Chapter 5

3428 Words
 Chapter 5… Chapter 5 Name “I just knew that my name is Andrei and I’m usually called as Drei. That’s all I got after I woke up.”             Pilitin mang i-proseso ng isip ko `yung sinasabi niya, para pa rin akong lumulutang at hindi pumapasok `yong mga paliwanag siya sa `kin sa isip ko.             Napahinga ako nang malalim. “Ano’ng ginawa mo pagkatapos mong magising?”             “I looked around, trying to know if I saved myself from dying. I was happy back then because I thought I was… but when I was trying to touch the steering wheel…” may biglang kilabot na nakita ako sa mga mata niya pagkatapos niyang pumikit. “… my hand… it just penetrated.”             Ayokong maglabas ng reaksyon kahit na gusto kong maawa sa kaniya. Hindi ko kayang paniwalaan ang nagaganap ngayon. Ang kausap ko… ang nakikita ko… hindi siya totoo?             Huminga siya nang malalim. “I tried to ask for help… but whenever I always do it, people can’t see me… it was so f*****g hard.”dumirekta `yong mga mata niya sa `kin bago napangiti nang maliit. “I was losing hope. My cards were about to lose… not until you came. I’m happy because you can see me. Akala ko, wala nang pag-asa. So---”             “Tama na.” tumayo na ako. Sinadya ko siyang hindi tingnan. Ayokong maawa. Wala sa akin ang dapat kaawaan siya. “Ano ba’ng kailangan mo sa `kin?” Mabuti na lang kami lang `yong nag-uusap… walang gano’ng tao ngayon sa park. Medyo kinakabahan ako dahil aabutan na ako sa oras na pinagbigyan nila ako… bahala na. Kung makakarinig man ako, pikit-mata ko na lang sasaluhin. `Yong problema ng lalakeng `to… kailangan ng masinsinang usapan. At hindi ito puwedeng pagbukasin dahil alam kong marami siyang sasabihin. Kailangan ko siyang pakinggan ngayon din.             Napansin ko na hindi niya ako masagot. Nakakaramdam na `ko ng inis kasi halata naman. Halata naman kung ano’ng kailangan niya sa `kin kaya niya ako nilalapitan. “Kung gano’n, nilapitan mo lang ako, dahil may kailangan ka, tama?” tumango ako kahit na iniilingan niya ako. “Ang galing mo… kailangan mo `ko para ma-resolba `yang problema mo. Kaya tyinatiyaga mo `ko kahit na alam mo naman na wala akong kuwenta.” “That’s not true!” nanlaki `yong mga mata niya. Huminga siya nang malalim pagkatapos. “That’s not my intention.” “H’wag na tayong maglokohan. Alam naman nating dalawa kung ano’ng kailangan mo.” Tinignan ko `yung sirang orasan ko. Late na ako ng twenty minutes. “Uuwi na ako.” Naririnig ko siyang sinisigaw `yong pangalan ko, pero nagbingi-bingihan ako. Marami na akong problema sa buhay… ayoko na siyang idagdag pa sa mga pinoproblema ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko no’ng umuwi na ako sa bahay. Hinanda ko na `yong sarili ko sa maaari niyang sabihin sa `kin. “Bakit nahuli ka?!” sigaw niya sa `kin pagkapasok ko sa loob. Dapat sa mga oras na `to, kinikilabutan na ako sa takot… pero gusto kong magulat sa sarili ko dahil wala akong ibang maramdaman kundi wala lang. Nagtungo lang ako ng ulo. Nakakapagtaka talaga na imbes dapat matakot ako at tumaas ang balahibo ko, parang wala lang lahat nang iyon… “Tinatanong kita! Sabi ko, sa’n ka naglamyerda at ngayon ka lang?” Kinagat ko agad `yong ibabang labi ko. “Natagalan po si father.” Kinagat ko `yong ibabang labi ko. “Kaya po `ko natagalan.” Gusto ko na lang pumikit nang mariin dahil nandamay pa `ko ng walang ginagawang masama. “Punyeta, sana hindi ka na um-attend ng misa!” Kataka-taka, dahil sa buong sandali na nagsalita siya nang nagsalita, hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Siguro, dahil pagod siya? Matagal ba siyang nakipag-usap sa mga amigas niya… na mga kaibigan din naman ni mama noon? Dumiretso na lang ako sa basement para makapagpalit ng damit at maghanda na ng hapunan sa kanila, pero habang gumagawa ako ng gawaing-bahay, hindi maalis sa isip ko `yung mga sinabi sa `kin ni Drei. Bakit kasi sa lahat ng tao, ako pa? Bakit kailangan na ako pa `yung makakita sa kaniya? Pagkatapos kong marinig sa kaniya `yun, parang gusto na lang lumabas ng puso ko sa lakas ng kabog no’n, kasi sa buong panahon na magkasama kami, hindi ko akalain na multo pala siya… na kaya pala gano’n `yong reaksyon no’ng dalawang tao na narinig kong nag-uusap no’ng kumakain kami. Kaya pala, hindi ko makita `yong repleksyon niya sa salamin tuwing magkasama kami. Na `yong anino niya… napapikit na naman ako sa mga naiisip ko. Nanlamig ako. At kung tama `yong hinala ko… sinusundan ako ng kaluluwa niya hanggang dito sa bahay. Siya talaga `yong nagsasalita tuwing pinapagalitan nila ako. Na akala ko lang, pagod ako dahil pamilyar na pamilyar ako sa boses na nagsasalita. Halos masuka na ako sa takot. Pero dapat ko nga ba siyang katakutan? Dapat ko na nga ba siyang iwasan? Dapat ko na siyang layuan. Hindi ko alam. At ayokong sagutin dahil pagod ako. Kinabukasan, wala silang lahat. Pumasok sina Zelle sa trabahoi samantlang lumuwas naman siya papuntang bayan dahil may bibilhin daw siya. Kaya buong araw, nasa bahay lang ako. Kaso habang naglilinis ako, siya na naman `yong laman ng isip ko---nakakairita. Bakit ako ang pinaka-apektado rito? Sandali ko lang naman siya nakilala… pero bakit ako pa `yong problemado? Ayokong pakialaman `yong problema niya dahil sa kaniya naman `yon… kaso sa tuwing naalala ko kung gaano siya kalungkot at kawalang pag-asa habang nilalahad sa akin `yong problema niya… para akong hinihila papunta sa kaniya. Wala akong balak na tulungan siya. Kaso, magagawa ko ba `yun? Na kung tutuusin, simula nang makilala ko siya, wala na siyang ginawa kundi ang tulungan ako? Paano kung ginagawa niya lang `yon para mapilitan akong tulungan siya? Do’n ko lang napansin na nalinis ko na `yong buong bahay… mas lalo lang akong nakaramdam ng inis dahil alam kong iisipin ko pa siya. Bumalik na lang ako sa basement para matulog. Kaso… hindi niya ba ako papatahimikin kahit sa panaginip ko? Hanggang doon, susundan niya pa `ko? Ugh! Inis akong napabangon. Pinakiramdaman ko kung nandito siya sa paligid. Mukha namang wala, kaya binilisan ko lang `yong pagkain ko `tapos lumabas na ako ng bahay. Inorasan ko lang `yong sarili ko dahil alam kong babalik siya pagkatapos ng isang oras. Isang oras… kailangang maipaliwanag na niya `yong sarili niya ng isang oras. Hinanap ko siya sa simbahan, pero nagtaka ako kasi wala siya ro’n. Kung kailan naman. Saan siya gagawi? Patuloy ko siyang hinanap sa buong lugar na `yon. Wala naman siyang ibang puwedeng puntahan maliban dito. Napansin ko na `yon. Safe place na niya yata rito. Na-frustrate na ako dahil pagkatapos ng sampung minutong paghahanap, hindi ko pa rin siya makita. Nasa’n na siya--- “Looking for me?” Awtomatiko akong napahawak sa dibdib ko pagkaharap ko sa kaniya. Naro’n `yong ngisi sa labi niya. `Yong ngisi na nakakairita at ang sarap burahin dahil ang saya pa niya yata dahil hinahanap ko siya. Tumikhim ako. “Hindi.” Natawa siya sa sagot ko. “Got to visit the place of the accident… the wreck car was still there.” Ang galing din niyang magtago… dinadaan na lang niya sa pagngisi ang lahat para hindi ko mahalata kung ga’no siya kalungkot habang tinitignan `yong pinangyarihan ng pagka-aksidente niya. “Never thought you’d pay me a visit.” Tumikhim na naman ako. “Dumaan lang ako,” sinabi ko na lang `yong pinakaligtas na puwedeng masabi. Ayokong mag-isip siya na sinadya ko siyang puntahan rito. “So…” napakamot siya sa batok niya. “… let me take this opportunity to say my apology for you… for lying on you---” “Na multo ka?” Alanganin na siyang ngumiti. Maski yata siya, hindi rin mailagay sa tamang salita `yong sitwasyon niya. “Alam mong marami na akong problema sa buhay.” Hindi siya nagsalita. “Aminin mo… madalas ka ba sa bahay?” Hindi na ako nagulat no’ng tumango siya. Ba’t pa? Halata naman. “I cannot stand what your family do to you always.” “Pamilya ko sila.” Tumango siya. “Yes… but a family should always promote love in the house, not violence and hatred. Both do not equate love. It shouldn’t be normalized.” Marami na pala siyang alam. Mahirap siguro sa kaniya na manatiling tahimik sa sitwasyon ko. “I know you don’t want someone to interfere your life… because it’s your comfort zone. But I can’t just also turn a blind eye on what’s happening on your life, Zara…” Nag-iwas ako ng tingin. “H’wag na natin `yon pag-usapan.” Tumikhim ako. “Right,” sabi niya pagkatapos niya akong sandaling pagmasdan. Hinarap ko na siya. “Sabihin mo sa `kin `yong kung ano’ng nangyari sa `yo.” Tinignan ko `yung orasan ko. “May thirty minutes ka para mag-explain.” Akala ko, seseryosohin niya `ko, pero tinawanan niya lang ako. Kinunutan ko siya ng noo. Mukha ba `kong nagbibiro? Sumeryoso na `yong mukha niya no’ng nakita niya siguro na `di ako nakikipag-biruan sa kaniya. “Can we sit down first before we can have a serious talk?” Tumango ako. Pinili naming umupo ro’n sa plant box ng simbahan. Sarado `yung simbahan tuwing weekdays… na hindi ko rin alam kung bakit kailangang isara `yong simbahan sa publiko kapag walang misa. Hindi ba, dapat, bukas ang tahanan ng Panginoon anumang araw sa mga tao? Nakatanaw lang siya sa paligid. Hindi agad siya nagsasalita dahil siguro, nag-iisip pa siya ng tamang mga salita para ipaliwanag sa `kin `yong weirdong buhay niya kaya naghintay lang ako. Tinitimbang ko rin naman kung kaya niya bang magkuwento. Ayokong pilitin siya kung ayaw niya. “I actually don’t know how I got myself into this. I only woke up, seeing myself full of blood around my head and a lot of scars, feeling numb because I wasn’t able to feel the pain anymore.” Humugot siya nang malalim na hininga. “Couldn’t actually remember any single thing, except for my identity. My past life? No traces of anything when I tried to rack my brain. I was clueless with my life. A lot of questions were running inside of me like why was I wearing this f*****g suit?” “Baka may a-attend-an kang kasal? O baka, ikakasal ka?” Natawa siya. “What a worst ending. I haven’t even seen my bride.” Kita ko `yung lungkot sa mga mata niya. Ang hirap nga sa sitwasyon niya dahil wala siyang maalala. Hindi niya alam kung paano at saan magsisimula. Ang masama, hindi rin malaman kung buhay o patay na siya ngayon. “Tingin mo, buhay ka pa?” “I don’t know also. I don’t even know where my body is. That is also one of those things I’m wondering about till now.”  “Pa’no ka nakarating dito sa simbahan?” “I just roamed endlessly. Didn’t know where my foot would bring me. I’d still remember how I crazily asked people for their help. Hindi nga pala nila `ko nakikita. I didn’t get tired at first. Until I got exhausted and I went here.” Mabigat siyang napabuntong-hininga. “I asked people going here if they were able to see me, but I got nothing. Until… I met you, after weeks of finding.” “Kaya ka ba mabait sa `kin kasi alam mong ako ang alas mo?” “I told you, I’m not.” Diretso niya akong tinignan sa mga mata ko. “The first time I saw you, I got…” may maliit na ngiti na lumitaw sa mukha niya. “… I got enjoyed with your company. You’re frank and silent, but when I got a chance to know you more? You have made me amazed with your kindness. Kahit na alam mong inaayawan ka na nila.” Parang nanuyo `yong labi ko sa lalim ng titig niya… iyon `yung unang pagkakataon na may naglakas-loob na tumingin sa akin nang gano’n. Madalas akong sabihan ng mga tao na masungit ako at wala akong buhay dahil ang seryoso ko at madalas, hindi palangiti. Kaya rin walang nagtatangka sa `kin. Pero siya… Nagtikhim ako. “Akala mo lang `yun.” Mahina siyang natawa. “You’re welcome.” Pagkatapos, huminga siya nang malalim. “Is it okay if I’m gonna ask you?” tumango ako. “Aren’t you scared of me… now?” “Takot.” Napatango siya. Ang lungkot na ng ngiti niya. “As expected.” “Hindi mo naman maasahan sa `kin na matatanggap ko lahat nang nangyayari sa `yo. Ni hindi ko nga alam na may third eye pala ako.” “You have, Zara.” Napatingin na ako sa kaniya. “Maybe I got it triggered, but I could sense that you have that ability since you’re a kid.” Nakatitig lang ako sa kawalan dahil hindi ko alam `yong sasabihin ko. Ang hirap namang isipin lahat nang `to sa isang araw lang. “Kung may third eye ako, sana, nakikita ko si mama.” Nag-angat ako ng tingin. “Para masusumbat ko sa kaniya `yong matagal ko nang gustong sabihin sa kaniya.”  Walang nagdugtong sa `ming dalawa sa sinabi ko. Parehas pala kami ng pinagdaraanan ngayon. Ako, na nawalan ng ina, at siya? Nawala lahat ng buhay niya sa isang iglap. Pa’no kaya namin malalagpasan `to?             “`Tapos na `yung thirty minutes,” sabi ko sa kaniya pagkatayo ko. Sumilip pa `ko sa orasan ko.             Napatitig siya sa `kin. “So… are we okay now?”             Hindi ko siya nasagot dahil nagsisimula na `kong maglakad. No’ng napansin kong hindi siya gumagalaw sa kinauupuan niya, inirapan ko na siya. Nagtaas na ako ng kilay. “Wala ka namang balak na magpatanda diyan?”             Nanlaki `yong mga mata niya at natulala. Umirap ulit ako at nagdiretsong maglakad. Ang dami ko nang problema. At ngayon, tumanggap pa ako ng isang malaking problema… hindi na yata ako mauubusan.             Tahimik kaming pareho na nakarating sa bahay. Sinabi ko muna sa kaniya na manatili sa basement dahil aasikasuhin ko sila. Mabuti naman at nakinig siya.             “Zara.” Napalingon ako kay papa no’ng tumigil siya sa pagkain niya ng hapunan. Nakatayo lang ako sa gilid habang salo-salo silang tatlo sa hapag.             “Po?”             “Kailan ka ba maghahanap ng trabaho?” Napatingin sila sa aking lahat. Pakiramdam ko, masusuka ako sa mapanghusgang titig nila. “Itigil mo nga `yang pinag-iisip mo, Zakarias,” pagsingit niya. “Ano nama’ng akala mo? Makakahanap `yang anak mo ng trabaho? Eh, wala ngang pinagtapusan `yan.” “Kesa naman na tambay siya rito. Pampabigat lang siya sa gastos.” “Maigi na `yon kesa sa walang gumagalaw sa bahay. Dapat lang diyan sa anak mong bobo, dito lang sa bahay.” Pinagmasdan ko na lang silang nagtatalo. Kahit saan naman ako makinig, alam ko naman na iisa lang sila ng tingin sa akin. Wala akong kuwenta. “You’re not.” Nanlaki `yong mga mata ko no’ng narinig ko `yung boses niya. Napabaling ako nang mabilis kay Drei na nasa gilid ko na ngayon. Ano’ng ginagawa niya rito?! Palihim ko siyang pinandilatan pero hindi niya ako pinapansin! “Your family? Is not a good foundation of a family.” Gusto ko sana siyang sabihin na manahimik, pero naalala ko nga pala na bawal akong magsalita. “They always love to drag you down.” Tumingin sa akin si Drei. “And above of it, they always love to make you feel unworthy of yourself.” Napakapit ako sa palda ko. Nag-init kaagad `yong sulok ng mga mata ko. Balak niya ba `kong paiyakin dito? “Ligpitin mo na nga `yong mga plato,” utos ni papa kaya naurong `yong pagluha ko. Mabilis kong niligpit `yong mga plato para makapaghugas na ako. At para tumigil na rin `yong pagsunod sa `kin na parang aso ni Drei. “If only I was able to touch everything…” Napalingon ako kay Drei na ang lalim ng pagbuntong-hininga. Hindi ko alam kung bakit ako nahawa sa pagiging malungkot niya kaya nagsalita na ako, “Malalaman din natin `yang nangyari sa `yo.“ Tumingala na siya sa akin, halatang nagulat. “Maghintay ka saglit…hahanap din tayo ng solusyon sa problema mo.” “To whom are you talking?” Nanlaki `yong mga mata ko sa pagsulpot ni Zelle na nakataas pa `yong mga kilay. Mabilis akong napailing at naghugas na ng mga plato. “You creep. I heard you talking to someone else, gosh.” Kinagat ko `yung labi ko at huminga nang malalim. Kung may isang bagay akong natutunan sa pagtagal kong pakikisama sa kanila, iyon ay `yung kailangan kong habaan `yong pasensya ko. “Back-off!” inirapan pa niya ako. Sinunod ko `yong sinabi niya. Agad-agad, lumayo ako. Ramdam ko `yung titig niya sa `kin na parang inuusig niya ako. Panay lang `yong paghinga ko nang malalim. Wala siyang mapapala sa `kin na kahit na ano. Pagkatapos kong maghugas, dumiretso na ako sa basement. Kanina, hindi siya nagsasalita. Hindi ako sanay. Pakiramdam ko, inoobserbahan niya ako sa malayo at ano mang oras, may masasabi siya sa `kin. “Why are you letting them?” nakakunot `yong noo ni Drei. Nilagpasan ko lang siya at dumiretso na ako sa kama ko. Bago ko pa ipikit `yong mga mata ko, hinanap ko `yung pamaypay ko dahil mainit. Hindi na siya nagsasalita, pero ramdam ko `yung mata niya na nagmamatiyag sa akin. Napabuga na lang ako ng hangin. “Drei, tutulungan kita kung sa tingin mo, ako `yung makatutulong sa `yo, pero pakiusap lang.” seryoso ko siyang tinignan. “H’wag mong pakialaman `yong buhay ko.” “I’m sorry if you think I’m starting to getting into your life… but like what I’ve said, I can’t just turn a blind eye here, Zara.” “Sila na lang kasi `yong meron ako, Drei.” Ramdam ko `yung panunubig ng mga mata ko. “Kapag wala sila, hindi ko na alam kung ano `yung mangyayari sa `kin.” Kita ko `yung mga mata niya. Naawa siya sa `kin. Hindi ko rin siya masisi. Nakakaawa kasi talaga ako. Napangiti ako. “Tama naman sila… bobo ako at tanga.” Pinagmasdan ko siyang lumalapit sa `kin. Napansin ko na kaagad na hindi siya humahakbang kundi lumulutang. Hindi na ako nagulat. Nakita ko na rin naman `yan dati pa. Umupo siya sa harapan ko, nilebel `yong mukha sa `kin. Bumuntong-hininga si Drei. “I know you don’t want me interfering with your life, but I’m gonna make a life mission that I’ll make you feel of your worth…” “Hindi mo naman kailangang gawin `yun. Magsasayang ka lang ng oras.” Tinawanan niya lang ako. “Don’t be pessimistic.” Tumayo na siya at nginitian ako. “Alright! Let’s start this make-over!” “Wala ka namang kailangang i-make-up sa `kin. Marunong ka ba?” Nginisihan niya ako. “Silly. What I mean is, make-over. Of your behavior. I may not be able to change your attitude, but at least, I can change your behavior on how you view things.” Hindi ko alam kung ano’ng gusto niyang mangyari sa buhay ko. Nagkibit-balikat na lang ako. Bahala siya. Tinignan ko lang siya habang pinapahiga niya ako sa banig at siya pa `yong nag-angat ng kumot ko. “Are you gonna find a job?” Nagtaas ako ng tingin. “Gusto ni papa.” “Pero ano’ng gusto mo?” Natulala ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano’ng gusto kong mangyari sa buhay ko. Wala akong plano… dahil matagal ko nang tinanggalan ng plano ang sarili ko. Alam kong ibibigay ko `yung buong buhay ko sa kanila. Ngumiti lang siya no’ng napansin niya siguro na wala akong maisagot. “Don’t need to pressure yourself to answer me. You can now sleep.” “Sa’n ka naman?” “Why? Are you gonna miss me?” Inirapan ko siya sa pang-aasar niya. Kung minsan, ang lakas din ng kumpiyansa ng lalakeng `to. Nakakairita. Tumawa siya nang mahina. “I’ll be staying here with you. If you’re gonna allow me.” Tumingin ako sa kaniya nang matagal bago tumango. Kahit na madilim itong basement, nakita ko `yung paglitaw ng maliit na ngiti sa labi niya. “Alright. I’m always here beside with you starting from hereon.” Tinaas niya `yong kumot na nakabalot sa katawan ko at pinantay sa leeg ko. “Sleep tight, miss poker face.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD