MARCO'S POV
"Hanep repa todo porma kala mo pumasok talaga" Pang aalaska ni Santy.
Kompleto kaming lima ngaun dahil maaga ang tapos ng klase namin tuwing Miyerkules kaya pag dating ng hapon nandito kami.
"Baka pumapasok para sa allowance hahaha" Malakas na sigaw ni Rocky kasabay ng nakakalokong tawa.
"Saan ka ba kasi galing at di mo kami sinama, mag bubulakbol ka pala di ka man lang nag aya! " turan ni Raven habang inaabot sakin ang lata ng isang alak.
Sa totoo lang kahit mga loko loko kami di namin ugaling mag bulakbol sa pag aaral.
"Oo Mac san ka ba galing 3 subject din yung di mo pinasokan" Si Ryan habang may hawak na gitara.
"Dyan lang sa tabi tabi" walang ganang sagot ko sabay lagok ng alak.
"Ano ba naman to! walang kalamig lamig!" binababa ko ang lata ng alak sa maliit na mesa..
Kasalukuyan kaming nasa tambayan namin. Lumang tambakan kung tawagin LT for short. Isa itong lumang abandonadong gusali na malapit lang sa subdivision namin. Mula elementary dito kami madalas tumambay ng mga kaibigan ko. Lalo na pag mag iinoman.
Kanya kanya sila ng upo sa mga sirang upuan at kahoy na nakatambak dito habang naka paikot kami sa maliit na lamesa. Kung iisipin hindi naman ganun ka kalat dito dahil papaano ay inaayos namin to para may pagtambayan kami.
Napatingin naman ako kay Santy ng bigla itong magsalita.
"Naku lagot kayo bukas ni Sunget kayo lang dalawa wala sa klase kanina" May kasama pang pag kumpas ng hituturo nito.
" Mukha pa naman may dalaw si Mam, napaka init ng ulo. " dagdag pa nito na ani mo'y nanakot.
"Oo nga noh!.... kayo lang ni Sunget ang wala terror pa naman si Ms. Yuan palibsa matandang dalaga ata." Sunget ang tawag nila kay Lalaine dahil kung di daw sila pinapansin nito eh palagi pa silang sinusungitan.
"Baka naman kasi Rocky umiscore tong tropa natin kaya di tayo sinama." Malakas na pang aalaska ni Raven.
" Ang tanong kanino eh wala na sila ni Gwen hahahaha! "
Bwisit talaga tong si Santy pinaalala pa.
Tinapat ko ang lata ng alak sa bibig ko at sinimulang inomin ito ng humirit nanaman tong si Rocky.
" Baka naman kayo ni sunget ang magkasama" sabay tawa ng malakas
Nasamid naman ako sa sinabing yun ni Rocky di nila pwedeng malaman at paniguradong aasarin nila ako bukas..
"Hahahaha"
"Hahahaha"
"Hahahaha"
Nagtawanan sila..
Edi wow kayo na masaya...
"Yun din nga biro ng tropa ni sunget kanina "baka daw nakipag "DATE" kaya di nakapasok"..
May pag diin talaga sa salitang date..
natawa ako ng palihim. Dahil kung iisipin mo nga naman para na rin kaming nag date kanina.
At kapag inaalala ko pano ang saya niya sa bawat segundo o minutong kasama ko sya. Parang doble ang katumbas sakin. Kaya naman kapag umiiyak o malungot sya ganun din nararamdaman ko dahil yun din nag pinapakita ng mga mata niya.
"Nagtataka nga tropa ni Sunget bakit wala daw siya di din daw nagtxt o tumawag. Walang pasabi na di papasok" si Santy
"Baka dinate mo naman talaga pre. Si Raven.
"Oo nga amin amin din pre". ani Rocky
"Tssk"
"Oh kita mo di ka makasagot.. Hahahhahaa!!
"Huwag mo kung igaya sayo Santy na kahit posteng nakapalda papatusin!!" itong si Santy talaga ang literal na chickboy balibhasa may itsura kaya pinag sasabay sabay ang mga babae.
"Ay gagi faul yun hahahaha!, kaso wala eh sila lumalapit sakin eh gwapo lang ako marupok hahahaha!"
Yabang din talaga nito.. Di ako magtataka balang araw makakahanap din to ng katapat.
"Tama na nga yan inom na lang tayo, Mac tugtog ka nga muna oh" Inabot ni Rhy sakin ang guitara niya at sinimulang mag tipa.
"Mack o Mac" ang tawag sakin ng mga barkada ko at "Rhy" naman kay Ryan, "Rock" kay Rocky at "Santy" naman palayaw na nya dahil Santillion ang buong pangalan niya samantalang si Raven "Aven o Rav" ang tawag namin sa kanya.
"Saan ka ba talaga galing? Mack" si Rhy.
"May quiz pa naman tayo bukas kay Ms. Y .... kasi nahati oras niya kanina dahil may meeting. Buti na lang din dahil absent kayo" dagdag pa nito.
Para maiba ang usapan nalala ko si Jackson.
Bahagya ako tumingin sa kanila.
"Nakita ko kanina si Jackson! " halos walang emosyon na pagkakasabi ko.
Sabay sabay silang natigilan at nagbago ang ekspressyon ng mukha.
"Nakabalik na pala sya?, nagkausap kayo? Sya ba dahilan ng di mo pagpasok? Nakakunot noo namang tanong ni Rhy sa kin. Bakas na bakas ang pagkabigla.
Napatakip naman ng bibig si Santy.
"Hindi niya ko nakita o nakausap, ako lang nakakita sa kanya malapit samin" hawak ang guitara at bahagyang pinapatunog ito.
"Ay pucha alam niya san ka nakatira, ano na plano natin" Si Raven banaag ang pagkataranta.
"Sa ngayon wala mukhang wala namang kinalaman satin kung bakit siya bumalik" mahinahon kung salita habang nakayuko.
"Pero kailangan nating malaman kung bakit pa siya bumalik..." si Rhy.
"Eh pabayaan na natin siya kung di naman tayo ang pakay niya" sagot ni Rocky.
"Sana nga pwedeng ganun Rocky. kaso...." mahina ngunit may paka seryosong tono ko.
Huminto ako sa pagsasalita at humarap sa kanila nang makahulugang tingin.
"Kaso ano.. ? Pucha pa suspense ka pa!" pagtatanong ni Santy.
Nag aalangan akong ikwento yung paghabol niya sa duwendeng yun kaninang umaga kaso parang sila lang din ang makakatulong sakin sa oras ng kagipitan.
"Nakita ko kaninang umaga hinahabol ni Jackson si Lalaine malapit sa sakayan kahit medyo maraming tao pa roon."
Lahat sila gulat na gulat sa sinabi ko at halatang nagtataka.
Kahit ako hindi ko alam na magkakilala yung duwendeng yun at si Jackson.
"Ha??? pano? Bakit?? , ang gulo, sa ganong asta ni Jackson mukhang wala siyang takot at malaki atraso ni Sunget sa kanya." sunod sunod na tanong ni Santy.
"Malamang sa malamang" pag sang ayon ni Rocky kay Santy.
Kahit ako ayokong magisip nang malalá, lalo na sa kayang gawin ni Jackson kay Lalaine.
"Oh Eh anong ginawa mo nung makita mo yun? "
"Wala naman Rhy sinakay ko siya sa motor palayo "
"Ay gagi baka balikan ka noon, sabihin nakialam ka"
"Eh halangan naman pabayaan ko siya Raven, babae pa din yun at isa pa nakahelmet naman ako at sigurado akong di niya ko mamukhaan"
Di niya ko mamumukhaan sa ngaun dahil bago lang ang motor ko at di niya alam na ako ang may ari.
"Kahit na Tol alam mo yun si Jackson ..... Jackson yun eh.... "
"Sira ka Raven papabayaan ko ba naman yun kung ganun makikita ko, kahit sino pa makita sa sitwasyong ganoon.. Ganun at ganun pa din gagawin ko! "
"Tama na yan, iinom na natin yan. At isa pa ang dapat nating pag isipan ngayon bakit bumalik si Jackson. Alalahanin nyo di maganda huling paghaharap natin at ng grupo niya. "
Inabot samin ni Rhy ang alak mula sa chiller na nasa gilid niya.
Sandali kaming natahimik at nag isip lahat kami alam kung nabigla sa pag babalik niya dalawang taon mahigit na kaming walang balita sa kanya at alam lang namin ay umalis na siya...
Bakit ka nag balik anong kinalaman sayo ni Lalaine...
Ano bang dahilan bakit niya hinahabol. Si Lalaine. Sa itsura ni Lalaine kanina mukhang malaki ang takot niya.
FLASHBACK...
Papalabas na ko ng kanto mula sa amin nang mapadaan ako sa may sakayan ng jeep. Nang biglang may nakita akong babaeng tumatakbo hindi ko sana papansinin kaso napansin kung si Lalaine pala yung tumatakbo.
Bigla akong napatingin sa direkson na pinangalingan niya. Nakita kung may isang motor na nag mamaniobra papunta sa direksyon ni Lalaine..
Nung una akala ko snatcher lang o ano pero bahagya niyang tinaas ang helmet niya ang ngumisi ng nakakaloko. Doon ko napag tantong si Jackson nga yun.
Kaya dali-dali kong sinundan ang direkson ni Lalaine at inunahan si Jackson para maisakay si Lalaine
END FLASHBACK..
Sa ngayon isa lang ang nagiisip ko ang bantayan si Lalaine..
LALAINE POV
Pagkahatid sakin nung kapreng yun agad akong pumasok sa bahay at umakyat ng kwarto.
"Ma, nandito na ko. "
"Oh nandyan ka na pala, mag meryenda ka muna"
" Busog pa ko Ma!, akyat muna po ako at matutulog"
"Ah sige, ayaw mo muna magmeryenda"
Pag akyat sa kwarto nagpahinga ako at naligo.
Habang nagpapatuyo ng buhok kinuha ko ang bag ko inilabas ang sobrang token. Binuksan ko ang pinaka ilalim ng drawer ko para ilabas ang kulay itim na scarft book ko. Binuklat ko ito at inilipat sa huling pahina at idikit doong ng scatch tape na transparent..
Sinulatan ko ito "Last token, we got from our Arcade adventure " at sinulat ang petsa at araw na ito.
Pagkatapos nilabas ko ang kulay sky blue na Polaroid camera ko at kinuha ang staff toys na binigay nya. Tinapat ko ang camera sakin kasabay ang pag halik sa dito. Pag labas ng film pinapay ko ito para lumabas nag imahe..
Di ko alam pero pakiramdam ko ang saya saya ko.. At parang yung pakirdam na matagal ko nang nararamdaman yung ganitong feelings.
Sinarado ko ang scarft book ko at itinabi ito.
Humiga ako sa kama habang inaalala ang lahat nangyari kanina.
Nangbiglang pumasok ang imahe ni Jackson sa isip ko. Alam niya saan ako makikita. Naiisip ko pa lang nanginginig na ang kalamnan ko. Napayakap ako ng mahigpit sa aking unan.
Anong gagawin ko. Alam niyang nandito ako at malamang nandito din ang kapatid niya.
Akala ko tapos na ang bangungot, dalawang taon na din yun. Hanggang sa di ko namalayan sa pag iisip ko nakatulog na ko. ...........
"Look who's here! hoy nerd !! Sabay tawa nila ng malakas. Kinuha niya ang librong binabasa ko. Pano niya nasabing nerd ako mahaba ang buhok ko na naka pusod at may ribbon na kulay itim. Mag isa lang ako naka upo sa isang bench at nagbabasa.
"Ano ba?" akin na nga yan.
"Eh kung ayoko?" sabay taas ng libro ko medyo may katangkaran siyang babae kesa sakin kaya naman hindi ko maabot abot yung libro ko..
Pinapalibutan nila ako at pinaglalaruan ang buhok kung napakahaba.
"Akin na sabi eh" tinulak ko siya dahilan para mapaatras sya at maibaba ang libro ko. Sabay hablot nito.
"Ah matapang ka na nga! sa liit mong yan magisa pa! Medyo nakayuko sya sakin at naka cross arm pa.
Hindi ko sila pinansin at dali dali kong kinuha ang bag ko sabay talikod sa kanila noong una naglalakad lang ako ng mabilis hanggang sa patakbo na at di ko namamalayan padilim na ng padilim sa paligid.
Naririnig ko ang malalakas nilang tawanan kaya napalingon ako sa kanila unti onti parang lumalaki sila sa paningin ko. Di ko namamalayan tumatakbo na ko ng mabilis.. Pabilis ng pa bilis hanggang sa madapa.
Muli akong lumingon sa kanila. Nakita ko ang malalaking kamay nila na akmang aabutin ako. Ani moy malalaking halimaw na dadamputin ako at kasyang kasya sa malalaki nilang palad.
"Hwaaaaaaaaag!!!!!!!!!!"
Hingal na hingal akong bumangon sa kama.. May malalaking butil ng pawis mula sa noo...
Panagip....... hindi isang bangungot......Tama napakasamang bangungot.....
Tinignan ko ang orasan sa gilid ng kama ko na nakapatong sa side table.
Umaga na pala.....