PAGPASOK niya ng kwarto ay nakita niya si Dyna na may sinusulat. May study table naman sa kanilang kwarto kung kaya hindi ito nahihirapan. Tumikhim siya upang agawin ang pansin nito. “Anong ginagawa mo?” tanong niya kunwari. Umupo siya sa kama malapit dito. “Pasensya ka na kay Hendrix. Madaldal talaga yang kaibigan ko,” dagdag niya pa. Naalarma siya sa sinabi ng kaibigan niya kanina. Hindi niya gusto ang ideya nito. Paano nga kung magkagusto si Dyna kay Hendrix? Anong gagawin niya? Papayag nga ba siyang pakawalan ang babae. “Assignment,” sagot sa kanya ni Dyna. Umikot ito upang tingnan siya. Napatitig siya sa mukha ng babae. Napakaganda nga naman nito at tama si Hendrix, mestisa si Dyna. “Bakit ayaw mong sagutin ko ang tanong ng kaibigan mo?” tanong pa nito sa kanya. “Ayaw mo bang mapah

