Chapter 7
Name
“What have you talked about?”
Malabo. Nakakainis. Ginagambala na ako no’ng sinabi ni Miriam. Imposible naman talaga `yong sinabi niya. Hindi ako magkakagusto kay Drei. Ni hindi nga iyon pumasok sa isip ko.
“Wala naman,” simpleng sagot ko.
Tumango na siya. “Are we gonna go to Aling Martha?”
“Puwedeng h’wag na muna? Wala ako sa mood.”
“Why?” napalitan `yong kunot sa noo niya kanina ng pag-aalala. “Did that woman say something---”
“Pagod lang ako.” Napahinto siya sa pagtatanong. “Isa pa, baka dumating na siya. Bukas ko na lang kausapin si Aling Martha.”
Ramdam ko na ang tagal niya akong titigan. Diretso lang `yong titig ko sa daan. Wala akong balak sabihin sa kaniya `yong mga napag-usapan namin ni Miriam. Walang kuwenta `yong sinabi niya. Dapat, hindi na ako magambala pa.
Naging tahimik kami hanggang sa makarating kami sa bahay. Ilang saglit lang, dumating na siya. Sa hilatsa pa lang ng mukha niya, basa ko na agad. Mukha siyang natalo.
“Bakit ang dumi ng buong bahay?!”
Tumayo lahat ng balahibo ko sa buong katawan sa sigaw niya. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Alam ko na kapag ganito siya. Napapikit ako at huminga nang malalim.
“Kakalinis ko lang po kanina---”
“Punyeta! H’wag mo `ko sinasagot! Ano? Nagmamalaki ka na porket pinapahanap ka na ng trabaho niyang tatay mo>!”
Napayuko ako. Gusto kong sabihin na totoo naman. Bakit ba sobrang kulang ng mga ginagawa ko sa kaniya kahit na ginawa ko na lahat?
Gusto ko naman maramdaman na nanay ko siya. Pero bakit gano’n?
“Pasensya na po.”
Pero hindi niya ako pinakinggan. Sa buong araw na ito, hindi nakalagpas na hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay.
“Why’re you letting them do this to you? Lumaban ka naman, please?”
Hindi ko siya pinansin pagkatapos kong lagyan ng betadine `yong putok sa kaliwang pisngi ko. Hindi naman masakit… dahil sa simula pa lang na naranasan ko `to, sinabi ko nang maging manhid ako.
Napatigil agad ako sa paglalakad nang humarang siya sa dinaraanan ko. Napairap ako. Ano ba’ng ginagawa niya? Kailangan ko nang magluto dahil darating na sina papa.
“If you want to cry, I’m here.”
“`Di ko kailangan.”
“You can cry on me. Swear, I won’t say anything.”
“H’wag kang maging concern sa `kin masyado.” Napaawang `yong labi niya sa sinabi ko. “Kaya kong dalhin `yong sarili ko. `Di porket na tinutulungan kita, kailangan mo rin akong tulungan. `Di mo kailangang gawin `yon.”
Parang may gusto siyang sabihin no’ng mga oras na nakatitig siya sa `kin… pero huminga siya nang malalim. Binigyan na niya ako ng daan para makalakad na ako.
Pero bago pa ako nakalayo, napatigil ako sa pagsalita niya, “It doesn’t mean I’m offering my help means I’m reciprocating your help on me. It was purely a concern. I just hope you’d allow me to help you. Hindi naman masama na humingi ng tulong sa iba.”
Hindi naman. Pero sabi nga ni Miriam, may kailangan akong protektahan.
“Nakahanap ka na ba ng mapapasukan mo?” tumaas ng tingin si papa sa gitna ng pagkain niya.
“Bukas pa po.”
Tumango siya. “Marami akong nakikitang hiring sa plaza… magtingin-tingin ka ro’n. Tinatanggap kahit high school graduate lang.”
“`Di talaga ako sang-ayon diyan sa gusto mo, Zakarias.”
Pero hindi siya pinansin ni papa. “May isang agency na naghahanap ng utility worker. Baka sa Paseo ang deploy. Mag-apply ka ro’n.”
“What?!” halos mabingi ako sa paglakas ng boses ni Drei. Mabuti na lang din talaga, hindi siya nakikita. Panay siya react nang react sa mga sinasabi ng mga kasamahan ko rito sa bahay. “Wala na ba silang maisip na pasukan mo? I mean, I’m not degrading the job because I know it’s fulfilling but you can do better.”
Tumango ako. Narinig ko si Drei na napaungol sa gilid ko. “Opo.”
Do’n lang ako nakaramdam ng kakaibang ligaya. Na sa wakas, nakuha ko rin `yong paggusto at `yong pagpayag ni papa sa `kin. Minsan niya lang ako kausapin nang ganito. Sobrang dalang pa. Nasabi ko na sa sarili ko na kung ano man `yong ibabato niya sa `kin, tatanggapin ko nang buong puso. Gano’n na nga yata ako kauhaw sa pagmamahal ni papa.
Kaya inasikaso ko na `yung biodata ko kinagabihan. Nasa isang tabi lang si Drei, tahimik na pinapanood ako.
“You can try applying as a cook.” Hindi na rin yata nakatiis, dumaldal na.
Hindi ko siya matignan dahil napokus ako sa binabasa ko. Medyo hirap ako sa pagsagot ng ilang tanong sa biodata. Masyadong malalim `yong English ng iba.
“Sabi ni papa na okay ako sa utility. Iyon `yung a-apply-an ko.”
“I know how you crave for your father’s attention, but please, don’t let it blinded your wants in life.”
Wala naman akong gusto… kaya ano’ng alam niya?
“Pagkatapos ko palang mag-apply, dumiretso tayo kina Aling Martha.” Tumuwid kaagad siya ng upo pagkarinig `yun sa `kin. Alam kong ito lang naman talaga `yong hinihintay niya. “Tanungin natin `yong nangyari sa `yo.”
Tumango siya. “Okay. Is there anything I can help for you?”
“Wala.”
Napatikom na siya ng bibig. Ayokong mangailangan ng tulong niya. Ayokong magpakita siya ng kabaitan. Ayokong maging mabuti siya sa `kin. Dahil alam ko na `yan. Diyan `yan nagsisimula… Sa pagiging mabuti sa isang tao. Ayoko no’n.
Iniwan na ako ng lahat. Ngayon ko pa lang makukuha iyong pagkagusto sa `kin ni papa. At `yong kaniya? Wala akong balak na idagdag siya sa bagahe ko. Oo, sinama ko pa rin siya kahit na ang dami ko nang problema. Pero wala sa balak ko na mahulog sa kaniya… kagaya ng sinasabi ni Miriam.
Gusto ko siyang pasalamatan kahit papa’no. At least, binigyan niya `ko ng babala.
Gumising ako nang maaga para magawa `yong madalas kong ginagawa. Kapag pala nagkaroon na ako ng trabaho, alam kong ako pa rin `yong kikilos dito sa bahay. Kaya kailangan, ma-manage ko nang maayos `yong oras ko. Ayokong magalit ulit siya sa `kin.
“Are you going to that plaza your father referred on you?”
Tumango ako.
“Okay.”
Kakaiba `yong katahimikan niya ngayon pero nagpapasalamat ako na ganiyan siya. Nakakapag-isip ako ng mas malalim ngayon.
Ano kaya `yong itatanong nila sa `kin? Sana, hindi mahirap. Nakakakaba. Sana, matanggap ako.
Isa-isa kong tinignan `yong hiring. May nakita nga ako sa isang agency na hiring sila ng utility workers. Ang deployment, sa Manila at ibang karatig-bayan. Mabuti na lang, may hiring pa sa Paseo kaya iyon `yong pinili ko.
“Zara!”
Tinignan ko kaagad si Drei habang nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng numero at address no’ng agency.
“There’s a hiring for assistant chef!”
Ang sigla pa niya habang sinasabi `yon. Talagang ipagpipilitan niya `yong gusto niya.
“Sa may mga nakatapos lang `yan.”
“But you can still cook.”
Hinarap ko na siya. “Ano ba talaga’ng gusto mong mangyari?”
“I just want to help,” biglang napalitan ng lungkot `yong sigla ng boses niya kanina. “Please?”
“Sinabi kong---”
“I know.” Ngumiti siya nang kaunti. “But I know you can do better on this… ganito na lang. If you passed this, dito ka na. But if not, diyan ka. Okay ba `yun?”
Umirap na lang ako. Hindi niya talaga ako titigilan kahit na ilang beses ko nang sinabi.
“Bahala ka.”
Pagkatapos kong isulat `yong kailangan ko, nilapitan ko na siya. Nanliit na `yong mga mata ko dahil hindi pa pamilyar `yong establisyemento. Mukhang ipapatayo pa lang `yon dito sa San Antonio.
“Shine Restaurant?” nanliit pa lalo `yong mga mata ko. “Bago lang `to.”
“Really? That’s good then. You can show them off your skills. Baka diyan ka na rin mag-improve.”
“Kaka-start pa lang nila. Baka maghanap na sila ng professional.”
“I doubt about it. Just trust your skill, okay?”
Inirapan ko na lang siya at nagsimulang mag-tipa ng numero ng restaurant na tinutukoy rito. Hindi ko na lang `to seseryosohin dahil dito talaga sa utility nakapokus---
“Give them your one hundred percent shot, huh?”
Habang tinitignan ko `tong si Drei, hindi ko mapigilan na ma-guilty. Masyado siyang positibo na magagawa ko `to. Ano ba kasi’ng nakita niya sa `kin at ganito na lang siya ka-pursigido na makuha ko `to?
“Oo na,” iyon na lang `yong nasabi ko.
Ang laki ng ngiti niya na parang katulad na siya ng araw ngayon. Masyadong maliwanag at nakakasilaw. Kung buhay lang `to talaga, bagay nga na siya na lang `yong mag-apply kesa sa `kin. Bagay na bagay sa kaniya `yong pangalan no’ng restaurant.
Una naming pinuntahan `yong agency para ro’n sa utility. Sandali kaming naghintay dahil kukuha lang daw `yong HR ng pre-employment exam ko. Kinakabahan na ako dahil hindi ako magaling sa mga exam na gano’n. Sana, makapasa ako para ma-interview na ako.
“Ano’ng ginagawa mo?” May diin kong bulong kay Drei kasi kanina pa siya paikot-ikot dito sa loob. Kulang na lang yata, kabisaduhin na niya `yong bawat letra na nakapost dito sa agency na `to.
“I’m reading everything, including the policies and your benefits. We should know it kasi mahirap na. They’re gonna take advantage on you if you don’t know everything, including their rules and regulations.”
Tama nga siguro si Miriam. May sinabi nga si Drei dahil kung paano niya sinasabi sa `kin `yong mga pinaliwanag niya kanina, ibig sabihin, baka anak siya ng isang mayamang pamilya at nagpapatakbo siya ng isang malaking negosyo.
Kailangan ko lalong umiwas.
Bumalik lang ako sa hitsura ko no’ng lumabas na si ma’am na HR. Ang dami niyang pinasagutan. Nahihilo na ako sa mga tanong. May isa pa roon na hanapin ko raw `yong pinagkaiba sa picture. Utility ba talaga `tong pinasok ko?
Bawal akong magreklamo. Para nga pala `to kay papa na naniniwala sa `kin na kaya ko.
Pagkatapos ng dalawang oras, natapos din akong magsagot. In-interview na ako sunod ng HR tungkol sa buhay ko at sa mga kaya kong gawin. Kinakabahan ako habang ginigisa ako. Akala ko nga, i-English-in ako. Wala akong masasagot dahil kakarampot lang `yong alam ko.
No’ng sinabi ng HR na babalikan na lang daw nila ako sa pamamagitan ng pagtawag, binigay ko sa kanila `yong number ko. Meron pa naman akong de-keypad na cellphone na napalunan ko sa bunutan sa bayan. Laking pasalamat ko na nanalo pa `ko no’n.
“Now, next is the Shine Restaurant.”
Sa aming dalawa, siya talaga `yong excited. Ni hindi ko pa nga alam kung makakapasa ba ako ro’n o hindi.
“H’wag ka nang umasa na mapapasa ko `yun.”
Pero hindi niya ako pinakinggan. “I hope they won’t give you difficult questions.”
Inirapan ko siya. Ang tigas din talaga ng ulo nito. Pa’no ba `yun nasabi ni Miriam? Magkaibang-magkaiba kami ng pananaw sa buhay.
No’ng pumasok na ako sa Shine, parang hindi naman restaurant `yong pinasok ko. Mukhang bago pa lang siyang pagawa. At yung tema? Parang nasa kainan ka lang. Sobrang payak. May kainan pa nga sa labas. Binabagay nila yata `yong tema sa lugar ng San Antonio dahil nga, probinsya.
“Ano po’ng atin?”
Natigilan ako sa tamis na bati no’ng ginang na sumalubong sa amin. “Mag-a-apply po ako as assistant cook.”
Nanlaki `yong mata niya. “Ay, sandali. Tawagin ko lang si madame, ha?”
Umupo muna ako sa isang gilid pagkatapos niya akong kausapin. Nanliit bigla `yong mata ko no’ng pinagmamasdan ni Drei `yong lugar.
“The restaurant is simple… but unique. Maybe the owner wants to blend the theme of the place with San Antonio as province.”
Tumango ako. Hinayaan ko lang magdaldal si Drei bago ako tumayo dahil tinawag na `ko no’ng mag-i-interview. Mukha naman siyang mabait no’ng in-interview niya ako
“Ipagluto mo `ko ng adobo.”
Napakurap ako. “Adobo po?”
Tumango siya. “Oo, adobo. Bahala ka na kung ano’ng balak mo, basta kailangan mo `kong ipagluto ng adobo, ha?”
Tumango ako. Dinala niya ako sa kusina nila. Nagulat ako kasi malaki siya. Medyo bago pa ako sa ibang gamit na nandito… napatingin ako kay Drei saglit. Hindi ko talaga maipapangako na makakapasa ako rito.
No’ng nakalatag na `yong manok at `yong mga rekados, nagsimula na akong magluto. Ramdam ko si Drei na tahimik akong pinapanood. Naiilang ako… bahala na.
Pagkatapos ng ilang sandali, naluto na `yong adobo ko. Prinisenta ko na siya ro’n sa nag-interview sa `kin. Pinagmasdan ko `yung mukha niya habang tinitikman niya `yong niluluto ko.
Mukhang hindi pumasa sa panlasa niya… hindi ko kasi nakita na nagustuhan niya `yong niluto ko.
“Okay. Balik ka na lang next time.”
Tumango ako. “Opo.”
“What the hell?!”
Pinanood ko lang si Drei na madismaya pagkatapos ng nangyari. Wala pa naman kaming nakuha na sagot pero pareho naman naming alam, base na rin sa reaksyon no’ng madame.
“Sabi ko sa `yo, eh.” Dinukot ko `yung cellphone ko kung may text na ba `yong agency na in-apply-an ko. Medyo bumagsak `yong balikat ko dahil wala pa.
“Baka hindi ako makapasa sa dalawa.”
Inirapan niya ako. “Let’s not give up. Maybe the woman’s just contemplating her decision. Know what? If I were the boss of that restaurant, no doubt, I’m gonna pass you in a heartbeat.”
“Ang unfair pakinggan. Parang pinasa mo lang ako dahil ginusto mo lang.”
“Because you have the talent!”
“Natikman mo ba `yung niluto ko? Sabi mo, hindi ka makahawak nang kahit na ano, `di ba?”
Hindi na siya nakasagot. Nginitian ko na lang siya. “Salamat sa pagtulong. Tama na `yun.”
Pero mukha pa siyang mas dismayado kesa sa `kin. Mas inaalala ko pa nga kung nakapasa ako sa utility na ina-apply-an ko.
Pinuntahan na namin ang tindahan ni Aling Martha. Mabuti na lang, nakita ko pa siya sa puwesto niya. Tinanong ko kaagad ko may alam siya sa aksidente na naganap noon sa gubat.
“Do’n?” nanlaki na `yong mga mata niya pagkatapos niyang mag-isip nang sandali. Tinanguan niya ako kaagad. “Oo, naalala ko.”
Nanlaki rin `yong mata no’ng katabi ko. “Alam n’yo po ba kung sino `yung naaksidente?”
“Parang Andrei `yong pagkakaalala ko, eh.”
Siya nga.
“Ano po’ng nangyari sa katawan niya?”
“Ang alam ko, dinala siya sa Maynila, kasi ayaw raw ng pamilya no’ng lalake na dito raw sa bayan natin ma-confine. Maliit lang daw `yong ospital natin dito.”
Tumango ako. “May alam po ba kayo sa buhay no’ng lalake?”
“Mayaman daw, eh. Ang sabi-sabi rito, may-ari raw `yong magulang ng mga restaurant sa Maynila. Ewan ko, basta, gano’n---teka nga, bakit mo tinatanong, iha?”
Nataranta na ako bigla. “Wala po. Uhm, alis na po ako.”
Hindi ko na hinintay `yong mga sasabihin niya kasi baka magtanong pa siya.
“So, my family is a heck of millionaire and I’m a son of chains of restaurant in Manila.”
Tinignan ko siya. “Somehow…” kinuyom niya `yong kamao niya. “… it felt another spark of hope.”
“Gusto mo na bang pumunta ng Maynila?” tinignan na niya ako. “Nando’n daw `yong katawan mo.”
“I’m gonna think `bout that.” Huminga siya nang malalim. “No one can see me, except you. Kaya baka h’wag na muna.”
“For the meantime, let’s wait for the announcement of the companies you applied. Don’t care who will get you hired. I just want you to have your dream job.”
Hindi ako makatulog. Kanina, kinausap ako ni papa kung kumusta na raw ba `yong mga in-apply-an ko. Sinabi ko sa kaniya na i-te-text na lang nila ako. Kinabahan ako dahil ang sabi ni papa, balitaan ko raw siya.
Paano kung walang tumawag? Pa’no kung pareho pala silang walang tiwala sa kakayanan ko?
“Your overthinking won’t do good to you.”
Umayos na ako ng upo. Sandali akong natigilan sa nakita ko. Nakatukod `yong paa ni Drei sa upuan habang nakapatong naman `yong siko niya. Nasisinigan ng ilaw sa labas `yong kalahati ng mukha niya. Nagmukha siyang maangas sa `kin.
Nagtikhim ako. “Hindi naman ako nag-iisip masyado.”
“Pressured by your father?”
“Hindi.”
“Suit yourself.”
Ayokong sabihin na oo dahil alam kong may dahilan na naman siya para mag-alala sa `kin. Hangga’t maaari, ayokong gumawa ng bagay na magbibigay sa kaniya ng rason para mapalapit sa `kin.
Pagkatapos talaga nito, kakalimutan ko na siya. Maalala ko man siya, pero kahit na. At least, hindi gano’n kabigat.
Hindi ko nagugustuhan `yong katahimikan ngayon. Parang mas nakakatakot kapag tahimik kaming dalawa. O mas maiging siya `yong tahimik sa `ming dalawa.
“H’wag mo `kong titigan.”
Nag-iwas bigla siya ng tingin. “Sorry.”
No’ng mga panahon kaya na hindi ko pa alam na nandito siya sa bahay, tinititigan niya kaya ako?
“Can’t sleep?”
Tumango ako. Ginagambala na talaga ako no’ng resulta. Bakit kaya hindi pa sila nagtetext? Bagsak ba ako?
Parehas kaming napatalon no’ng narinig ko `yung cellphone ko na nag-text. Nagkatinginan pa muna kami bago ako sumilip sa cellphone ko.
Napakunot-noo na ako dahil `yong Shine Restaurant `yong nagtext. Napalunok muna ako bago ko sinilip.
Unregistered number:
We are pleased to inform you that you were able to pass the overall interview. Please come here tomorrow for the requirements of your application.
Thank you.
No’ng nagkatinginan na kami ni Drei, nagulat ako sa pagsuntok niya sa ere. Nakapasa nga ba talaga `ko? Do’n pa sa hindi ko ine-expect!
“I told you, you can do it,” masaya ang boses ni Drei habang pinagmamasdan niya ako.
Hindi ko na pala alam, lumuluha na pala ako. Hindi pa ako makahinga sa paninikip ng dibdib ko.
“Right now, I really wanna hug you. Sana, makita ko na `yong katawan ko.”
Pinahid ko `yung luha ko sa pisngi. “Kung naniwala ka sa `kin, ibig sabihin, makukuha mo rin `yong katawan mo.”
“Thank you. Now, sleep. You have to wake up early. You’re gonna pass your requirement, right?”
“Oo.”
Pero sandali lang, nagising na agad ako. “Wala pa pala akong susuoting matino.”
“We can buy tomorrow.”
“Wala na akong budget.” Alam ko `yung iniisip niya kaya nagdugtong pa ako. “Malabo na pahiramin nila ako.”
“I can’t believe really your family.” Napailing si Drei.
“Baka, tumingin na lang ako sa ukay sa Paseo bukas. Dadaan na lang tayo ro’n.” diretso ko siyang tinignan. “Sigurado ka ba na ayaw mong puntahan `yong katawan mo sa Manila?”
Umiling siya. “It’s impossible for them to see me. Ikaw lang `yong nakakakita sa `kin so might as well, dito muna ako. Okay lang naman sa `yo `yun, `di ba?”
Pa’no ko sasabihin na hindi? Pagkatapos niyang itaas `yong sarili ko, na paniwalain ko na kaya kong gumawa ng bagay na imposible?
Paano pa ako makakahindi?
“Okay lang.”
Eksaktong pagngiti niya, tumapat na naman `yong liwanag ng buwan sa mukha niya. Para siyang literal na nagliliwanag.
“Thank you. Now, sleep. Stop overthinking.”
Napapikit na ako. Sa ngayon, tutulungan ko muna si Drei. Hanggang do’n lang. Iyong ibang bagay? Kailangan kong mag-ingat para sa sarili ko. Tama. Bago pa mahuli ang lahat.