ALALANG-ALALA si Dyna nang umalis si Arwin na hindi nagpaalam sa kanya. Tiyak niyang susugurin nito si Mr. Ocampo. Ayaw niya naman na mapahamak pa ito dahil sa kanya, baka mamaya ay ito pa ang masaktan. Hindi tuloy niya magawang kumain dahil sa labis na pag-aalala. Akala niya ng aminin niya ang totoo rito ay hindi ito maniniwala pero hindi dahil pinaniwalaan siya ng asawa kaya ang galit niya rito kanina ay tuluyang naglaho. Bigla ay isa itong asawa sa kanya na handa siyang ipagtanggol. "Sumagot na ba?" tanong niya kay Hendrix na panay ang tawag kay Arwin. Hindi niya naman kasi ito matawagan dahil wala siyang cellphone. Hindi niya lubos akalain na saagutin ni Mr. Ocampo ang tawag ni Arwin kaya wala nang dahilan pa para itago niya ang totoong ginawa sa kanya. Hindi niya naman hiniling na pr

