Chapter 6

3480 Words
Chapter 6 Kristal Akala ko madali lang `yong pinasok ko. Hindi pala… Matagal nang tahimik ang buhay ko. Umiingay lang siya kapag naririnig ko na siyang sumisigaw o kinakausap ako nila papa at Zelle.             Hindi ko malaman kung magsisi ba ako sa pagpayag kong tulungan siya dahil ang ingay niya! Kadalasan, ako `yung tipo na hindi madaling mainis sa lahat ng bagay. Pero malapit na akong mapuno sa lalakeng `to.             “Hindi ba mauubusan `yang bibig mo ng mga sasabihin?”             Inirapan ko siya dahil abala ako sa pagpupunas ng mga kasangkapan sa salas. Wala silang lahat ngayon dahil may trabaho si papa at si Zelle. Siya naman, nando’n ulit sa mga amigas niya.             “What do you think?” nakangisi siya habang nakatayo sa gilid ko. Mabuti sana kung may sense `yong sinasabi niya. Puro naman walang kuwenta. Pinipilit niya pa `kong magsalita para lang daw makasabay ako sa joke niya. Nakaka-badtrip. Inirapan ko ulit siya. Nagpatuloy ako sa pagpupunas, pero ramdam ko `yung titig niya sa `kin. Tumahimik nga siya, pero nakakairita naman `yong tinititigan niya ako. Binalingan ko na siya. “Bakit?” “I’m sad. I can’t help you in cleaning your house.” Napatigil na ako sa ginagawa ko. Mukha siyang papaiyak na tuta. Sinabi niya sa akin no’ng isang araw na hindi siya nakakahawak ng kahit na ano dahil lumalagos daw kapag ginagawa niya iyon. Kaya hanggang tingin lang siya sa akin. Nakaramdam ako ng lungkot… nakakahawa naman `yong lungkot niya. Pinapagpatuloy ko `yung paglilinis. “Mahahanap din natin `yong katawan mo. Kailangan lang nating alamin kung ano `yung buhay mo noon.” Napansin ko `yung pananahimik niya. No’ng sinulyapan ko siya, nakakunot `yong noo ko dahil nakangisi siya. Umirap ako. “A change of perspective suddenly? Naging positive ka na.” “Ayoko lang na may papaiyak na tuta sa gilid ko. Umagang-umaga.” Tinawanan niya ako. “At least, I’m your very cute puppy.” Umirap na naman ako. Mabuti, hindi pa ako nahihilo. Pagkatapos kong punasan `yong TV, hinarap ko siya. “Gusto mong pumunta tayo sa pinangyarihan ng aksidente?” Nanlaki bigla `yong mga mata niya. “Para malaman natin kung ano ba `yung nangyari. Wala na ro’n `yong katawan mo, `di ba?” Tumango siya. “The last time I heard, my family brought it in a hospital. Kung saan? I dunno.” No’ng inalok ko `yun, nakita ko `yung kakaibang buhay sa mga mata niya. Siguro, matagal na niyang gustong hanapin `yong katawan niya. “Sige. Kailangan ko lang munang tapusin `yong gawain ko rito.” Sinundan niya ako habang naglalakad ako papunta roon sa pinaghugasan ko ng basahan. “Your father… is that your biological father?” nagrtaas kaagad siya ng palad no’ng napatingin ako sa kaniya. “I promised I won’t interfere… I’m just curious.” Tinanguan ko lang siya at nagsimula na akong maglaba no’ng basahan. “Oo.” “I see… anyway, your father told you to find work, right? I’ll go with you.” “H’wag na. Isa pa, wala namang tatanggap sa `kin.” “Zara…” gumusot `yong mukha ko dahil sa lambing ng boses niya. Kinilabutan ako. “… stop doing that, okay? I don’t wanna hear you getting pessimistic. You don’t even start doing any.” “Totoo naman `yong sinabi ko.” “No.” tumingala ako sa kaniya. “You’re good at everything. Maybe we should just find your strength as well as your weakness. Then, let’s improve somehow your weakness.” “Hindi ako nagtapos ng pag-aaral.” “But that doesn’t mean you’re not good at any. Diploma maybe is a requirement, but that’s not a determination of your strength and weakness. It comes within you, Zara.” Napabuga siya ng hangin. Wala naman akong reaksyon sa sinabi niya. “I couldn’t imagine this kinda difficult. I may be here to support you, but your decision will always be at your end. You’re the captain of your own ship. You can push yourself up… or you can also pull yourself down. I don’t wanna see you doing the latter. I know you can do great. Just believe in yourself, please?” Alam ko naman na sinasabi niya `yon para mahila niya ako pataas. Pero paano? Iniisip ko pa lang, alam ko nang mahirap. Nakakapagod. Nakakawalang-gana. Walang tiwala sa akin si papa dahil alam niyang mahina ako… kaya iyon na rin `yong nasa isip ko buong buhay ko. Paano ko gagawin?    Noong matapos na ako sa gawaing-bahay, sinabi ko kay Drei na lalabas na kami. Kailangan lang naming bilisan dahil baka dumating siya… Kung minsan, alam kong masama, pero nagpapasalamat ako na lagi siyang wala ngayon sa bahay at gumagawa ng kung ano sa labas… nagkakaroon ako ng oras sa sarili ko. “Malayo ba `yong pinangyarihan no’ng aksidente mo?” “Kinda…” medyo alanganin pa `yong sagot niya. “But don’t worry, this won’t take long.” Hindi naman niya sinabi na mamasahe pala kami. Mabuti na lang at nagdala ako ng pera… last budget ko na `to. Inipon ko lang `to no’ng mga panahon na inaabutan pa ako ni papa. Ngayon kasi, hindi na. Malaki naman daw ako kaya magbanat na raw ako ng buto. Mukhang kailangan ko na ngang umayos para makahanap ako ng trabaho. Napapunta kami sa isang masukal na gubat ng San Antonio. Medyo pamilyar na ako rito dahil isang beses, pinapunta niya ako para raw kumuha ng panggatong no’ng bata pa ako. Huli ko nang malaman na kaya niya pala `yun ginawa, para maligaw ako. Mabuti na lang at may nakakita sa akin kaya naiuwi ako sa bahay. Ramdam ko naman… ayaw na ayaw niya sa akin. Sino ba’ng magkakagusto sa `kin. “Here!” Nanigas ako no’ng makita ko `yung wasak na sasakyan na tinuturo ni Drei. Sa hitsura ng koste, mukha `yong mamahalin. Hindi na ako nagtaka. Base sa kung pa’no manamit at dalhin ni Drei `yong sarili niya, alam ko nang may sinabi siya sa buhay. Napapikit ako sandali. Hindi ko kayang makita sa isip ko `yong naganap kay Drei. Masyadong malala pala. Napahinga ako nang malalim at lakas-loob akong lumapit sa mismong sasakyan. Masyado nang wasak `yong kotse, lalo na `yong bandang unahan dahil `yon `yung bumunggo sa malaking puno ng narra. “We have the same reaction actually.” Nakita kong nakangisi pa rin si Drei, pero `yong lungkot sa mata niya… hindi niya `yon kayang itago. “I couldn’t also imagine myself how I was tragically experienced this. I don’t even know if I’m still alive.” “Buhay ka.” Napalitan ng tuwa `yong lungkot do’n sa mata niya. “Wow, you’re starting to change.” Inikutan ko siya ng mga mata. “Hindi ako nakikipag-biruan.” Tinawanan niya ako. “But seriously speaking, nararamdaman ko pang buhay ako. Dunno… maybe because I’m still here and I have unofficial business?” “Ang kailangan na lang nating malaman, saan dinala `yong katawan mo. May malapit na center dito sa San Antonio.” “Actually, I tried going there. Because of course, the first thing everyone comes to their mind is the hospital or any clinic… but when I checked, I didn’t see my body there. Kaya naisip ko na baka dinala ako somewhere far from this province.” Maliit lang ang barriong `to. Kaya dapat alam ng mga tao kung may naaksidente rito dahil kakalat iyon. Sino nama’ng mapapagtanungan ko. Napangiwi ako. Biglang pumasok sa isip ko `yong manghuhula… nanlaki na `yong mga mata ko. Hinulaan niya ako na may makikilala ako… no’ng tumingin ako kay Drei… imposible! “What? Do you have a crush on me?” Nawala bigla `yong iniisip ko. Ang kapal ng mukha. Tinawanan niya ako no’ng inirapan ko siya. “What? You’re weirdly staring at me.” “May naisip lang ako na puwede nating mapagtanungan. Kaso, wala na tayong oras kaya bukas na lang.” May kumislap sa mga mata niya. Pag-asa. Mabuti pa siya, madaling makakuha ng pag-asa kahit na hirap na hirap siya. “Okay.” Tumango siya nang nakangiti. “How about you?” bigla akong nagtaka sa kaniya. “It should not only me who should receive help in here. How am I gonna help you in finding work?” “H’wag mo na `kong tulungan. Hindi naman importante `yun.” Kaso, si Drei nga pala `to. Kahit na ano’ng sabi ko na `di ko naman kailangan, ang kulit. Panay tanong nang tanong. “Oh, sige na, para tumigil ka na,” sabi ko pagkapasok namin sa loob ng bahay. Nakahinga ako nang maluwag no’ng matanto ko na wala pa siya. “Highschool graduate lang ako.” “You don’t treat highschool as mediocre. At least, you’ve finished highschool. Be proud of it.” Nagpapatawa ba siya? Sino’ng tatanggap sa `kin kung ito lang `yong pinagtapusan ko. Wala naman akong alam na ibang kayang gawin. “What more?” tanong pa niya. Nag-isip pa ako. “Mahina ako sa subjects.” Inirapan niya ako. Napikon siguro siya sa sinabi ko. “Come on. Don’t always tell me your weakness like it some kind of definition of yourself. Tell me about something your passionate at.” Wala naman. Kahit na ano’ng isipin ko, wala naman. “Wala---” “You can cook!” Nanliit `yong mga mata ko sa kaniya.  “Hey! It doesn’t mean that you treat cooking as simple ‘gawaing-bahay’ it means, it can never be a profession. We have chefs, you know.” “May course pa rin para ro’n.”             “But some do not take a course to become a chef. Besides, profession always starts with learning. You can develop that.”             “Sa’n naman ako mag-a-apply niyan?”             Do’n na siya natigilan. Imposible naman dito sa San Antonio dahil walang nagbubukas na restaurant dito… sa mga karinderia, puwede pa.             “Wait,” sabi niya pagkatapos ng sandali niyang pananahimik. “let me look into that.” Tinignan ko lang siya. “Oh, come on. Don’t give up easily. Makakahanap tayo.”             Gusto ko sana siyang pasalamatan dahil alam kong itinataas niya lang `yong morale ko bilang tao, kaya lang, alam ko rin naman `yong kahahatungan nito. Hindi naman niya kailangan akong bigyan ng encouragement.             Marami pa siyang sinasabi hanggang sa dumating na sila sa bahay. No’ng hapunan, tinanong na ako ni papa kung ano’ng plano ko sa buhay. Sinabi ko sa kaniya na maghahanap na ako ng trabaho.             “Ikaw lang, Zakarias, ang magpapahirap sa sarili mo.” Inirapan niya si Papa at nagtaas pa siya ng kilay. “Ano ba’ng tinapos niyang anak mo? `Di ba, highschool lang? Sino’ng tatanggap diyan?”             Napayuko lang ako habang pinapakinggan sila na nagtatalo. Hindi naman nila kailangang pagtalunan pa `to.             “Magkatulong ka. Maraming tatanggap diyan sa `yo. Pumunta ka ng Maynila. Kailangan nila ro’n. Baka `yan na rin `yong maging sagot para mag-DH ka sa ibang bansa.”             Nagkatanguan kami ni papa. Baka `yun nga `yong sagot… baka do’n ko siya makitang proud sa akin. Ang gusto ko lang naman, maging proud siya kaya gagawin  ko kung ano `yong sa tingin niya ay tama.             “Is that the help they could only do?” napatingin ako kay Drei na nasa gilid ko. “They’re just making you… feel little of yourself.”             “Maraming janitress do’n sa bank namin.” Binalingan ko si Zelle na tumitingin naman sa kaniyang bagong nail polish na mga daliri. “But of course, I don’t have plans of endorsing you in my company. Baka kung ano pa `yung isipin nila sa `kin. Yuck.”             Naiintindihan ko naman. Sino ba naman---             “Kapatid mo ba `yan?” sinulyapan ko si Drei. “She can’t act like one.”             Hindi ko na lang siya sinagot. Wala akong planong magsalita laban kay Zelle. Kapatid ko siya.             “Your family… is a bunch of---” napahinto si Drei sa pagsasalita no’ng nakatingin ako sa kaniya. Napabuga na lang siya ng hangin.             Nasa basement na kami. Kanina pa niya hindi maitago `yong pagkadismaya niya sa pamilya ko.             “I actually admire you for this… how are you able to endure their maltreatment on you?”             Diretso ko siyang tinignan sa mga mata. “Dahil pamilya ko sila.”             “I know, all right. But---” napabuga na lang siya ng hangin. “I just hope you’ll be able to learn to see the good things in yourself, Zara. Because you’re too good for me.”             Ang lalim ng kung pa’no niya ako titigan. Kung minsan, gusto ko nang itanong sa kaniya kung bakit siya gano’n makatingin sa `kin. Hindi ako sanay…             Napahinga ako nang malalim. “Bukas, puntahan na natin `yong puwedeng makatulong sa `tin.”             Kumunot `yong noo niya. Siguro, iniisip niya na ipapasok ko lang `yon para hindi na namin `yon pag-usapan pa.             Tumango na si Drei. “All right.”             Naglinis muna ako ng buong bahay bago kami umalis ni Drei. Nagpaalam na ako sa kaniya na may pupuntahan lang ako. Inisip niya siguro na magsisimula na akong maghanap ng trabaho. Unahin ko lang muna `yong kay Drei bago `yong sa paghahanap. Naaawa na rin ako sa kanya dahil alam kong gusto niya na rin malaman kung ano’ng nangyari sa katawan niya pagkatapos niyang maaksidente.             “Hello, Zara!”             Kasing taas `yong sikat ng araw `yong boses ni Miriam. Mabuti na lang, naalala ko. Hindi ko rin naman kasi siya pinansin pagkatapos niya akong hulaan. Wala naman talaga sa hinagap ko na magkakatotoo `yong sinabi niya.             “Hello, Drei!”             Nanlaki `yong mga mata namin ni Drei. May third eye pala siya?             Kumunot `yong noo ni Miriam. “Ano’ng nakakagulat do’n?”             “Ano ba talaga `yong trabaho mo bukod sa panghuhula?”             “Nakakakita ako ng spiritu. May third eye ako.”             Tumango ako pero nakakapangilabot. No’ng una, hindi pa pumapasok sa isip ko `yong realidad na multo si Drei. Pero ngayong nakakausap ko si Miriam na may ganito ring klaseng abilidad, doon na tumatayo `yong balahibo ko na hindi na normal `yong nangyayari sa `min.             “Sige, upo ka muna at marami tayong mapapagkuwentuhan. Hulaan ko. Kaya kayo pumunta rito kasi gusto n’yong malaman kung ano’ng nangyari sa katawan mo, ano?”             “She’s talkative,” komento ni Drei na nakakunot-noo. Napatingin lang kami kay Miriam na lumakas `yong tawa pagkabanggit ni Drei no’n.             “Pasensya na. Ang tahimik naman kasi rito sa lugar ko! `Tsaka, ang tahimik din niyang si Zara. Kaya kailangan kong dumadaldal para naman hindi masyadong boring `yong mga sasabihin ko.”             Dinamay pa `ko.             “Siya, tama ako ng hula, ano?” Tumango ako. “May alam ka ba kung ano’ng nangyari kay Drei.” “Sandali.” Tumungo siya ro’n sa mesa niya na may nakapatong na bolang kristal. May silbi pala `yun? Akala ko naman, display lang. “Hoy, grabe! May silbi talaga `to, ano?” Nanlamig `yong mukha ko no’ng sinabi `yon ni Miriam. Pati isip ko, nababasa niya? “Ayun!” sabi niya pagkatapos niyang sumilip sa kung ano mang pinapakita no’ng bagay na `yun. “Actually, hindi masyadong malinaw `yong pinakita. Pero na-se-sense ko na no’ng mga oras na `yun, parang may balak ka yatang mag-propose?” “Really? That’s why I’m wearing this?” Nagtaas bigla ng palad si Miriam. “Sandali lang. Walang Ingles-an dito. Mahina ako diyan.” “Oh.” Tumango si Drei. “`Yon ba `yung reason kaya ako… nakasuot nito?” “Siguro.” Nagkibit-balikat si Miriam. “May hawak ka pang lagayan ng singsing.” Tinignan ko si Drei sa gilid ko. Halatang pilit niyang inaalala `yong nangyari sa kanya noon. Ang suwerte ng babaeng napili niya. Maingay siya, oo, pero ramdam mo kung gaano siya ka-sincere… “At ayun, naaksidente siya. Grabe pala `yung tama ng sasakyan mo sa puno. Ang lakas ng pagkakabangga.” “Do you know kung sino ako dati? Kahit glimpse lang?” “Glimpse as in silip?” tumango si Drei. “Tignan natin kung ano `yung ilalabas ng kristal.” Pumunta ulit si Miriam sa kristal at sinilip `yong kung ano man `yong pinapakita noon. “She’s good.” Nag-angat ako ng tingin kay Drei. “I hope she can give us enough answers.” “May naalala ka ba?” “Not too clear. It’s kinda blurry, but I’ll try to see my past.” “Okay!” ang hyper talaga nito. “May nakikita ako. Nakapang-business attire ka, `tapos nakikipag-usap ka sa tao. `Yun lang `yong nakikita ko sa `yo.” “Buhay pa ba `ko?” Tahimik ko siyang tinignan habang tinatanong `yun. Nabosesan ko `yung takot sa kaniya. Paano nga kaya kung hindi na siya---ayoko sanang isipin dahil sayang `yong buhay niya. Marami pa siyang tulong na puwedeng ibigay sa iba. Sumilip ulit si Miriam doon. “Ayon sa kristal, natutulog `yong katawan mo sa isang hospital.” Parehong nanlaki `yong mga mata namin. “Pero `di ko `to alam kung saan.” “It’s okay,” sumaya na `yong boses niya. “The fact that my body is still here? That’s okay.” “Sandali,” sumingit na ako. “Natutulog? Na-coma siya?” “Siguro?” alanganing sagot ni Miriam. “Tingin ko, kailangan n’yo na ring bilisan. Baka kasi, mag-desisyon `yong pamilya mo na tanggalan ka ng suporta para magtagal pa. Kaya siguro, `yan din `yong dahilan kung bakit naliligaw `yong kaluluwa mo. “Pasensya na, ha. Sana, makatulong `yong impormasyon ko sa inyo. Kahit na manghuhula ako, hindi lahat ng detalye, masasabi ko dahil nakadepende lang din ako sa sinasabi ng baraha at ng kristal.” “It’s fine.” Ngumiti si Drei. “Magagamit na namin `yan, I think.” “Hindi namin alam kung may napabalita ba rito sa San Antonio na may naaksidente do’n sa gubat.” “Sandali! Naalala ko. Si Aling Martha, may sinabi siya na may naaksidente raw rito. Hindi ko lang alam kung `yan nga `yong tinutukoy niya, ha?” Nagkangitian na kami ni Drei dahil sa impormasyon na binigay niya. “Salamat.” “Good luck sa inyo! Ah, Zara, puwede ba tayong mag-usap? Solo?” Nagkatinginan kami ni Drei. Tinanguan niya ako pagkatapos. “I’ll go.” No’ng naramdaman namin na wala na `yong presensya ni Drei, kinuha kaagad ni Miriam `yong dalawang palad ko. Nagtaka na ako dahil pinisil niya iyon. “Mag-ingat ka, Zara.” Nagtaas na ako ng kilay. “Sa’n?” “Alam nating pareho na may sariling buhay si Drei… kapag bumalik na `yong kaluluwa niya sa katawan niya, malaki `yong tsansa na makakalimutan niya lahat ng naganap dito sa San Antonio.” Napaawang `yong labi ko at hindi makapagsalita sa sinabi niya. Malungkot siyang napangiti. “`Di ko `to masabi kanina kasi ayoko naman na makasira sa inyo. Magkaibigan na kayo.” “Hindi kami magkaibigan.” Tinawanan niya ako. “Mabait si Drei. Masasabi ko na may sinabi siya dahil sa mga nakita ko sa kristal. Para siyang anak ng isang mayaman na tao?” Nanuyo `yong lalamunan ko. “Hindi lang kayo `yong nakilala ko na may ganitong senaryo… ang totoo, buhay na buhay man `tong bayan ng San Antonio, may mga bagay na nangyayari rito na hindi maipaliwanag ng isang normal na tao.” Huminga siya nang malalim at ngumiti. “Protektahan mo `to.” Napakurap na ako no’ng tinuro niya `yong dibdib ko. Mabilis kong tinabig iyon. “Wala naman akong kailangang protektahan. Maayos naman kami ni Drei.” “Na hindi mo rin masasabi kung hanggang kailan.” Nginitian niya ako. “Siguro nga, magkaibigan kayo… pero hindi mo masasabi sa mga susunod na araw---” “May nakikita ka ba sa `ming dalawa?” nagtaas na ako ng kilay dahil hindi ko na gusto kung ano man `yong lumalabas sa bibig niya. Diretso niya akong tinitigan sa mga mata. “Oo… at nakikita ko kung ano’ng mangyayari sa inyo kapag natapos n’yo na `to.” “Kung gano’n, sabihin mo na, para matapos na `to.” Ayoko sa lahat, `yong ginagawa pang misteryoso lahat nang `to kung puwede namang sabihin sa `kin kaagad. Inilingan niya ako. “Kapag sinabi ko sa `yo, babaguhin mo lahat nang nangyari, malamang. `Di ko puwedeng gawin `yon. Kung ano `yong nakatakda, dapat `yon `yung mangyari.” Nakakapikon. Sasabihin niyang proprotektahan ko `yung sarili ko--- “Kaya nga sinasabi ko sa `yo para hindi ka masaktan masyado.” Nagtaas na naman ako ng kilay. “Ano ba `yong gusto mong sabihin? Na magkakagusto ako sa kaniya?” Wala siyang sinabi. Nginitian niya lang ako. Medyo natawa na ako. “Malabo naman `yang iniisip mo. `Di mangyayari `yon.” Tumayo na ako. “Salamat sa abiso mo, pero wala akong planong magkagusto sa kaniya. Bukod sa sitwasyon niya, wala sa listahan ko `yong magkagusto sa kahit kanino. Tao man siya o multo.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD