CHAPTER FIFTY-THREE

1324 Words

BITBIT ang kanyang baston ay pinuntahan ni Margarett si Nilo sa likuran ng bahay. Galit na galit siya. Panay ang tawag niya rito pero hindi naman siya sinasagot at alam niyang iniiwasan siya nito. “Nilo!” sigaw niya. Galit na galit siya sa paglilihim ni Arwin sa kanya at hindi niya kokonsentihin ang ginagawa nito. Nabigo na siya kay Rita at hindi niya hahayaan na mabigo ulit siya sa pangalawang pagkakataon. Ang ayaw na ayaw niya pa naman ay ang mga oportunistang tao na tulad ng Dyna na nakilala niya kanina. Mainit kaagad ang ulo niya sa babae unang kita niya pa lamang. “Buksan mo ang pinto!” sigaw niya ulit na hinampas ang pintuan ng silid nito. Ilang sandali pa ay bumukas iyon. “Ano?” bulalas niya. “Senyora.” “At plano mo talaga akong pagtaguan? Ilang beses ba kitang tinawagan ha?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD