Chapter 10

3470 Words
Chapter 10 Overuse “Ma’am Lot?” Hinarap ako ni Ma’am Lot pagkatapos niyang isinilid `yong isang maliit na kaha sa tinatawag niyang vault box. Closing hours na kami sa Shine. Medyo nararamdaman ko `yong pagod, pero may lakas pa ako. `Di ito kagaya ng pagod na naramdaman ko noon dahil sa paulit-ulit na nangyayari sa buhay ko. Itong pagod na `to? `Yong pagod na alam kong may nagawa rin ako sa wakas sa sarili ko. Parang tumapak ako ng isang baitang sa sinasabi ni Drei na comfort zone ko. Ang dami ko kasing natutunan. Hindi nagsasawa si Ma’am Lot na turuan ako lalo na kapag alam niyang nagdadalawang-isip ako kung susundin ko `yon o hindi. “Bakit?” Sinulyapan ko sandali `yong pinto ng opisina ng mama ni Drei bago ko siya ulit binalingan. “Makikita po ba natin `yong pinaka-boss natin dito?” “Talagang curious ka ro’n, ah?” Napailing na ako agad kasi mukhang nagtataka na isya sa tinatanong ko. Kanina pa ako pinapanood ni Drei na nakaupo ro’n sa isang bakanteng upuan. Nilapit na niya `yong sarili niya no’ng narinig niya na nagtanong ako tungkol sa mama niya. Tinawanan lang ako ni Ma’am Lot. “Minsan sa dalawang linggo lang `yan pumunta rito. `Yong anak niya `yong madalas na bumibisita rito.” “Me?” sandali akong napasulyap kay Drei na halatang nagulat sa sinabi ni Ma’am. “Sino po?” “Si Sir Drei.” Halos mapasubsob ako sa lakas ng hampas niya sa likod ko. “Single rin `yon, Zara, dati. Kaso sayang, ikakasal na `yun.” Bago ako mapatuwid ng tayo, napaawang na `yong labi ko sa gulat. Ikakasal na siya? Tumikhim muna ako. “Ano po’ng nangyari sa kaniya?” “Naku, h’wag na nating pag-usapan. `Yon kasi `yong dahilan kung bakit imbes na si Sir Drei `yong pumunta rito, si Ma’am Anabelle `yong pumupunta.” Dapat, matuwa ako dahil may bago na naman kaming nalaman kay Drei, pero bakit---ano ba `tong iniisip ko? “So, everything’s f*****g connected in here, huh?” sinulyapan ko si Drei na diretso naman `yong tingin sa daan. Ang lalim na ng gabi. Buti na lang, may nasakyan pa ako sa ganitong disoras ng gabi. May tricycle pa ro’n sa terminal papasok dito kaya nakahinga ako nang maluwag. Gusto pa nga akong ihatid ni Darwin, kaso umayaw na ako. Kinakantiyawan na kaagad kami sa loob. Ako na `yong nahihiya sa kaniya. Baka, kung ano pa `yong isipin niya. Tumango ako. Masuwerte na napunta ako sa Shine. Kung `di siguro ako natanggap do’n, `di namin malalaman na isa pala `yon sa pagmamay-ari ng pamilya ni Drei. “Madalas ka pala rito.” Nilingon ko si Drei. Bumalik na naman siya sa dati niyang hitsura. “I can’t remember even a f*****g thing.” Nagbuga siya ng hangin. “I can’t even remember who’s the girl I’m gonna marry with.” “Malamang, malungkot siya ngayon.” Binalingan na niya ako. “Kaya kailangan mo nang bilisan `yong kung ano’ng misyon na kailangan mong gawin. Hinihintay ka nila.” “Right.” Tumango siya pagkatapos niyang huminga nang malalim. “I should’ve to.” Pagkatapos kong susian `yong gate at pumasok sa loob ng bahay, bumagsak agad `yong balikat ko. Parang ngayon ko mas naramdaman `yong pagod. “They didn’t even wash the dishes? What the f**k?” “Baka, pagod na sila.” Dumiretso na ako sa kusina. Mabuti na lang, kumain na ako. At mabuti ngang nangyari `yon dahil kung hindi, para na akong pinarusahan dahil wala nang pagkain ngayon. Naghugas na ako ng plato, pero ramdam ko `yong panginginig ng mga palad ko. “Zara.” Sinulyapan ko si Drei sa gilid ko. “Please, rest.” Umiling ako. “Ayaw niya na hindi hugas `yong mga plato. Magagalit siya kapag makalat `yong kusina.” “I know, but you’re overusing yourself again. Don’t be so hard.” “Pangako, matapos ko lang `to, pahinga na ako.” Pero sa kalagayan ng kusina na `to? Ang dami palang hugasan. Maaga ulit akong nagising. Kailangan kong maglaba dahil puno na `yong nasa lagayan. Sinimulan ko nang ibabad `yong puti para bukas, banlaw na lang. “Zara.” “Bakit?” hinayaan kong lumapit si Zelle na mukhang papasok pa lang papuntang trabaho. “What’s the name of your restaurant?” “Shine. Bakit?” “I’m gonna bring my friends… Medyo cheap naman `yong name ng pinapasukan mo. Eew. Does your boss can’t think of other names?” “Wala na yata.” “Oh well, ba’t pa ba ako nagtataka. We’re going on there, ha? H’wag mong sabihin na may koneksyon tayo. I’m gonna kill you.” Tumango na lang ako sa pagbabanta niya na may kasama pang pandidilat. Kailangan kong umayos mamaya. Pupunta si Zelle. Ayokong mapahiya siya sa mga kaibigan niya. “Let me guess.” Napahinto ako sa pagkusot no’ng nagsalita na si Drei sa harapan ko. “You’re now thinking of ways on how your sister’s gonna be proud of you later.” Tumango ako at bumalik sa pagkusot. “Mga kaibigan niya `yun… ayokong magbigay sa kanila ng pangit na---nakakapagbasa ka na ba ng iniisip ko?” Nagulat na ako kasi alam niya `yong nasa isip ko. “Of course, no.” tinawanan niya ako. “I just thought so…” Pero posible nga bang mabasa ni Drei `yong iniisip ko? “Know what? Your body will soon be giving up because you’re overusing it.” Nagkibit lang ako sa kaniya ng balikat. Hindi ko na kasi pinagpahinga `yong sarili ko. Pagkatapos kong labhan at banlawan `yong de kulay, kumain na ako. Sumunod, naligo na ako. Kaunting oras na lang kasi, mag-a-ala una na. Bibiyahe pa ako. Kailangan, bago mag-alas dos, nando’n na ako. “Sanay na ako sa hirap. Kaya na `yan ng katawan ko.” Napailing na lang siya. “Bawal akong magkasakit. Inaasahan nila ako kaya, bawal akong magkasakit.” Matipid ko na lang siyang nginitian kahit na alam kong `di siya sang-ayon sa sinabi ko. Para sa kagaya kong lumaki sa hirap at pag-iisa, balewala ang pahinga. Kailangang kumayod… dahil ayaw naming masabihan ng walang silbi. Nakahinga ako nang maluwag no’ng nakarating ako sa Shine na `di ako late. Nagulat pa ako dahil sabay kami ni Darwin na pumasok. “Uy! Sabay kayo, ah?” “Gago!” ang lutong pa ng pagkakamura ni Darwin kay Nelson dahil napikon siya rito. Hindi ba puwedeng nagkataon lang? “Zara!” “Po?” mabilis akong lumapit kay Ma’am Lot pagkapalit ko ng damit. “Marami tayong customers ngayon.” Halata nga. Napansin ko `yon pagpasok ko. “Nag-endorse-an na ba kayo ni Raul?” “Opo.” Mas matanda pala sa `kin si Raul ng sampung taon. Hindi naman halata sa kaniya. Kaya, ‘kuya’ na `yong tawag ko sa kaniya, na ayaw raw niya kasi mas lalo raw siyang nagmumukhang matanda. Tumango si Ma’am Lot. “Sige. Magsimula na kayong magsalang ng baboy. Paubos na `yong sinigang natin. Tingnan n’yo nang maigi kung ano `yong nasa menu, ha?” Agad akong tumango at dumiretso sa loob ng kusina. No’ng pumasok na ako sa loob, naabutan ko na `yong iba na abala na sa kani-kanilang ginagawa at hindi na halos maabala pa. Nag-suot na ako ng apron at lumapit kay Darwin. Nakita kong isasalang na niya `yong baboy. “Para sa sinigang iyan?” “Oo. Pahiwa na lang ako ng mga rekados.” Mabuti na lang, natunugan ko siya sa boses. Naka-mask kasi kaming lahat dito sa kusina at nakahairnet din. Mukha lang hindi istrikto si Ma’am Lot pero kapag pinag-usapan na `yong kalinisan ng pagkain, mahigpit siya sa amin. Kung kailangan namin maghugas kada hawak ng pagkain, gagawin namin. Para kasi sa kaniya, dapat itrato na banal ang pagkain. Sustansiya kasi `yong pinapakain namin sa tao… kaya kailangan, siguraduhin namin na wala kaming maaapektuhan na kahit sino. Ang dami naming niluto. Ni halos `di na kami nag-uusap. `Di ko rin alam kung tinatamad na si Drei sa isang gilid na panoorin kami. Pero nakamasid lang siya, tinitignan nang maigi kung ano `yong ginagawa namin. Naalala ko nga pala, madalas siyang bumibisita rito noon… baka inaalala niya kung ano `yong ginagawa niya rito? “Zara, sabihin mo lang sa `kin kung nabibigatan ka sa pagbubuhat, ah? H’wag mong ipilit kung `di naman kaya.” Tumango lang ako kay Darwin para matapos na siya. Kanina pa kasi niya ako sinisita na h’wag akong magbuhat ng mabigat. Madali lang naman `yun… masyado naman sila nag-aalala sa `kin. “Kainis. Ang daming arte no’ng customer!” Mabilis na sumitsit si Ate Susan kay Nelson pagkapasok niya rito sa loob. Nagtataka na kami dahil nakasinghal na `yong mukha niya. Wala naman dito si Ma’am Lot at abala yata sa pakikipag-usap sa mga customer kaya nakahinga ako nang maluwag. “Bakit, Son?” tanong ni Darwin pagkalapit niya rito. “May mga babaeng dumating. Naka-corpo. Galing yatang bangko.” Nanlamig kaagad `yong mukha ko pagkabanggit pa lang ng bangko. H’wag mong sabihin na sila Zelle `to? “Oh, tapos?” “Um-order, p’re. Alam mo kung ano’ng sinabi? Bakit wala raw tayong pakape? Pota, naghanap pa ng frappe at milk tea?!” ang sarkasmo na no’ng tawa ni Nelson. “Pota, ano ba’ng akala nila sa restaurant natin?” “Binigyan mo ba ng menu natin?” “Oo naman, p’re. `Tamis nga ng pagkakasabi ko. Pota, na lang. `Buti na lang, mga babae `to. In-offer ko `yong shake natin, ano? Pota, naghanap pa rin ng milktea, amputa!” “`Oy, tama na `yan,” sita sa amin ni Ate Susan pagkalapit niya sa `min. “Naghihintay na `yong customer. Mapapagalitan na tayo ni Ma’am Lot niyan.” “In-order ba `yong shake?” Napakamot sa batok si Nelson. “Oo…” inabot niya sa `min `yong papel para sa order. “Clubhouse daw `yong gusto.” Ako na `yong nagkusa na gumawa ng clubhouse. Mabilis lang din naman. Tawag naman `yon sa sandwich na inayos, `tapos bacon at cheese `yong palaman. Si Darwin na `yong gumawa ng shake. Walang nag-ingay sa `min no’ng pumasok na si Ma’am Lot. Nagtanong siya kung may problema raw ba kami. Wala sa `min ang may balak na magsalita sa naranasan ni Nelson kanina, lalo na si Nelson. Ayaw na lang daw niyang palakihin. “Good luck, p’re,” pagkasabi ni Darwin no’n, inabot na niya kay Nelson `yong tray. “Sila `yong good luck sa `kin, pare.” Bumalik na kami ni Darwin sa ginagawa naming dalawa. Pero hindi pa yata nakakatagal, lumingon na naman kami sa pinto at iniluwa noon si Nelson na parang hindi na maipinta `yong mukha. “Oh, ano’ng problema mo ngayon?”salubong ni Darwin sa kaniya. “Pare, sino’ng naghanda ng clubhouse?” Natulala si Darwin pagkatingin sa `kin. Medyo kinabahan na ako. Iba kasi `yong tono ni Nelson. Para bang takot na takot siya. “Ako, bakit?” tanong ko. Lalo akong kinabahan dahil sa pagngiwi ni Nelson. “Ano kasi, Zara. `Yong hinanda mo---” “Sino `yong gumawa ng clubhouse?” Halos mataranta na ako lalo na no’ng lumingon na kami kay Ma’am Lot. Ang tapang ng mukha niya ngayon. Ibang-iba sa kanina at sa mga nagdaang-araw. Nagtaas ako ng kamay. Nangangatog pa. “A-ako po.” “Nagrereklamo `yong customer natin.” Napairap siya. “Sinabi ko sa inyo, ayoko nang ganitong kapalpakan!” halos manginig na ako sa takot sa sigaw niya. Halata `yong galit. “Bakit may buhok `yong clubhouse?!” Napatitig na ako kay ma’am. Buhok? Paano’ng may buhok? Naka-hairnet naman ako. Paano’ng nalaglag `yon doon? Ang dami ko nang nilagay na hairpin sa buhok ko para h’wag lang matanggal, may buhok pa rin na nalaglag? Ilang beses ko pang tinignan iyon, ah? “Sorry po, ma’am.” Gusto ko na lang mapaiyak. Kakasimula ko pa lang. Balak kong mag-iwan ng magandang impression, pero ito pa `yong nagawa ko. “`Di ko kailangan ng sorry mo ngayon, Zara. Sumama ka sa `kin.” Nakatungo akong nakasunod kay Ma’am Lot. Ramdam kong pinagtitinginan na kami ng crew. “You did nothing wrong, Zara. I double-checked your work. There’s no f*****g strand of that hair. How the hell it went on there?” Hindi ko na nasagot pa si Drei na sumusunod sa gilid ko dahil nakarating na rin kami sa table… nila Zelle. “Pasensya na po kayo, ma’am,” sambit ni ma’am. “Nandito na po `yong assistant cook ko.” “God!” rinig kong sigaw noong katrabaho ni Zelle. “Have you ever trained her? She looked like she doesn’t know how to cook in a kitchen! How the hell you even qualified her?” Sa gilid ng paningin ko, nahuli kong inismiran ako ni Zelle. Napakuyom na lang ako sa uniform ko. Napayuko ako. “Sorry po.” “Your sorry do not quantify my health, you poor!” Para akong lulubog nang mga oras na `yon. Naiintindihan ko `yong galit niya dahil may kapalpakan ako, pero wala siyang karapatan na sabihan ako nang gano’n. “Sandali, ma’am.” Napatingin ako sa amo ko. “Alam ko pong may kapabayaan `yong staff ko, kaya ko nga po siya dinala rito para humingi ng tawad sa inyo. Pero wala naman po siguro kayong karapatan na ibaba `yong pagkatao niya.” “Are you the hell talking to me?! You should be mad at your staff, then! She did a lot of trouble because of her kapalpakan!” “Pero `di rin po ibig sabihin na i-degrade `yong pagkatao niya. May mga pinag-aralan naman po tayo pare-pareho, ano po?” “The hell!” nagulat kami dahil napatayo na siya. “Where’s your f*****g manager?! Please show her to me!” Kita ko `yong pigil na pigil nang pag-irap noong amo ko. “Wala po siya rito, nasa Maynila.” “How sick this restaurant is!” Gusto ko na lang na ipatigil `yong amo ko dahil nakatingin na sa `min `yong mga tao. Isa pa, head chef siya rito. Baka mapatanggal siya nang dahil sa `kin. “Madame, ganito na lang po, ano? Puwede ko po bang makita ulit `yong plato n’yo na may lamang buhok?” Inirapan siya noong babae `tapos ibinigay niya sa `min. “Know what, bakit pa ba natin pinatatagal `to? Why can’t you just give our money back?” parang gusto akong pagtawanan ni Zelle pagkasabi niya noon. Halata sa mga titig niya na iniinsulto niya ako. Binabalewala ko na lang. Imbes na sagutin ni Ma’am Lot `yong mga sinasabi nila, tinignan niya `yong plato na pinagkainan nila. “Sandali…” nagtaka ako sa panlalaki ng mga mata ni ma’am. Kinuha niya `yong buhok sa ibabaw ng tinapay. “Bakit may kulay `yong buhok?” “W-where?” Nilapitan ko na rin dahil sa sinabi ni amo. Do’n ko lang din nakompirma na may kulay nga dahil itim naman `yong buhok ko. “Hindi ko po `yan buhok,” ang nasambit ko kay Ma’am. “Ikaw lang ba `yong naghanda ng pagkain?” tumango ako. “Wala ka bang katulong?” “Why the hell are you asking her?! I was the one who got---” “Madame, tumahimik ka po muna. Kinakausap ko po `yong staff ko.” Hinarap ulit ako ni Ma’am Lot pagkatapos niyang kausapin `yong babae. “Ano, may katulong ka nga?” “Wala po.” umiling ulit ako. “Ako na po `yong nag-abot po ng pagkain kay Nelson.” “Ma’am, malabo pong ako `yan. Hindi ganiyan kahaba `yong buhok ko.” Tumapang pa ulit `yong mukha ni Ma’am Lot sa kanila ni Zelle. Napansin kong hinihila na ni Zelle `yong damit no’ng kaibigan niya. “Let’s get out of here---” “Mga madame! Pa’no ba `yan? `Di sa staff ko `to?” “H-how did you know? You didn’t even check---” “`Di na kailangan, madame. Hindi naman ako pinanganak kahapon po para `di ko malaman na nakakaloko po `yong ginawa n’yo.” Pagkasigaw ni Ma’am Lot para tawagin `yong guwardiya, napatayo na silang dalawa. “Sige na po, lumabas na po kayo. Salamat po at inabala n’yo lahat ng tao rito at gumawa pa po kayo ng eskandalo.” “I’m gonna call your manager!” “The pleasure is mine, madame. Rest assured din po na sasabihan po namin siya kung ano po `yong ginawa n’yo rito.” Halos nakapikit na akong napaupo sa bench namin sa quarters pagkatapos ng nakakahilong araw na `to. Hindi kaagad nakapagtrabaho nang matino si Ma’am Lot dahil hindi pa rin daw matanggal `yong inis niya do’n kina Zelle. Nanahimik na lang ako na kilala ko si Zelle dahil baka lalong manggalaiti si Ma’am Lot. “Zara.” Nilapag ko muna sa isang tabi `yong apron kong itim. “Po?” “Sorry, ha, kanina.” Medyo lito ko na siyang tinignan. “Do’n sa nangyari. May nasabi tuloy akong `di maganda.” “Wala naman po kayong nasabing hindi maganda. Tama lang po `yong ginawa n’yo, Ma’am Lot.” “Hanggang ngayon talaga, hindi ko masakyan `yong trip ng mga babaeng `yon. Ayoko sanang i-stress-in si Ma’am Anabelle kaso nakakagago naman `yong ginawa nila.” “Matatanggal na po ba ako?” “Ha?! Hindi!” parang nabunutan ako ng tinik no’ng tumawa na si Ma’am Lot. “Wala sa plano ko ang mawalan ng masipag na staff, ano? Kung tutuusin, ikaw pa nga `yong inagrabyado nila. Tama bang kutyain nila `yong estado mo sa buhay at hilahin ka pababa? Dahil lang do’n? Siyempre! Wala akong balak na agrabyaduhin `yong mga tao ko.” napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa magkabilang-balikat ko. “H’wag mo lang baguhin `yong work attitude mo, tatagal ka rito.” Ang laki ng ngiti ko dahil hindi na galit sa `kin `yong amo ko. Paiyak na rin ako kanina. Ang laking bagay sa `kin na hindi niya ako pinabayaan kahit na halos madikdik na ako sa paratang ng kaibigan ni Zelle. Ang hirap makahanap ng ganitong amo. Gusto ko pang magtagal dito. Aayusin ko talaga nang maigi `yong trabaho ko. Pagkatapos naming maglinis, nag-meeting kami nila ma’am tungkol sa insidente kanina. Sinabi niya na hindi na makakatapak ulit sa Shine silang dalawa dahil sa kahihiyan na dinala nila sa `min. Minabuti na lang din niya na hindi na sabihin pa sa nakakataas na Management dahil alam niyang nasa krisis `yong pamilya ni Drei. “Pero, h’wag tayong magkakampante. Parati n’yong siguraduhin na nasusunod `yong basic policies natin sa food sanitation. Kahit na kaunti lang `yong customer natin o marami, h’wag n’yong kalimutang i-practice `yong proper sanitation and 5S. Nasa atin nakasalalay `yong health nila. Kaya maging sobrang ingat tayo.” Nagligpit na ako ng gamit ko. No’ng tinawag ako ni Darwin, nilingon ko naman siya. “Sabay-sabay na tayo nila Ate Susan lumabas.” Tumango ako sa alok ni Darwin. Kami na `yong nagsara ng restaurant dahil `yong amo namin, nauna na. Pinag-usapan namin `yong naganap kanina. Panay `yong sabi nila na h’wag ko na raw isipin `yon. Nakuwento rin nila na hindi raw kami pababayaan ni Ma’am Lot. Kaya raw marami `yong nagtatagal sa kaniya dahil sa galing niya ring humawak ng tao. “Sige, dito na ako,” paalam ko kina Darwin noong nasa terminal na ako ng tricycle. “Hoy, Darwin, diyan na lang daw si Zara. Magpaalam ka naman, aba!” sigaw ni Nelson. “Gago!” tumawa na si Nelson kay Darwin. Ang lalakas pa rin nila kahit gabing-gabi na. Pagkatapos ng saglit na biyahe, bumaba na ako sa tricycle at inabot sa driver `yong bayad ko. Napahanga agad ako sa dami ng bituin na kumikinang sa langit. “Your sister… she hates you a lot obviously.” Tumango ako. Kanina ko pa nararamdaman `yong presensya ni Drei, pero nanatili lang siyang tahimik. “Hindi kami naipakilala nang maayos bilang magkapatid. Iba `yong pakilala sa kaniya sa `kin.” “You’re referring to your step-mom?” Tumango ulit ako. “Bakit mo nasabi pala na gano’n `yong galit niya sa `kin?” “Because she didn’t defend you. That whole scene a while ago can just be compared to a variety show. She’s pretty obvious she and her friend do that to frame you up.” “Mahirap mag-hinala.” “Suit yourself.” Napabuga siya ng hangin. “I don’t want to cause misunderstanding between us two just because of your family issues. I know you will never listen to me.” Napangiti na ako nang malungkot. “Salamat.” “But please.” Napahinto ako sa pagharang niya sa harapan ko. “Please listen to me… don’t overuse yourself.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD