NAPAILING na lamang si Hendrix sa ginawang pag-amin sa kanya ni Arwin. Hindi niya naman akalain na aamin ito kaya nabigla rin sya sa ginawang pag-amin sa kanya ng kaibigan. Simula pa nga lang ay tama na ang kanyang himala, may gusto talaga ito kay Dyna. Aminado siyang hindi mahirap mahalin ang babae. Hindi lamang kasi sa maganda ito kundi napapansin nya rin ang mabuting loob ni Dyna. Hindi ito mukhang pera gaya ng mga isinusumbat ni Arwin sa babae…Hindi niya pa naman ganun kakilala si Dyna ay malapit na ang puso niya rito. Lahat ng sinasabi sa kanya ng babae ay kanyang pinaniniwalaan. Kilala niya si Arwin. Alam niya na pagdating sa babae ay malupit ito—- wala itong pinapatawad. Ang totoo ay kaliwa't kanan na ang mga babae nito sa Maynila at alam niyang pinagsasabay-sabay nito…Hindi siya ka

