ALAM niyang nagulat si Dyna nang makita siya sa bahay nito. Akala yata nito ay babalik na siya Maynila dahil iyon ang gusto nito at Arwin. Bakit niya naman gagawin yun? Pagkakataon niya nang masolo ito lalo na at hindi pwedeng bumalik si Arwin ng San Nicolas. Abala siya sa pag-aayos ng bakod nito na nasira na nang lapitan siya ni Dyna. “Hendrix,” tawag sa kanya ng babae. “Hindi mo kailangan gawin yan,” wika pa nito sa kanya. Tiningnan niya ang babae habang nagpupunas ng pawis. “Wala namang ibang gagawa. Isa pa wala akong magawa, sayang naman ang oras ko kung tatambay lang ako at titingin sayo,” sagot niya pang inalos ang sirang kahoy. “Bumalik ka na ng Maynila. Masasayang lang talaga ang oras mo kung mananatili ka rito.” “At masasayang lang din ang laway mo sa kakasaway sa akin,” katw

