NAGULAT si Mang Nilo nang bigla na lamang may kumausap sa kanya. Nagiging nerbyoso na yata siya nitong mga nakaraang linggo. "Kayo po pala yan Sir Arwin," wika niyang nakahawak sa kanyang dibdib dahil sa nerbiyos. Paano ba naman kasi ang lalim ng kanyang iniisip pagkatapos ay bigla na lamang itong sumulpot sa kanyang harapan. "Natakot ba kita?" tanong sa kanya ng amo niya. "Bawasan niyo po kasi ang pagkakape," wika pa nitong tumatawa kaya natawa na rin siya. "Kumusta ang pakiramdam mo? Sabi sa akin Dyna ay may trangkaso ka raw. Kung masama ang pakiramdam mo ay magpahinga ka na muna. Gusto mo bang dalhin kita sa hospital para makapagpatingin ka?" "Hay naku sir, okay lang ako, naambunan kasi ako nang isang araw kaya siguro nagkatrangkaso pero huwag na po kayong mag-alala dahil okay lang p

