CHAPTER THIRTY-FIVE NAPANGITI na lamang si Arwin habang pauwi sila ng bahay ni Dyna. Masaya siya dahil alam niyang magbabayad si Mr. Ocampo sa kapangahasan nito. Akala siguro nito ay simpleng suntok lang ang kanyang ganti. Gusto niyang maging bangungot sa buhay ni Ocampo ang kanyang ginawa para hindi na ito umulit pa. “Kung nakita mo lang sana ang reaksyon ng asawa niya. She was extremely dismayed by her husband's actions. Akala mo ay kung sinong matinong guro pero sa kabila ng kanyang magandang imahe ay ang nabubulok niyang pagkatao,” wika niya pa kay Dyna. “Hindi ba masyadong sobra naman ang ginawa natin? Baka magkasira pa ang relasyon nila dahil sa akin?” “Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan kung manyakis ang kanyang asawa. Kapag hindi mo binigyan ng leksyon ang taong yun ay pw

