CHAPTER FIFTY-SIX

1140 Words

HINDI NGA NAGBIBIRO si Hendrix nang sabihin nito na babantayan siya nito. Nasa loob lamang ito ng kotse nito. Kahit anong pilit niyang umalis ito ay ayaw nito maliban na laman kung sasama siyang bumalik sa mansyon ni Arwin. “Ate Dyna? Bakit ayaw mong bumalik sa bahay ni Kuya Arwin at bakit si Kuya Hendrix ay ayaw pumasok sa bahay?” tanong sa kanya ni Dino. Nakatingin ito sa sasakyan ni Hendrix sa labas. Sigurado siyang pulutan na naman siya ng tsismis dahil ibang lalaki na naman ang nakikita ng mga ito sa kanyang bahay. “Hayaan mo siya. Gusto kong umuwi na siya sa kanila. Isa pa ayoko nang bumalik sa bahay ni Arwin. Magulo dun at nandun ang lola niya. Ayoko ng gulo kaya dito na lang tayo,” sagot niya naman. “Pero Ate Dyna panay po ang tawag sa akin ni Kuya Arwin. Gusto niyang bumalik t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD