Chapter 9

3763 Words
Chapter 9 Zone Buong oras na nakapagpasa ako ng requirements doon sa boss ko, napansin ko na si Drei na ang lalim ng iniisip niya. Halatang medyo nabagabag siya no’ng babae na nakita niya kanina. Pamilyar daw, sabi niya. Baka `yong pinakamataas na boss ko, malaki `yong kinalaman niya sa buhay ni Drei. “Salamat po, Ma’am Lot.” Sinabihan na niya ako na sa makalawa na ako magsisimula. Kailangan ko lang daw i-kondisyon `yong sarili ko, bago ako pumasok. Maganda rin `yon para maaga ako makapagpahinga at mapagawa ko pa sa mananahi `yong uniform ng shine. Katulad ng pangalan ng restaurant na `to, gano’n din `yong kulay ng t-shirt ko. Dilaw. “Ingat sa pag-uwi, Zara, ah. Madilim na.” Tumango ako. “Ma’am Lot?” “Oh?” “May napansin po pala akong kuwarto rito pagkaliko ko sa CR. Sa inyo rin po `yun?“ Napansin ko agad sa gilid ko na natulala si Drei sa tanong ko. Sabi ko na nga, kanina niya pa `yun iniisip. “Ah! Sa pinaka-boss natin `yun.” “Ano po `yung pangalan niya?” “Si Ma’am Anabelle. Anabelle dela Fuentes.” “Anabelle dela Fuentes?” ang bilis kumunot ng noo ni Drei pagkatapos niyang bumulaslas. Nag-iisip na siguro `to. Pamilyar din kaya sa kaniya `yong pangalan noon? “Hayaan mo. I-o-orient ko sa `yo `yong mga bosses natin, bago ka magsimula. Galingan mo, ha? Inaasahan kita.” Ang tahimik kong nakatingin kay Drei habang naglalakad kami papuntang bahay. Habang nakasakay kami sa tricycle, hindi siya nagsasalita. Nawala `yong pagiging hyper niya “Drei.” Wala sa sariling napabaling sa `kin. “Gusto mo, i-research natin siya sa internet? Baka, makahanap tayo ng ideya kung sino siya.” “Is she a well-known person?” umiling ako. Wala naman akong alam. Napabuga siya ng hangin. “Okay.” Kinabukasan, pagkatapos ko lang gawin `yong lahat ng gawaing-bahay, kasama na `yong paglalaba, lumabas na kami. Ginawa ko lang na dahilan `yong ipapaayos ko sa mananahi `yong uniform ko para lang makalabas kami… kung minsan, `di ko na namamalayan na nagagawa ko nang magsinungaling para kay Drei. Hindi naman ako ganito noon. “I’m sorry if I’m causing trouble to you right now.” Nilingon ko si Drei. “You should be more focusing on your deployment tomorrow---” “Hindi ka naman naging abala sa `kin.” Napatigil siya sa sinabi ko. “Isipin mo na lang, tulong ko na `to sa mga tulong din na ginagawa mo sa `kin. Sabi mo nga, friends tayo, `di ba?” Natulala pa siya nang saglit bago tumango. May maliit na ngiti na lumitaw sa labi niya. “Yes.” “Isa pa, ako lang naman `yong nakakakita sa `yo kaya wala naman akong choice, kailangan kitang tulungan.” Napatitig na ako sa kaniya no’ng tinawanan niya ako. Para akong nakaramdam ng ginhawa sa sarili ko pagkatapos ko siyang narinig na tumawa. Mabuti naman. Hindi talaga ako sanay kapag nakikita ko siya nang gano’n. Walang maingay… nasanay na nga yata ako sa ingay niya. “Thank you for your honesty.” Nagtungo muna kami sa patahian kasi maluwag sa `kin `yong size small na uniform ko. Makukuha ko rin naman daw ngayong araw. Balikan ko na lang daw pagkatapos ng limang oras. Pagkatapos, naghanap na kami ng piso-net para ma-research na namin `yong babaeng nakita niya. Mabuti na lang, no’ng pumunta kami, walang gano’ng customer. Maingay kasi `yong mga lalake rito kapag naglalaro. Nagmumurahan pa. Sinimulan ko nang hanapin sa Google `yong pangalan no’ng sinasabi ni Ma’am Lot. At wala pang isang saglit, lumabas na agad `yong impormasyon patungkol sa babaeng `yon. “f**k…” napalingon na `ko kay Drei na halos ilapit na `yong mukha niya sa monitor. “I really look like her.” Doon lang napaawang `yong labi ko. Ang laki nga ng pinagkamukha nila! Hindi kaya--- No’ng c-li-nick ko na `yong isang website tungkol sa isang balita na kinasangkutan no’ng babae, narinig ko na `yong pagtaas ng boses ni Drei. “She’s my mother!” Binasa ko `yong balita habang pinapabayaan ko munang ma-frustrate sa gilid ko si Drei. Ms. Anabelle Fuentes’ son, Andrei, 25, is in the hospital due to an involvement in a car accident. He was found on his crashed car last May 1, 2021 in an isolated area of San Antonio. He was rushed in a hospital in the said place but due to limited equipment and manpower, he was transferred in St. James’ Hospital in Bonifacio Global City. Mr. dela Fuentes is currently in a state of coma and the possibility of him waking up is still uncertain. He was now under strict observation of his doctors. According to Ms. Fuentes’, they are praying for his son to wake up and to fully recover on the car accident he’s got involved with. She is asking for prayers to everyone and for their privacy as well. Ms. Anabelle dela Fuentes is one of the business tycoons and has a huge restaurant chains in the Philippines. Napalingon ako kay Drei na halos hindi na malaman kung ano `yong magiging reaksyon sa mga nabasa namin at nakita sa mga larawan na naka-post sa balita. Hindi niya na maitago `yong lungkot sa mukha niya pagkatapos niyang mabasa `yong balita tungkol sa kaniya. Hanggang sa lumabas na kami ng computer shop, ang tahimik niya pa rin. Hindi pa rin niya yata matanggap `yong kinahantungan ng nangyari sa kaniya. “Umupo muna tayo,” pag-alok ko sa kaniya no’ng nakarating na kami ng plaza. Doon kami tumambay sa isa mga upuan doon. Malamig-lamig `yong hangin `tsaka hindi na gaanong mainit kaya ayos lang na dito kami tumambay sa labas. Hinayaan ko muna siyang maging tahimik habang siya, nag-iisip nang malalim. Nakatungo si Drei habang nakahugpong `yong mga daliri niya, nakapatong sa tuhod niya. Hinayaan ko munang balutin kami ng katahimikan. Mga labing-limang minuto rin yata `yong nakalipas bago siya napabuga ng hangin at sinikap pang ngitian ako. “Sorry, I’m so quiet.” “Hindi mo naman kailangang magpanggap. Mahirap makita `yong sarili mong nanay na na gano’n `yong hitsura habang tinitignan kang coma, `tapos nakaratay sa kama. `Di ko man masabi sa `yo nang eksakto, pero sa isang ina na kagaya niya, masakit `yon. Wala pa siyang magawa.” Napabuga na naman siya ng hangin. Sa pagkakataon na `to, mas mabigat. “I still really don’t know how I got myself into this.” “Hindi rin siya binalita.” Kumunot `yong noo ko. “Wala ka bang maalala na kahit na ano… kahit `yong kung ano `yong nangyari ilang oras bago ka naaksidente?” Umiling siya. “All of my memories had lost… like I said, I only know my name. And I’m wearing this… suit. Still don’t have an idea how this all happened.” Tumango ako. “Maganda `yong mama mo.” Natigilan siya sa komento ko.”Kamukha mo siya.” May kaunting ngiti sa labi niya. “I noticed that, too. She’s young for her age.” “Wala `yong papa mo sa balita. Nasa’n siya?” nagsisi ako kung bakit ko pa tinanong. Wala nga pala siyang ideya. “H’wag mo nang sagutin. Ang mahalaga, may ideya na tayo kung ano talaga `yong nangyari sa `yo at kung sino `yong pamilya mo. Sana, naisip na nating i-research `yong buhay mo sa simula pa lang.” “It’s fine.” ngumiti siya. “Ano’ng plano mo?” “Right now? I don’t know… all I know is that, I’m gonna still stick with my plan.” “Puwede ka namang pumunta na ng Maynila kung talagang gusto mo nang makita `yong katawan mo `tsaka `yong mama mo.” Napasimangot na siya. “You really want me to stay away on your life, huh?” “Sinasabi ko lang sa `yo na nandiyan na `yong oportunidad mo.” “But still---wait. Is it okay if we talk again to that Miriam?” Pumunta na kami sa puwesto ni Miriam pagkatapos niyang sabihin sa `kin `yong rason niya. Gusto niya kasing malaman kung makapunta man siya sa katawan niya ngayon, makakabalik na ba siya agad. Kung ako si Miriam, oo agad `yong sasabihin ko. Hindi ko nga malaman dito kay Drei kung bakit pinapatagal niya pa `to. Nando’n na. Ayun na `yong tsansa niya. Bakit gusto niya pa ring manatili rito? Kapag sinabi talaga ni Miriam na puwede naman siyang pumunta ngayon, ano mang oras, itutulak ko si Drei papuntang Maynila. O, kung gusto niya na sumama pa ako, gagastos ako ng pamasahe para sa kaniya. `Di ba niya naisip na nasa coma siya at kailangan na niyang magising? “Hindi gano’n kadali `yon, ano?” napatingin ako kay Miriam nang masama habang tinatawanan niya kami. Iniinsulto ba niya ako? “Sorry naman!” ang lakas pa ng pagkakatawa niya. “May kailangan pa ba siyang gawin?” Tumango si Miriam pagkatapos niyang huminto sa kakatawa. “Sandali lang, tingnan ko `yong kristal.” Napailing ako. Sana, no’ng nagtanong kami, sinabi na niya sa `min `yon. “Hindi mo pa sinabi sa `min na may gagawin pa pala kami.” Napangisi siya. “`Di rin naman kasi kayo nagtatanong.” `Buti na lang, napigilan ko `yong sarili ko. Panay `yong sabi ko sarili ko na kailangan pa pala namin siya… kaya kahit na gusto ko nang ihampas sa ulo niya `yong kristal niya, nagsikap pa rin akong pakalmahin `yong sarili ko. “Ayan!” sabay kaming napatingin ni Drei sa kaniya. “Gaya nga ng sabi ko sa inyo, `di magiging madali `yong pagbalik ni Drei sa katawan niya. May dalawang misyon muna siyang kailangang gawin bago siya makabalik do’n.” “Wala ka namang sinabing ganiyan.” “Grabe! `Di nga kasi kayo nagtatanong!” “Kapag tumawa ka pa ulit nang malakas diyan, baka `di ko na mapigilan `yong sarili ko, ihahampas ko na `yang kristal mo sa ulo mo.” “Grabe talaga!” no’ng sinamaan ko siya ng tingin, kinain na niya `yong tawa niya. “`Buti, Drei, natitiis mo `to, ano?” “She’s nice.” Napangiti si Drei. “You just have to know where.” Saglit tumawa si Miriam bago kami tinignan nang seryoso. “Siya. Sabi ko nga, dalawang bagay lang. Una, kailangan n’yong malaman kung pa’no naaksidente si Drei. Meron kasi sa aksidente na `yon `yong magiging koneksyon sa pagkawala ng alaala mo, Drei. At `yong pangalawa, kailangan, makagawa ng kabutihan si Drei. `Yong tipong kailangan, may mapabago siya sa buhay ng taong `yun.” “Who?” Nagkibit lang si Miriam ng balikat. “Wala akong ideya.” Nakakairita talaga `yong pagiging misteryoso niya kahit na puwede namang sabihin sa `min kung sino. Pakiramdam ko tuloy, pinaglalaruan niya lang kami ni Drei. “Pero ipaalala ko lang ulit, ha? Bilisan n’yo. `Yong nakasuporta kasi kay Drei, `di ko alam kung hanggang kailan pa `yon ikakabit sa kaniya. Mukha naman sa kristal, malakas pa `yong loob ng mama mo.” “My life support system?” tumango si Miriam sa tanong ni Drei. Natahimik na naman si Drei, nag-iisip ulit nang seryoso. Mas lalo lang siyang naging problemado sa pinasok niya. Nakakapanlumo. Wala kasi akong magawa para tulungan siya. Umalis na kami ni Drei dahil wala na kaming mahita kay Miriam. Kailangan ko na ring makuha `yong uniform ko sa Paseo. “Zara!” No’ng nilingon ko si Miriam, sumenyas siya kay Drei na umalis muna. “Ano?” “H’wag mong kalimutan `yong bilin ko sa `yo, ah?” “`Di ko naman kinakalimutan.” Alam ko naman `yong tinutukoy niya. `Di na niya kailangan pang ipaalala sa `kin. Para bang nakahinga siya nang maluwag. “H’wag kang mag-alala. Matatapos din `yang pinagdaraanan ni Drei.” “Bakit ba kasi na ako pa, sa lahat ng tao, `yong nakakakita sa kaniya?” “Nakikita ko rin naman siya, ah? Actually nga, ang daming may third eye na nakakakita sa kaniya. Hindi na lang sila umiimik dahil nga, nakakatakot.” Napaawang `yong labi ko. “`Di mo lang alam, pero `yong ibang nakakausap mo, alam nilang may kasama ka. Pero, siyempre, `di pa naman natin talagang masabi na patay si Drei, ano.” “Kung gano’n, bakit ako? Bakit hindi na lang kayo?” “Ayaw mo ba sa kaniya?” “Hindi naman.” Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Iba `yong kahulugan no’ng tanong niya… at base sa kung pa’no niya ako tingnan ngayon, alam kong `yon `yung ibig niyang sabihin. “Dahil ikaw `yong naglakas-loob na kausapin siya?” natahimik ako. “Isa pa… feeling ko, soulmates kayo.” “Soulmates?” hindi ko na napigilang `di matawa. “Oo… hirap i-explain, basta gano’n.“ sumilip siya sa pinto niya. “Labas ka na. Kanina pa naghihintay sa `yo si Drei.” Hindi ko pa rin maisip `yong sinabi niya. Paano niya nasabi na soulmates kami? Ano na naman ba `yong nakita niya ro’n sa kristal niya? Alam ko naman `yung ibig sabihin ng soulmates, pero si Drei? Gano’n kami? Ang layo ng agwat namin sa buhay. Malabong siya `yong soulmate ko at ako `yong soulmate niya. Imposibleng mangyari `yon. Imposible naman talaga. Hanggang sa makauwi kaming dalawa, hindi nagsasalita si Drei. Hinayaan ko na lang muna siya nang ganoon. Kailangan niya rin `yon para sa sarili niya. Ang magagawa ko lang siguro sa ngayon, iparamdam sa kaniya na kung kailangan niya ako, nandito lang ako, nakaagapay sa kaniya… ano mang oras. “Sleep tight now. You can never be late at your first day,” mahinang sabi ni Drei habang nakabantay sa `kin. Hindi siya nakangiti ngayon kaya nakikita ko `yong seryosong siya… hindi ako sanay. Masyado talaga siyang ginagambala no’ng mga nalaman niya. “Drei?” nilingon niya ako. “Kung gusto mong pumunta na ng Maynila, puwede naman. Mag-ipon lang muna ako ng pamasahe---” Tinaas na niya `yong palad niya. “Woah. Woah. Woah.” Nagkunot na siya ng noo. “Why are you telling me this?” Napabangon ako. “Dahil ginagambala ka ng nalaman natin tungkol sa buhay mo?” “And you’re concerned about me?” Tinignan ko lang siya no’ng nginingisihan niya ako. Ang bilis talagang magbago ng mood ng taong `to. Napabuga na siya ng hangin. “Even if I want to, Miriam told us that it’s not gonna be easy.” “Wala namang madali.” “I know.” Napabuga na naman siya ng hangin. “She also said, I need to do those mission she mentioned to us a while ago. So, even if I’m able to see now my body, it doesn’t mean that I can go back now to it. These are all f*****g impossible.” “I was thinking a lot the whole day… how’s my mother?” Napakuyom kaagad ako sa kumot no’ng nakita ko `yung pamilyar na sakit. `Yong sakit na mararamdaman ng isang anak kapag ang dahilan, ina. “She’s struggling a lot of this because of me. I always think, did she eat any food? Did she rest for the meantime while she’s taking care of me? Did she cry all night? Who is at her side right now?” napasabunot na siya sa buhok niya dahil sa frustration. “I really dunno what the f**k I should do anymore.” “Baka naman, pupunta siya sa Shine, para tingnan `yong business niya---inyo ang Shine?” Parehas kaming nanlaki ng mga mata ni Drei sa nasabi ko. Bakit hindi ko `to naisip kaagad no’ng sinabi niya na nakita niya `yong babaeng pamilyar sa kaniya na nanay rin pala niya? “What a f*****g… connection,” naging bulaslas ni Drei. Tumango ako. “Itatanong ko bukas kay Ma’am Lot kung kailan ulit bibisita `yong mama mo… para naman masilip mo rin `yong kalagayan niya.” Tumango na rin siya. “Thank you.” Natulala ako sa bulong niya. Nginitian pa niya ako. “Thank you for helping me.” Nagkunot na ako ng noo. “Wala naman akong naitulong sa `yo.” “You thought you don’t… but your mere presence and your ideas you’re giving me? Those alone are enough.” “Walang anuman.” Kung sa tingin niya, tulong `yong ginawa ko, bahala siya. “H’wag ka nang mag-alala. Matatapos din `to.” Tinaasan ko siya ng kilay no’ng nginisihan na naman niya ako. “Ano na naman?” “Before, I thought you don’t know how to give your concern to people… now that I know you better, I saw a lot of colors in you… maybe someone just need to take a lot of courage to step on your zone.” “Nasa kanila na lang `yon kung gusto nilang tangkain na malaman kung sino ako.” Diretso ko siyang tinignan sa mga mata. “Nasanay naman ako na ako lang `yong iniisip ko kaya okay lang kahit na wala nang umalam pa.” Ngumiti siya, kaso napansin kong may lungkot. “That’s only your problem. You don’t let people to worry or help you. You’re preventing yourself not to. I hope, you’d stop it.” Dahil night shift ako naka-assign, inayos ko na `yong bahay sa umaga. Wala silang lahat dahil nasa kani-kaniya silang trabaho… puwera lang sa kaniya na nasa amigas niya. Napapansin ko na napapadalas na siyang nasa amigas niya. Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ipagpasalamat o ano. Binilinan niya ako kahapon na mag-iwan ng note, para raw malaman niya kung ano’ng ulam at kung ano na `yong ginawa ko sa bahay. I-che-check niya raw isa-isa. Naka-casual lang ako ngayon. Nakabili na rin ako ng damit no’ng nasa Paseo kaming pareho ni Drei kahapon. Mabuti, may nag-sale kaya nakamura ako. Tatlong pantalon sa ukay `tapos anim na iba’t-ibang kulay ng t-shirt. Okay na rin. Nakabili ako dahil sa bigay ni papa. Sabi niya, kailangan ko raw iyon. Malaking pera `yong binigay niya, pero `di ko naman inubos. Ibinalik ko rin `yong sukli. “Magandang umaga po,” bati ko sa lahat ng tao roon sa loob ng quarters namin. Nginitian ako ni Ma’am Lot at nilapitan ako. “Guys!” nilingon siya no’ng mga tao sa loob. “Siya si Zara, tiga-San Antonio. Mabait `yan, saka single.” “`Uy! Single rin si Darwin!” Tipid lang akong napangiti do’n sa sigaw no’ng lalakeng may kalakihan `yong katawan. Gano’n ba talaga kapag pinapakilala sa lahat? Kailangang sabihin kung ano `yong relationship status para malaman nila? Napangiwi na ako sa tawa ni Ma’am Lot. Isa-isa niya akong pinakilala sa lahat. “Oh, dumating na pala si Raul.” Parehas naming tinignan iyong Raul. Mukhang mas matanda siya sa akin ng ilang taon. “Siya `yong kapalitan mo. Siya `yong sinasabi ko sa `yo na buntis `yong asawa.” “Hi!” no’ng nakangiti niya akong binati, sinuklian ko rin siya ng ngiti. “Sana, magtagal ka rito sa `min.” Tumango ako. “Oh, Darwin, nandiyan ka na pala.” Nagtaka na ako sa pagsipol nilang lahat. Siya ba `yong tinutukoy nila? “Bakit?” tanong no’ng Darwin. “May bago, pare. Single.” Sabay tawa no’ng lalake kanina. Gusto ko nang magsimula sa trabaho… “Darwin, halika.” Nagtataka namang lumapit `yong lalake. Humarap muna sa `kin si Ma’am Lot bago sa kaniya. “Si Zara pala. Zara, siya si Darwin. Siya `yong kadalasan mong makakasama sa shift na `to.” “Magandang hapon po.” May nakakatawa ba sa bati ko? Bakit niya ako tinatawanan? Kailangan kong pigilan `yong sarili ko na `wag siyang irapan. Unang trabaho ko pa naman `to. “Sorry.” Ngumiti na siya. “Darwin Santos. `Di lang ako sanay na may magalang sa `kin. Mukha kasing mas matanda ka pa sa `kin.” Taas-noo na akong tumingin. “Twenty-three na ako.” “Ay! Magka-edaran pala tayo!” medyo natawa na siya. “Ano’ng buwan mo?” “January.” “`Yon lang, September ako.” Napalingon siya sa lalakeng nagsabi sa `kin na single ako. “Lods, `di puwede `to!” Humalakhak `yong lalake. “Gago, ilang buwan lang naman!” Medyo nakakainis na `yong pagtawa nila. Puwede bang pagtrabahuin na nila ako? Kahit na medyo naiilang na ako, hindi ko na sineryoso ko. Ayokong sirain `yong unang araw ko sa trabaho. Pinakausap nila ako kay Darwin dahil kami `yong magka-shift. Sabi niya, hindi lang daw pagluluto `yong gagawin namin dito. Maglilinis din kami ng mga kagamitan na ginamit sa pagluto. Dahil kami `yong assign sa night shift, kami `yong kadalasang magliligpit ng kung ano `yong ginawa sa umaga. Kadalasan daw, nakakauwi na rito `yong mga tao ng alas-once ng gabi dahil sa mga ginagawa at endorsements. “Pasensya ka na kanina, ah.” Nilingon ko siya bago ko nilapag sa lababo `yong mga gagamiting kawali at kaldero dahil magluluto kami ng iba’t-ibang putahe sa gabi. “Ang ingay kasi ni Nelson. Gano’n `yon kapag may bagong babae na salta dito. Sa `kin lagi pina-partner.” Tumango ako. “Okay lang. Trabaho naman `yong pinunta natin dito.” Medyo natawa siya. “Oo nga naman.” Pumunta ulit ako ro’n sa isa pang cabinet. Medyo may kalakihan at may kabigatan `yong kawali pero hindi ko naman kailangang indahin. Sanay naman akong nagbubuhat nang mabigat. “Hoy!” hindi ko na nabuhat dahil si Darwin na `yong gumawa para sa `kin. “Mabigat `to, ah?” Sinubukan kong hawakan, pero ang bilis niyang inagaw `yon sa `kin. Nakakunot na `yong noo ko. “Kaya ko naman.” “Ha?” ang lalim din ng gusot sa noo niya. “Hindi dapat babae `yong nagbubuhat nang mabigat. Masama `yan sa likod mo.” Mas lalo ko lang siyang kinunutan ng noo. “Okay lang naman ako.” Pero imbes na `yong hawakan ng kawali `yong mahawakan ko, kamay niya pala. Nanigas siya sa ginawa ko… at namula? Napatingin na ako sa kaniya. “Okay ka lang?” “Oo naman.” Napangiwi siya. “Ako na rito, sige na.” Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan siyang panoorin na binubuhat `yong kawali. Susunod na sana ako pero natigil ako sa pagtawag ni Drei sa pangalan ko. Nasa likod ko pala siya. Hinintay ko kung may sasabihin siya, pero nakatitig lang siya sa `kin. May sasabihin ba siya? Napabuga lang siya ng hangin at nagpamulsa. “Maybe this is the consequence of helping you step out of your zone, Zara… I guess?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD