Chapter 2

736 Words
CHAPTER 2 "You really did that?" Blair laughed in the other line. Kasalukuyan kaming nag-uusap sa telepono. "Yes, my dad thought I'll just let that pass? No way!" Sagot ko, pinag-uusapan namin ang nangyari kahapon , nai-kwento ko sa kaniya iyon at tuwang tuwa naman ang babaeng ito dahil sa ginawa ko. "I'm so excited to go home Audenzia, para naman may kasama kang lumampaso diyan sa dalawang bruha na nasa pamamahay mo," Napailing na lamang ako sa sinasabi niya at tumungo sa terrace netong kwarto.  Nakita ko si Chand at Payn sa may poolside, he's currently applying some lotion on Payn's back. Ang babaeng ito talaga, lagi na lang tambayan ang pool, mas matutuwa sana ako kung inilulunod niya ang sarili niya e! "Hey Audenzia! Nakikinig ka ba sa akin? Minsan na nga lang tayo mag-usap dahil sa hectic ang mga scheduls natin tapos hindi ka pala nakikinig?" Matinis na boses ang ginamit ni Blair upang sermunan ako. "I was listening Blair, ang dami mo na kaagad sinabi, huwag ka ngang oa! Kailan ba ang uwi mo?" I asked, hindi ko siya nakikita pero alam kong iniirapan niya na ako mula sa kabilang linya. "Three weeks from now, my dear sister, alam mo may naisip ako e, diyan nalang ako titra sa iyo para naman hindi ka nag-iisa diyan, I'll barge into your house." Kahit papaano ay napangiti ako sa sinabi ni Blair, she knows everything, alam rin ni Brian ang lahat.  Nakikinig ako sa kaniya pero ang mga mata ko lang ay nakatungo kay chand na ngumingiti habang nagkwe-kwentuhan sila ni Payn. I could actually see the happiness in his eyes, it's very visible, na kahit malayo ay makikita mo talaga. I was startled when he looked in my direction, nang makita ako ay biglang sumeryoso ang kaniyang mga mata at wala nang kinang. Ibang-iba talaga para sa akin ang kulay asul niyang mga mata. My throat went arid, pilit akong lumulunok pero hindi ko magawa. "Audenzia! Naghihintay ako ng sasabihn mo, nakatunganga ka na naman ba at hindi mo ako masundan? Kung andiyan lang talaga ako, I'll slap you!" Nanggigigil na sambit ni Blair kaya naman naputol ang tinginan namin ni Chand. "S-sorry, may inaayos kasi ako e." Pagpapalusot ko kay Blair, tinalikuran ko na sila Chand at tuluyang pumasok sa aking kwarto. I closed my glass-door. "Alam mo namang welcome ka dito Blair, ipapaayos ko nalang kay yaya Cora ang kwarto mo." Blair and Brian, actually, have their own room here in the house.  Simula bata kasi ako ay madalas talaga ang paglalaro namin rito kaya naisipan namin ni mommy na sa kanila nalang iyong dalawang spare room kaya parang bahay na rin talaga ito. We're siblings, after all. Hindi man sa dugo, ngunit sa puso. Parang kinikilig na tumawa si Blair, "I'm so excited Zia! Nami-miss ko na ang hangin sa Pilipinas." "Gaga ka ba? Parehong hangin rin lang ang sinisinghot natin," pagsagot ko sa kaniya na mas lalong nagpalakas ng kaniyang tawa. "Whatever! By the way, I have to go, marami pa kasi akong aasikasuhin e. Bye!" Sasagot na sana ako pero bigla niya kong binabaan ng tawag. I sighed, talagang ganoon siya mula noong bata pa kami, kapag nasabi na niya ang 'bye' ay bababaan ka na niya ng tawag kahit hindi ka pa sumasagot. Hindi parin talaga nagbabago. I stared at my black flounce swimsuit, kaagad ko itong isinuot at tumingin sa replesyon ko sa salamin. Sabi ng nakakarami ay bagay ko ang itim at pula dahil bumabagay ito samaputi at makinis kong balat. I have a pair of silver eyes that fits my dark features, pareho kami ng eye color ni mommy kaya naman ay gustong-gusto kong tinitignan ang aking mga mata sa salamin dahil siya kaagad ang naaalala ko. I tied my hair into a messy bun before going downstairs, I went to the swimming pool. Nakaslubong ko pa si yaya Cora na malaki ang ngiti sa akin. "May gusto ka bang meryenda, Zia?" She asked. I nodded, "just bring me a glass of orange juice and egg sandwich po." Sagot ko, kaagad naman itong tumungo ng kusina.  Kaagad akong nakita ni Payn, pasimple niya akong inirpan na alam kong hindi nakita ni Chand dahil nakatingin rin ito sa akin. Lumapit ako sa kanila at nginitian sila, pero kay Chand lang ang aking mga mata. "Ang init ng panahon, parang ang paglalangoy ay hindi pa sapat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD