Chapter 8

3534 Words
Chapter 8 Familiar Hindi ko na napigilan `yong pagngiti ko no’ng ngumiti si papa dahil sinabihan ko siya na makakapasok na ako sa trabaho. Pakiramdam ko, hindi na ako gutom kahit na masarap `yong agahan na niluto ko sa kanila ngayon.  “Do’n ba `yan sa utility agency na sinabi ko?” Umiling ako. Ni hindi na nga nila ako kinontak, eh. Wala na rin akong balak na usisain pa dahil baka nga, bagsak ako sa kanila.  “Eh, sa’n ka nakapasa?” “Sa bago pong pinatayo na restaurant dito sa Maestranza.” Nagtaka ako. Nawala agad `yong ngiti sa labi niya. “Magkano naman `yong bayad sa `yo diyan?” nag-taas pa siya ng kilay.  “Malalaman ko pa po mamaya.” Kinabahan ako dahil ang lalim na ng kunot ng noo niya. “Bakit ka do’n nag-apply?!” napahawak ako bigla sa skirt ko sa pagdagundong ng boses niya. “Ano nama’ng kikitain mo diyan?! Sana, nag-isip ka!” “Sinabi ko na sa `yo, Zakarias, wala kang mapapala sa babaeng `yan, eh. Pinilit-pilit mo pang magtrabaho. Kita mo ngayon `yong desisyon mo? Wala rin.” Nanigas ako sa pagsalya niya ng mga plato. “`Tang-ina, ano ba kasi’ng mapapala ko sa `yo?” no’ng tumayo siya bigla, napaatras ako. “Tiyakin mo lang na may mapapala ako diyan sa `yo. Nasa’n ba `yang utak mo? Ang tanga mo.” Napayuko ako sa pag-alis niya. Gano’n pala `yung… `yung gusto niyang mangyari.  “`Yang tatay mo, wala na talagang pinagkatandaan, ano?” napaangat ako ng tingin sa kaniya. Humigop muna siya ng kape sa mug niya bago ako tinignan nang sarcastic. “Alam na ngang ang babaw mong mag-isip, pinagtrabaho ka pa. Para namang may tatanggap pa sa `yo. One plus one nga yata, `di mo alam.” Humugot ako ng isang malalim na paghinga habang naghuhugas ako ng plato. Pupunta pa ba ako? Ayaw ni papa sa trabaho ko. Baka nga, mababa `yong kita roon.  “We haven’t asked the restaurant owner how much your salary would be, so don’t lose hope.” Umiling ako kay Drei. Nagpatuloy ako sa pagsabon ng plato. Nakatayo lang siya sa gilid ko, pinapanood siguro `yong bawat galaw ko. “Baka nga, tama si papa. `Di na lang ako sisipot.” “That would give you a bad record, Zara. Subukan mo muna.” “Ayoko nga.” “Look, why can’t you just try it first---” “Sinabi nang ayoko, `di ba?!” hindi ko na napigilan `yong sarili ko. Napagtaasan ko na siya ng boses. Nanginginig pa `yong labi ko. “Ayaw ni papa. Tama si papa. Ano nama’ng mapapala ko ro’n. Kasalanan mo kasi `to. Bakit mo ba ako pinipilit sa ayaw ko!” Napakurap siya saglit. Naging blangko na `yong ekspresyon ng mukha niya. Malamig. Ito `yung una na nagpakita siya sa `kin nang ganito… sanay ako na madalas siyang nakangiti.  “I’m sorry if I’m pushing you to pursue it… I’m sorry kung nangingialam ako. I’m gonna go. Just one thing… it’s up to you if you let yourself drowning and mourn for your so-called incapability. I can’t do anything about it anymore.” May sasabihin pa sana ako, kaso ang bilis niyang nawala. Naramdaman ko na lang `yong pagbagsak paisa-isa ng luha ko. Kasalanan ko naman talaga `to. Sinisi ko pa siya. Tama nga si papa. Ang tanga ko.  Hindi nagpakita si Drei buong maghapon. Panay naman `yong pagtunog ng cellphone ko kung makakapunta raw ba ako o hindi. Ayokong magreply… dahil wala naman akong maibalik sa kanila.  Bakit ba hindi ako pinanganak na matapang at kayanin na lang ng lahat ng sakit? Bakit ba kasi ang hina ko? Pakiramdam ko, sobrang walang kuwenta kong tao. Wala akong abilidad.  Hanggang dito na lang ba ako? Umiiyak na pala ako. Napahawak lang ako sa dibdib ko na parang tinutusok ng maliliit na karayom. Ako pa rin naman `to, sa bandang huli, `di ba? Nakakapagod din namang umiyak. Nakakasawa. Pa’no ako aangat kung parati ko na lang din hinihila pababa `yong sarili ko? Hindi naman ako makakapaglakad paabante kung hahayaan ko na lang `yong sarili kong huminto at bumagsak sa kung saan ako tumitigil… gusto ko rin namang umahon.  At magagawa ko lang `yun… kung matapang akong haharap. Bukas.  Nag-reply na ako sa Shine. Nag-alibi lang ako at sinabi ko na hindi maganda `yong pakiramdam ko, kaya `di ako nag-reply kanina. Habang nagtitipa ako, nag-iisip na ako ng magandang alibi para `di nila malaman na itinuloy ko `yung sa Shine. Baka nga, dito talaga `yong oportunidad na binibigay sa `kin ng Diyos… nasa akin na lang kung tatanggapin ko o hindi.  Bumagsak `yong balikat ko kinabukasan na hindi ko nabungaran si Drei. Sinukuan na nga yata niya `yong ugali ko. Mali ko rin naman. Ayaw na ba niyang magpakita? Nagsawa na ba siya? Sana, hayaan muna niya akong mag-sorry. Kung ayaw na nga niya, hindi ko naman siya pipilitin.  “Oh, sa’n `yong punta mo? Bakit ka nakapostura?” “Dadalawin ko lang po si mama,” sabi ko sa kaniya. Kung nabubuhay siguro si mama, papagalitan niya ako dahil nagsisinungaling ako---pero hindi rin siguro sa sitwasyon na `to.  “Hindi mo na mabubuhay `yong patay. `Di ka pa ba nagsasawa na dalawin `yang ina mo?” Patago kong kinuyom `yong kamao ko. Pakiusap, h’wag lang siyang magsalita nang hindi maganda kay mama.  “Anak niya po ako… kaya hindi po ako magsasawa.” Nagulat ako sa sarili ko pagkalabas ko ng bahay dahil diretso ko `yun nasabi sa kaniya… napahawak ako sa dibdib kong ang lakas ng kabog. Nasabi ko ba talaga `yun? Habang naglalakad, hinanap ko si Drei. Baka kasi biglang sumulpot. Pero wala. Ayaw na nga niya yata.  Kahit kabado, pumasok na ako sa Shine. Matamis akong binati no’ng may-ari.  “Akala ko, hindi ka na tutuloy,” sabi niya.  “Sorry po. Hindi lang po talaga maganda `yong pakiramdam ko kahapon.” “Kumusta ka na?” “Okay naman po ako.” Iminuwestra niya sa `kin `yong daan papunta sa opisina niya. Napakasimple pero ang linis. Mahangin `tapos maaliwalas pa. Bukas kasi `yong bintana. Hindi niya siguro ginagamit `yong aircon niya.  “Actually, si Ma’am `yong tumikim ng luto mo. Nasarapan daw siya kaya pinatext ka niya sa `kin no’ng isang araw kahit na gabi na.” Medyo nanlaki na `yong mata ko. “Hindi po kayo `yung---” Tumawa na siya. “Ako ba akala mo? Head chef ako rito. Ako `yung magiging boss mo. `Yong pinaka-boss natin, `yong may-ari. Nasa Maynila siya. Dumadalaw siya rito para siyempre i-check `yong status no’ng negosyo niya. Kaya lang…” “Ano po’ng meron?” “`Yong kamag-anak niya kasi, nasa hospital kaya raw, ako muna `yong pinaasikaso niya ng recruitment. Nagulat na lang ako, bigla siyang bumisita no’ng gabi. Eh, may natira ro’n sa niluto mo, kaya pinahanap ka niya sa `kin.” Ang dami namang na-o-ospital ngayon… gano’n na nga yata talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat, namamatay.  Pero siguro, ang silbi ng tao sa mundo, kung paano niya bibigyan ng halaga `yong buhay niya kahit na hiram lang. Ito siguro `yong gustong gawin ni Drei sa sarili ko---nasa’n na kaya siya? “Sorry nga pala, `di pa kita nakakausap nang maayos. Ako nga pala si Lot, head chef dito.” Hanggang balikat `yong buhok ni Lot, wala siyang make-up at medyo maangas `yong mukha niya dahil na rin siguro sa kung paano niya akong tingnan.  “Zara po.” “`Galang mo naman. Okay lang tayo rito. Chill lang. Ayoko ng masyadong pormalidad. Tayo na nga lang `yong magkababayan, eh.” “Tiga dito rin po kayo?” Tumango siya. “Puro at walang halong ibang kemikal.” Napangiwi na ako sa pagtawa niya. Ganito pala `yong magiging boss ko? “Buweno, may experience ka na ba sa pagluluto sa ibang lugar?” Umiling ako. “Wala po.” “Nag-aral ka ba ng pagluluto o something?” Umiling ako. “Hanggang highschool lang po ako---” “Kung maka-lang ka naman!” tumawa na naman siya. “Highschool ka. Tuldok. Eh, ano ngayon? Ipagmalaki mo `yan.” Sinuntok pa niya `yong dibdib niya. “`Taas-noo.” Bakit ba ako pinaliligiran ng mga taong sobrang hyper? “Ano po’ng oras `yong pasok ko?” “Dapat, alas-sais pa lang, nandito ka na. Kasi, tayo `yong magsisimula ng lahat, eh. Lalo ka na. May ka-shift ka naman, kasi hanggang alas-diez tayo rito. `Yong kasing pinalitan mo, umalis, kaya naghanap kami ng bago. Walang pumasa kay Madame no’ng mga nag-apply. Ikaw lang. Suwerte!” Tumango ako. “Pasensya na po… pero puwede ko pong malaman kung magkano’ng kikitain ko?” May nakakatawa ba sa lahat ng sinasabi ko at panay siya tawa nang tawa? “Ikaw naman! Walang hiya-hiya sa sahod, ano ka ba. Sahod mo `yan. Karapatan mo `yan. Sabi nga sa labor, rights mo `yun.” Tumawa na naman siya. “Anyway, per hour ang bayaran dito kaya may 150 pesos ka per hour. Sa loob ng walong oras, may one two ka na. `Tapos, may kita ka na sa kinsenas, mga nasa trese mill din `ata.” Kumunot pa siya ng noo. “Ayun nga. Puwera pa ro’n `yong allowances mo---” napakurap ako sa pagkunot na naman niya ng noo. “Problema mo?” “`Yun po talaga kikitain ko?” “Oo naman! Kung gusto mong mag-OT, okay lang din. Minsan, ipag-o-OT talaga kita dahil uma-absent `yong kapalitan mo gawa ng buntis `yong asawa. Kaya mo ba?” “Opo.” “Ayoko ng nale-late sa trabaho, ha. Maraming sumusuko sa `kin dahil diyan kasi nga, ang higpit ko sa oras. Eh, sa gano’n talaga. Ayoko kasi no’ng mga taong may sarili pa yatang oras ng pagpasok.” Tumango ako. Wala talaga sa hinagap ko na ganito `yung matatanggap ko… mabubuhay ko na `yong sarili ko nito, kung tutuusin. “Isang bagay lang. Gusto ko talaga ng masisipag na staff. Kaya, kapag masipag ka, may mas matatanggap ka pa. Ayos ba?” Nakangiti na akong tumango.  “Hay, salamat!” “Bakit po?” “Nakangiti ka na! Grabe, parang buong oras, ang kausap ko, bato. Sobrang tipid mong magsalita `tsaka, ang seryoso mo. Walang gano’n, bro.” Mukha naman sigurong makakatagal ako. Sinabi na sa akin ni Ma’am Lot `yong ipapasa ko. Kanina pa niya ako pinapagalitan dahil panay ako po nang po `tapos ma’am pa `yong tawag ko sa kaniya. Hindi nga raw siya nagpapatawag sa gano’n kasi… lesbian daw siya. Kaya pala, parang lalake siya kung makipag-usap sa `kin. Pero, mahaba `yong buhok niya `tapos mukha pa siyang babae kasi ang ganda niya---ano ba’ng malay ko? Hanggang sa pag-uwi, hindi ko nakita si Drei. Para na akong tanga na kapag may nagsasalita sa gilid ko, akala ko siya na. Nagtampo na nga yata siya sa akin nang todo. Kasalanan ko naman. Kapag nagpakita siya sa `kin, magso-sorry talaga ako.  Pagkauwi ko sa bahay, naglinis muna ako at hinintay na dumating silang lahat. Ninenerbyos na ako sa magiging reaksyon nila, pero kahit sa pagkakataon na `to muna, gusto kong mawalan ng pakialam. Kung gusto kong umangat, kailangan matutunan ko na rin mawalan ng pakialam… nang paunti-unti.  “Papa.”  “Bakit?” “Tinanggap ko po `yung trabaho na assistant chef---” “Ano na namang katangahan `yang pumasok---” “One hundred fifty raw po per hour ang rate ko.” Napatigil siya sa pagsasalita. “Eight hours po ang pasok ko. `Tapos shifting pa raw po kami. May oras pa po ako rito sa bahay kung kailangan po ninyo ako, pero baka mapa-OT po ako kasi minsan daw po, uma-absent daw po `yung kasama ko.” Halatang nasorpresa siya. “Seryoso ba `yan?” Tumango ako. “Opo.” Nagulat ako sa pagtamis ng ngiti niya. No’ng nilapitan na niya ako at ginulo `yong buhok ko na may kasamang lambing, nanigas ako. “Napakagaling mo namang bata! Ano’ng gusto mong pagkain ngayon? Imelda!” Nagmamadali siyang lumapit sa `ming dalawa. “Ano’ng kailangan mo?” “Bumili ka ro’n ng ulam natin. Magluto ka.” Nanlaki bigla `yong mata niya. “Ano?! Ba’t ako?! Nandiyan na man `yang anak mo---” “Inutos ko, `di ba? Magsisimula na si Zara sa papasukan niya. Hindi siya puwedeng mapagod. Bilisan mo na nga! Gutom na siya.” Binalingan niya ako, saka niyakap nang mahigpit. “Ang anak ko… ang laki mo na pala.” Dapat, masaya ako, kasi nakikita na niya ako. Pero hindi ko maramdaman `yong kaligayahan na `yon. Parang… pilit. Parang… sinabi lang para sabihin na mahal niya ako bilang anak niya.  Okay lang… ang mahalaga, nakikita na niya ako bilang tunay na anak niya. May pagkakakilanlan na rin ako. Meron na akong isa pang dahilan para magpatuloy umangat.  Pagpasok ko sa basement pagkatapos kumain, nanibago ako. Ang tahimik, sobra. Sanay naman ako sa katahimikan, noon pa man, pero… iba `yong katahimikan ngayon. Nakakapanibago.  Tinignan ko `yung bintanang bukas. Hinayaan ko lang siyang ganiyan dahil baka nga, magbago `yung isip ni Drei `tapos bigla na lang siya pumasok sa loob. Ang laki na nga yata ng sama ng loob niya sa akin.     Sabi nila, mararamdaman mo lang na may kulang sa buhay mo kapag wala na `yong tao… ito na nga yata `yun.  “Sleepy head, wake up…” Bigla akong napabangon at napabalikwas sa sobrang pamilyar no’ng boses na bumulong sa tainga ko.  No’ng nakita ko `yung pagsilay ng malaking ngiti sa labi ni Drei, parang… parang gustong kong tumakbo at yakapin siya. Pero nagpigil ako sa sarili ko. Dahil multo nga pala siya, at alam kong lalagos lang ako kapag ginawa ko `yun.  Kaso, gusto ko talaga siyang yakapin nang mahigpit… kung gugustuhin niya, dahil ang laki ng kakulangan sa kuwarto na `to simula no’ng umalis siya. Mas lalo kong naramdaman `yong lungkot… at pag-iisa.  “You forgot? You need to wake up early because you need to pass your requirements.” Nakaawang pa rin `yong labi ko habang nagsasalita si Drei. Ang mga mata ko, nanatili lang sa kaniya, hindi kumukurap.  “Zara?” “Nandito ka na?” Medyo natawa pa siya. “Yes… why? You don’t want me here anymore?” Napakuyom ako sa kumot na nakabalot sa mga tuhod ko. Bakit niya ako tinatanong nang gano’n? “Na---” tumikhim ako. “Nakabalik ka na pala.” “Yeah…” napakamot siya sa batok niya. “Told you I was leaving… but I just… you know… can’t. Is that okay? Am I still allowed here?” Napahugot ako ng malalim na hininga. Bigla-bigla, naririnig ko `yung boses ni Miriam na binabalaan ako. Bakit ngayon pa? Nagkunot ako ng noo. “Siyempre naman… puwede ka pa rin dito.”  Ngumiti na siya sa `kin… kasabay noon `yong pagtama ng sinag ng araw sa mukha niya. Napaawang `yong labi ko sandali. “Thank you. So, stand-up, now, Zara. You had a call-time, right?” Napakurap na ako. “Pa’no mo nalaman? Wala ka naman kahapon, ah---” “I was still there… watching you all throughout of your discussion with your boss. She’s nice, I must say.” Hindi ko man lang siya naramdaman? Nando’n lang pala siya, pinapanood ako? “Come on!” Kumilos na ako kahit na nasorpresa ako na nandito na ulit siya… sa tabi ko. Kahit na hinahanda ko na `yong requirements ko, kinukulit pa rin ako ng isip ko na kailangan kong humingi ng pasensya sa kaniya.  “We should go to some government agencies for your mandated numbers. That’s a bit suck, but we need to follow the f*****g rules because it’s your right.” Wala na akong napapakinggan sa sinasabi niya. Panay na `yong pangungulit ng isip ko na humingi ng tawad kay Drei… nakokosensya na ako dahil nagagawa pa niyang maging mabait sa `kin kahit na nasungitan ko na siya… at nakapagbitaw na ako ng hindi magagandang salita sa kaniya no’ng isang araw.  Ang bait pa rin niya sa `kin… pagkatapos ng lahat. Kailangan, may maiganti ako… kahit maliit lang.  “Drei.” Binalingan na niya ako. “Yes?” Humugot muna ako ng isang malalim na paghinga. “Sorry.” No’ng napahinto na siya sa paglalakad, napagaya ako. Naguguluhan na siya. “For what?” “Sa mga nasabi ko no’ng isang araw.” Napahinga na naman ako. “Maling-mali ako ro’n. Sorry.” “No need to.” Nakakunot `yong noo niya. “Maybe, I’d gone overboard, too. I should’ve been sensitive with your emotions. I know, you’re trying to please your… family. I should’ve understood it.” Marami pa sana akong gustong sabihin, kaso `di ko alam kung saan ako magpo-focus. Mukhang tinamaan din siya sa lahat ng nasabi ko. “Thank you rin.” Nakakunot pa rin `yong noo niya, pero sa pagkakataon na `yun, natawa siya. “For what?” “Dahil… `di ka nagsawa… minsan, `yong mga katulad ko, ito `yung---” “We’re friends, Zara.” Napahinto ako sa pagsasalita. “And that’s what friends are for, right? Helping each other?” Kahit na narinig ko `yung pag-ihip ng hangin, hindi pa rin kumawala sa pandinig ko `yong sinabi niya na… magkaibigan kami. Napahinga ako nang malalim. Oo nga pala… magkaibigan kami.  “Oo naman.” Pinilit kong ngumiti. “Magkaibigan tayo.” Sinabi na niya `yun sa sarili niya. Dapat, makontento ako ro’n… at maging masaya. Magkaibigan nga pala… kami.  Sinunod namin `yong lahat ng nasa listahan. `Yong iba, hinanda ko na kagaya ng birth certificate.  “Goodness! That long f*****g queue is f*****g suck.” Kanina pa naaburido si Drei dahil sa haba at tagal ng pila sa mga government agencies na napuntahan namin para lang kumuha ng number. Ang dami na niyang daing sa pamamalakad na mayro’n sa Pilipinas. Sinisisi na niya `yong gobyerno sa bagal ng serbisyo na binibigay niya sa mga mamamayan. Hindi ko alam kung balak niya bang tumakbo sa inaasal niya.  “Are you tired now?” Umiling ako. Tinignan ko nang maigi doon sa listahan kung kompleto na ba ako. Nilagay ko lahat ng requirements sa long plastic envelope para hindi mawala. Makakapagpasa na ako bukas. `Yong NBI ko na lang `yong mapapag-iwanan dahil appointment muna bago makuha. Sasabihin ko na lang `yon kay Ma’am Lot, bukas.  Nasa parke kami ni Drei at nagpapahinga. Sa haba ng mga pinila namin, na mabuti na lang, natapos namin ng isang araw, ngayon ko na nararamdaman `yong pagod.  “The clouds… they’re beautiful.” Napatitig na ako kay Drei na nakatingala at tinitignan `yong mga kulay ng ulap na naghahalo sa langit. Napaawang `yong labi ko nang nilingon na niya ako. “Hope we could watch it again here once I get back to my own body.” Naramdaman ko na naman `yong lungkot sa mga mata niya. Mahabang lakbayin pa `yong kailangan naming gawin bago namin makita `yong katawan niya… pero sana, magawan na namin ng paraan sa lalong madaling panahon. Dahil ayokong nakikita siyang malungkot. Kapag nalulungkot siya, nahahawa ako. Ayoko nang gano’n.  “Bakit mas excited ka pa sa `kin na pumunta sa Shine? Magpapasa lang naman tayo ng requirements.” Para ko na nga yatang alarm clock si Drei dahil siya na `yong gumigising sa akin kapag alam niyang kailangan ko nang puntahan ang Shine. Minsan, kapag sa tingin niya, mabagal `yong kilos ko, siya na `yong nagpapamadali sa `kin.  “Because tomorrow’s gonna be your first day! I’m f*****g excited for you! At least, this is you baby step to step out of your zone!” “Talaga?” ngayon ko lang din `yon natanto… na masyado akong nagkulong sa sinasabi niyang comfort zone. Na ngayon na may oportunidad na lumapit, baka dito… baka dito na ako puwedeng magpamalas ng mga bagay na… na gusto kong gawin noon pa man.  Pumasok na kami sa Shine. Inasiste kami no’ng babaeng pamilyar na nag-asiste sa `kin no’ng isang araw. Sana talaga, magtagal ako rito.  No’ng sinabi sa `kin na kakausapin na ako ni Ma’am Lot, hinanap ko kaagad si Drei kasi bigla siyang nawala. Nasa’n na `yun?  “Ah, mag-si-CR lang po ako, saglit,” paalam ko kay Issa pagkatapos niya akong tawagin.  “Sige. Basta, pumunta ka na lang sa office ni Ma’am Lot, ha?” Tumango ako. Kunwari lang akong pumunta sa CR, pero hinanap ko na agad si Drei. Nasa’n na ba `yun? No’ng nakita ko na siya na nakatayo sa isang malaking pintuan, tinawag ko na siya sa mahinang boses. Ang lalim ng kunot sa noo niya.  “Bakit?” Sinulyapan muna niya `yong pinto bago tumingin sa `kin. “The woman inside of that room… she’s so familiar.” Lumalim pa lalo `yong noo niya na parang may iniisip siya nang maigi. “I knew I saw her already somewhere.” Nakasarado `yong pinto kaya hindi ko ma-imagine `yong sinasabi niya. “Talaga?” “Yes…” tumango siya. “This is the office of the owner, I guess. And I guess that woman, she’s your highest boss here. I followed her kasi gusto kong malaman `yong hitsura ng boss mo. But I didn’t expect that her face… it’s so f*****g familiar.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD