Akala ko hindi siya babalik. Lumipas ang kalahating gabi, at ang tanging kasama ko ay ang bote ng alak na halos maubos ko na. Nakahilig ako sa sofa, may librong nakabukas pero hindi ko naman binabasa. Hanggang sa may narinig akong mahinang kaluskos sa pinto. “Lucian?” Hindi ako agad tumayo. Pinakiramdaman ko lang ang ingay—isang mahinang pagbukas ng pinto, tapos ay ang yabag ng sapatos niya sa sahig. "Next time you tell me not to come back," aniya sa malamig na boses, “try to sound like you mean it.” Napatingin ako sa kanya. Basa ang buhok niya, mukhang galing ulan. May bitbit siyang paper bag, at bago ko pa maitanong, inilapag niya iyon sa mesa. “Dinner.” Nilapag niya 'yon sa mesa. Umirap ako. “Do I look like I’m starving?” “Judging by the three empty bottles beside you? Maybe no

