MASAKIT ang ulo nang nagising si Arwin kinabukasan. Ayaw niya pa nga sanang bumangon dahil may hangover pa siya sa ginawa niyang pag-inom kagabi, kulang na lamang ay maubos niya ang stock niyang alak sa kanyang kwarto. Gusto niyang maging manhid kahit sandali lamang. Kung hindi lang talaga nagpumilit ang kanyang lola na gisingin siya ay hindi siya tatayo ng kama niya. Pilit siya nitong ginigising para kumain ng almusal which is unusual para sa kanya dahil madalas kasi kapag ayaw niyang bumangon ng kama ay hindi naman ito nagpupumilit isa pa sabado naman ngayon at wala siyang pasok. Pupungas-pungas na tumayo siya. Wala siyang nagawa kundi ang bumaba upang kumain ng almusal. Pagbaba niya ay nakahanda na ang mesa na maraming pagkain, kahit na maraming pagkain ang nakahain sa mesa ay tila si

