NAGULAT si Dyna nang makita niya si Hendrix sa kanilang bahay. Hindi niya inaasaasahan na pupuntahan siya nito lalo na at ilang beses niya na ang pinagtatabuyan si Mang Nilo na bumalik na lamang sa mansyon, kahit pa anong pagpupumilit nitong bumalik na siya. Wala siyang dala na kahit ano. Si Dino ay kasama niya na ring bumalik sa kanilang munting tahanan. Mas tahimik naman ang kanilang buhay. Kahit papaano ay okay na rin ang kanilang bahay dahil napagawa na yun ni Bernard. Magtatrabaho na lamang siya upang magkaroon siya ng perang pantustos sa kanilang mga pangangailangan. Ayaw niyang umasa kay Arwin ngayon lalo na at kilala na siya ng lola nito. Kahit pa ilayo siya ni Arwin ay malalaman at malalaman din ng lola nito kung sino talaga siya. Maliit lamang ang San Nicolas para hindi nito mala

