KUNG naririnig lang ni Dyna ang kanyang mga pinagsasabi ngayon tiyak na durog na durog ng puso nito. Hindi niya alam kung ano na ba talaga ang dapat niyang gawin. Nasasaktan siya sa kanyang ginagawa. Pakiramdam niya nga ay pinaparusahan niya ang sarili. Wala siyang choice. Kailangan malaman ng kanyang lola kung ano ang kanyang ginagawa at hindi niya aaminin dito na umiibig na nga sya kay Dyna. Iniisip niya palang na maghihiwalay sila ni Dyna ay nasasaktan na siya. Kailangan niyang mamili at isa lang ang dapat niyang piliin, yun ay ang kanyang lola kung ayaw niya na magulo ang magiging buhay ni Dyna. “Sa bahay mo patirahin si Dyna. Matatahimik lamang ako kapag alam kong nasa paligid ko lamang siya. Kung hindi ka niya pakakawalan ako ang gagawa ng paraan paraan para mawala siya sa buhay nat

