Madilim na ang langit nang makarating kami sa lumang kumbento. Malamig ang hangin, at ang paligid ay halos lamunin ng mga baging na gumagapang sa pader. Hindi ako nag-aksaya ng oras, at agad akong dumiretso sa hagdan patungo sa ilalim nito. And there she was—my mother. Kita sa mga mata niya ang pagkasabik… at takot. Nilampasan ko siya, saka lumapit sa libingan Niya. Bahagyang nakaawang ang sementadong takip, ngunit ang pinakatumatak sa akin ay ang alikabok sa ibabaw nito. Hinaplos ko iyon, maingat na dinama sa pagitan ng aking mga daliri, saka inilapit sa ilong. In a swift motion, my senses heightened, nails lengthened, and fangs sharpened. Agad kong nilingon si Lucianna—ang aking ina. Hinawakan ko siya sa leeg. “How long has he been out?” mariin kong tanong, bahagyang hinigpitan an

