HINDI MAPIGILANG hindi magalit ni Fidel sa mayabang na si Arwin Española. Kilala siyang si Fidel Ocampo at magaling na guro sa buong San Nicolas at ngayon ito siya at nanganganib na mawalan ng lisensya dahil sa Dyna na yun. Sa babaeng bayaran. f**k that woman! Bugbog sarado siya ngayon dahil si Dyna na yun. Hindi niya tuloy alam kung paano siya uuwi. Kung paano niya ipapaliwanag sa kanyang asawa ang nangyari sa kanya. "Nasaan daw ang cellphone ni Dyna?" untag sa kanya ng lalaking kasama niya sa sasakyan. Hindi niya ito kilala at hindi niya rin ito nakikita sa San Nicolas. Sa tingin niya ay taga Maynila ito. "Nasa opisina ko. Ibibigay ko nalang bukas kay Dyna," sagot niya. "Nakalimutan mo yata na bawal kang lumapit sa kanya?" paalala pa nito. "Ipapahatid ko nalang sa kanya." "Dapat la

