po!” nagtaka na siya sa panlalaki ng mga mata ko. “Ipapahinga ko na lang po muna `to---”
“Iniisip mo ba `yung pambayad?” um-oo ako. “Sagot na `yon ng Shine. Dito ka naabutan, eh. Pero, Zara… huli mo na `to. Ayoko nang ganito.”
Tumango ako dahil ramdam ko `yong pagbabala niya sa `kin. “Opo.”
Si Darwin na `yong nagdala ng gamit ko. Hiyang-hiya ako sa mga kasama ko. Ngayon ko lang naisip na paano kung nahawaan ko sila? Lalo na si Darwin dahil ang tagal din naming magkasama?
“Pasensya ka na talaga.”
“`Sus, wala `yun. Malakas naman `yong resistensya ko.” ngumiti siya. “Alam mo, tingin ko, mukhang pagod ka lagi.” Hindi ako sumagot. “Baka, nasobrahan ka naman sa kakatrabaho?”
Umiling ako. “`Di naman.”
Nagkibit na naman siya ng balikat. “Siya, sumakay ka na. Pagaling ka. Marami pa tayong gagawin.”
“Paano ka?” bigla akong nag-alala. Wala nga pala siyang kasama dahil mawawala ako sa Shine nang ilang araw.
“Si Kuya Raul.” Lagi na lang siyang nakangiti kahit namomorblema na ako. “H’wag ka nang mag-alala. Mga batak kami.”
Tumango ako. “Salamat.”
“Pagaling ka. H’wag ka nang mamorblema. Dadalaw kami sa clinic na papadalhan sa `yo mamaya.”
Nakapikit ako habang bumibiyahe kami sa clinic sa bayan. Nakakainis. Bakit naman ako nagkasakit? Ang hina naman ng katawan ko, kahit kailan.
“I don’t know what to say, but I’d just like to tell you that I never got tired of telling you to rest.”
Nag-iwas na ako ng tingin no’ng narinig ko na `yong sermon sa boses ni Drei. Hindi naman talaga siya nagkulang. Pasaway lang talaga ako.
“Now, you must listen to me because I let you decided for yourself. Your health here’s at stake. H’wag ka nang magpasaway.”
Hindi ko na napigilang mapangiti. Para naman akong bata na pinapagalitan niya.
“You hear me?” tumango na ako kasi kanina niya pa ako kinulit. Nakarating na kami sa clinic, iyon pa rin `yong tinatanong niya.
“How stubborn.” Hinayaan ko na lang siyang magbuga ng hangin.
Iyong nurse namin sa Shine ang kumausap sa doctor sa bayan. Hindi ko na sila masyadong napakinggan dahil nahihilo na rin ako. Pagkatapos ng limang minuto, in-admit na ako at pinagpahinga sa isang kuwarto. Pumikit na ako pagkahiga ko. Bukod sa mabigat na `yong pakiramdam ko, umiikot na rin `yong paligid ko sa paningin ko.
Doon ko lang naramdaman noong nakapahinga ako, na tao rin pala ako at kailangan ko nang mahabang pahinga.
Kaso, nagising din ako ng isang oras. Naalimpungatan ako sa galit na boses ni papa kaya napamulat ako ng mga mata kahit na ang bigat pa rin ng pakiramdam ko.
“Ayan! Nagising na `yang magaling mong anak, Zakarias.” Nilingon niya ako. Pansin ko agad `yong pag-ismid niya sa akin.
Mabilis akong nilapitan ni papa. Natakot agad ako sa mga mata niyang matalim. “Bakit ka naman nagkasakit, Zara! Pabaya ka naman sa sarili mo!”
“Seriously, what the f**k?”
Pinilit kong bumangon, kaso no’ng nakita ko na napahilamos siya sa mukha niya dahil sa inis, napayuko na lang ako. Hindi ko kayang tingnan nang ganito si papa. Kung kailan naman na maayos na kami. Bakit pa kasi ako nagkasakit?
“Tignan mo `yung nangyari? Kailangan pa nating gumastos diyan sa letse mong gamot!”
Parang gusto ko na lang lumubog. Nang dahil sa `kin, kailangan pa nilang gumastos nang mahal para lang sa gamot ko. Sana, iningatan ko na lang `yong sarili ko.
“Ayan kasi. Kakampi-kampihan mo `yang anak mo, `tapos ngayon, ga-ganiyan-ganiyan ka? `Yong utak mo rin kasi, Zakarias---”
“Tumigil ka, Imelda!” napapikit ako sa paglakas ng boses ni papa sa galit. “Kaya lang naman ako natuwa diyan kay Zara dahil sa wakas, hindi na `yan magiging pabigat sa `kin. Kumikita na. Makakatulong na siya sa akin dahil sawang-sawa na ako sa pagiging palamunin niyan. Hindi ko naman akalain na magkakasakit `yan!”
Saglit akong napatulala. May kung ano sa akin iyong gumuho matapos kong marinig si papa. Akala ko, mahal niya ako kaya siya ngayon nag-aalala sa `kin. Akala ko, kaya siya natuwa sa akin dahil sa wakas, nagawa ko na maging proud siya sa akin. Na maipapagmalaki na rin niya ako. Ang sakit.
“Ano na’ng gagawin natin ngayon, Zara? `Di ka puwedeng tumambay rito nang matagal. Hanggang tatlong araw ka lang dito dahil `yon lang `yong puwedeng sagutin niyang healthcard mo. Wala ka talagang silbi!”
Kinagat ko iyong labi ko para hindi ako mapaluha. Sana, iningatan ko pa nang mas maigi iyong katawan ko. Kasalanan ko naman kung bakit ako nagkaganito.
Tumigil lang si papa sa pagsigaw no’ng pumasok na `yong nurse na mag-che-check ng temperatura ko.
“Aalis na kami. Nandiyan na `yong mga damit mo. Dito ka na muna. Ayaw naming mahawa sa `yo. Pabigat ka talaga sa buhay ko, kahit kailan.”
Pinagmasdan ko lang siya at si papa na umalis hanggang sa pagsarado ng pinto ng kuwarto ko. Ramdam ko `yong galit at paninisi sa boses ni papa lalo na no’ng sinabihan niya ako na pabigat ako sa buhay niya. Kasalanan ko naman `to. Tama nga lang din na dito muna ako. Ayokong mahawa sila.
“Let me guess.” Nag-angat ako ng tingin kay Drei. “You’re making yourself guilty again.”
Nagpunas ako ng luha sa pisngi ko `tsaka tumango. “Tama naman sila---”
“It’s not your fault.”
“Drei, hindi mo kasi naiintindihan---”
“Can you please cite some? `Coz I really don’t know where the hell your fault is. After work, you also wash the dishes. Na kung tutuusin, they can do the job on their f*****g own. Before going to work, you do the laundries. Know what’s the reason behind you being sick? It’s because you overworked yourself, Zara!” humugot siya ng malalim na hininga. “It’s okay to love them at your capacity, but you must also save something for yourself.”
“Ngayon ko lang kasi naramdaman `yong pagmamahal ni papa.” Hinayaan kong tumulo `yong luha sa mga mata ko. Napahikbi ako. “`Yon kasi `yong `di mo maintindihan. Lagi akong nag-aasam ng pagmamahal galing sa kaniya buong buhay ko kaya ngayon na nakuha ko `yon, kahit papa’no, gusto ko namang ayusin iyong buhay ko.” pinahid ko iyong luha sa magkabilang pisngi ko pagkayuko ko. “`Tsaka, may pagpipilian ba ako? Wala namang ibang gagawa no’n kundi ako dahil pagod silang lahat sa trabaho. Kaya nagkusa na ako dahil ayokong pati iyon, problemahin pa nila.”
“Know what’s the problem with you?” nag-angat ulit ako ng tingin. “You’re being this considerate. Too much that you also forget to consider what you truly feel. You always think that you’re wrong and they’re right because you’re afraid that one day, you might lose them.”
Umupo siya sa harapan ko. Naro’n `yong emosyon na ayokong makita sa kahit na sinong tao na kilala ko; awa.
“It’s okay to feel that. That warm feeling is kinda overwhelming.” Tinuro niya iyong dibdib ko. “I can’t tell you to stop loving them because they’re your family… but sometimes, if it does affect you as a person; if your rationality and perception to what you truly feel is disregarded, there’s nothing wrong to defend it. There will come a time you’re gonna ask yourself if you are happy anymore or not… if there’s something left for yourself. Because if you gave it all and you forgot to leave for yourself, I don’t know what’s gonna happen for you.”
Huminga ulit siya nang malalim. “If only I could caress your back, at least.” Lumitaw iyong maliit na ngiti sa labi niya. “I hope that someday, you’ll learn. But for now, rest, please. Forget everything. Think about yourself this time. There’s nothing wrong with being selfish for yourself, at least, Zara.”