HINDI inaasahang panauhin ang naging bisita ni Margarett nang araw na iyon. Nabigla pa siya nang makita itong naghihintay sa kanya sa sala ayon kay Yolly. Tulad ng kanyang inaasahan ay hindi umuwi si Arwin ng bahay kagabi at ngayon ay nandito sa harapan niya si Hendrix—--ang bestfriend ng kanyang apo. “Good morning lola,” nakangiting bati sa kanya ni Hendrix sabay lapit sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. Kilala niya naman ito pero hindi siya malapit sa pamilya ng kaibigan ni Arwin lalo na at kaaway ito ng kanyang negosyo. Nakaaway ng kanyang negosyo ay kaaway nya rin. “Himala yata at hindi mo kasama si Arwin? Nasaan siya? Hindi mo ba kasama kagabi o baka naman inutusan ka niyang pumunta rito?” tanong niya kahit alam nya naman ang sagot. Pinagmasdan niya si Hendrix mula ulo hanggang

