Nakabantay lamang siya sa kanyang lola hanggang sa ito ay nagising. Hindi sya makapag-isip ng matino dahil sa labis na pag-aalala, hindi niya rin magawang matawagan si Dyma dahil nakalimutan niya ang kanyang cellphone kanina. Isa pa hindi rin naman niya alam ang sasabihin sa asawa. Kaagad niyang ginawa ka ng kamay ng kanyang Lola nang magising ito. Si Yolly ay pinauwi niya na lang muna upang kumuha ng mga kakailanganin nila sa ospital. Siguro uuwi lamang siya kapag okay na talaga ang lola niya. “How do you feel? You want me to call the doctor?” nag-aalala niyang tanong sa kanyang abuela. “Hindi pa naman siguro ako mamamatay,” sagot nitong may himig na naman ang galit sa kanya. Hindi niya na lamang pinansin ang sinabi nito. Alam niyang nabigla ito sa mga nangyayari at hindi pwedeng patul

