HINDI INAASAHAN ni Dyna ang pagdating ng Lola ni Arwin sa kanilang bagong bahay. Ang alam niya ay wala itong kaalam-alam sa kanila bagong bahay sa Maynila pero bakit nasa harapan niya ang matanda? Nakataas ang kilay at may kasama pang isang babae sa likuran nito. Sa tingin niya ay isang tauhan lamang ang babaeng kasama nito na may edad na rin. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya malaman ang gagawin. Si Arwin ay nasa itaas pa rin at naliligo. Wala rin itong kaalam-alam sa pagdating ng lola nito. Hindi pa naman siya nakakapagsalita ay isang malakas na sampal na kaagad ang sumalubong sa kanya. Pakiramdam niya ay nabingi siya sa lakas. Hindi niya magawang lumaban sa matanda dahil lola pa rin ito ng kanyang asawa. Sapo niya ang nasaktang pisngi at humarap pa rin sa matanda. “Ang

