Matapos makalabas sa Arcade nag punta kami sa food court at bumili ng makakain dahil tanghalian na din.
Sandali lang kami dun dahil hanggang 1pm lang ang klase namin ngaung araw.
Pagbaba sa parking lot sinabi ko sa kanya na mag cocommute na lang ako pauwi pero di sya pumayag dahil sya daw nag dala sakin dito sya din mag hahatid sakin pauwi.
"Salamat ha" pagbaba ko kanyang motor dalawang kanto bago sa bahay namin. Tanging tango lang ang isinagot nya sakin.
Iniabot ko sa kanya ang helmet na suot ko.
"Ay oo nga pala yung jacket mo"
Huhubarin ko na sana kaso naisip ko nakakahiya naman ginamit ko tapos ibabalik ko ng hindi nalalabhan.
"Teka, lalabhan ko pala muna bago ibalik sayo"
Tinignan nya lang ako gamit nanaman ang mga mata nyang wala ka emo-emosyon.
"Tskk, hwag na baka masira mo pa"
Ang yabang talaga nito kaya pa dabog kung tinanggal ang jacket nya at napansin kung may kinuha sya sa bag nya habang pinapasok nya polo nya.
Laking gulat ko ng iniaabot nya sakin ang staff toys na bugs bunny ito yung sinusubukan kung kunin sa claw machine kanina.
Sa sobrang gulat na namilog ang aking mga mata at sabay tinggin sa kanya.
"Nakuha mo, ang galing mo naman"
Pano nya nakuha di ko naman sya nakitang naglaro.
"Para kang bata, naawa kasi ako sayo , kaya kinuha ko na para sayo."
Sa sobrang saya ko di ko mapigilang mapangiti ng husto.
"Ahmm. Salamat... " tangging salitang namutawi sa aking bibig habang nakatingin sa kanya.
Tumango lang ito, sinuot ang jacket at tuluyan pinaandar ang kanyang motor.
Di pa ito nakakalayo ng sumigaw ako.
"Salamat ulit, Inggat"
Hindi mabura ang ngiti ko habang papasok sa bahay at dali daling umakyat sa kwarto upang makapaligo at makapagpahinga hapon pa lang pero napagod ata ako kaya pag katapos maligo ay nakatulog ako.
MARCO'S POINT OF VIEW
Walang mapagsidlan ang sayang nadarama ko nang makita ko ang bawat ngiti at saya mula sa labi nya sa bawat sigundo o minuto na kasama ko sya.
Pero kahit ganun hindi ko ito masyadong pinahalata sa kanya.
Naisip ko syang dalhin sa Arcade para mag saya. Di ko alam kung matatawag bang date to pero bahala na.
"Gusto mong maglibang, makalimot tara Arcade tayo."
Hayaan mong pawiin ko kahit panandalian lang. Nararamdaman ko ang bigat ng saloobin mo.
Alam kong di ka pa handa para magsabi kung ano man ang suliranin mo. Hihintayin ko na ikaw mismo mo ang mag sabi sakin, yun ay kung pagbibigyan mo ako na malaman ang dahilan ng alalahanin at takot mo..
Kahit hindi mo sabihin aalamin ko pa rin kung anong ginawa sayo ni Jackson at Hyelena. At bakit ganun na lang ang takot na nababanaag ko sa inyong mga mata.
Naglakad kami papasok sa mall at nauuna ako sa kanya. Napansin ko na nakatuon ang kanyang mga mata sa kanyang paanan. At dahil doon napansin kung di nya napansin ang mga batang nagtatakbuhan.
Umiwas ako sa mga bata ngunit di sila napansin ni Lalaine at bago pa sya tuluyang napahilig sa sahig ay nagawa ko syang iiwas at saluhin ng aking mga braso at kamay.
Habang hawak ko sya nakaramdam ako nang kakaibang pakiramdam. Napakabilis at napakalakas ng bawat pintig ng aking puso at mga mata ko ay mapako sa kanyang mukha.
Nakahawak ang isang kamay nya sa aking braso at ang isa naman ay sa aking dibdib.
Nanatili ang aking mga kamay sa kanyang bewang at ulo upang alalayan siyang hindi tuluyang bumagsak.
Sa di ko malamang kadahilanan kinabig ko sya palapit sa akong dib dib.
Ramdam ko ang malakas na t***k ng puso ngunit di ko mawari kung mula ba sa akin o sa kanya o maaring sa aming dalawa.
Nanatiling nakapikit ang kanyang mata at nakapako na din ang aking paningin sa kanya.
Nang mapagtanto nya ang aming posisyon, bigla syang napatayo upang ayosin ang sarili at tumalikod sa ako ganun din sya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papasok sa Arcade. Napansin kong naka uniform sya at oras pa din ng klase kaya dali dali kung tinanggal ang jacket ko nung una parang nagtaka sya at ayaw tanggapin ngunit ng mapagtanto ang aking sinabi dali dali rin nya itong isuot.
Matapos niyang suotin ay naglakad kami papunta sa cashier para bumili ng mga token.
Ako sana ang magbabayad pero inunahan nya ako, langya hinayaan ko na lang sya. Ako tong lalaki ako pa nilibre.
Una nyang pinuntahan ay ang claw machine. Pinagmasdan ko lang sya nakakatuwang pagmasdan kung gaanu niya kagustong makuha yung staff toy na bugs bunny.
Inisip kong kunin para sa kanya kaso nagpatuloy na sya sa pag pasok sa loob.
Nagpatuloy kami sa paglalaro, bakas sa mukha nya kung gaanu sya kasaya.
Ang mga ngiti nyang gusto kung panatiliin sa kanyang mga labi.
Maya maya pa bumili kami ng ice cream. Matapos kumain ay nagpaalam syang mag cr ganun din ang ginawa ko.
Pag labas ko sa pintuan may nakita akong batang lalaki na may hawak ng staff toys na bugs bunny.
Yun yung gustong gusto ni Lalaine.
Nilapitan ko ang bata.
"Bata, saan mo nakuha yang staff toy mo? "
"Po? " bakas ang pag aalin langan nyang sagutin ako.
"Ah kasi gusto ko din nyan" gusto ko din nyan para ibigay kay Lalaine.
"Ah.. Dun po sa claw machine"
"Kaso di ako magaling dun", di ko pa naman nasusubukan, kaso naisip ko na baka matagalan bago ko pa makuha yun..
"Ganito na lang bilhin ko na lang yan toys mo pwede ba? "
"Ayaw ko nga po" madiin sabi ng bata.
"Sige na ibibigay ko kasi yan dun sa kakilala ko na sobrang lungkot, para ngumiti na sya at di na umiyak"
"Sa girlfriend mo po ba kuya? "
"Di ko pa sya girlfriend " hindi pa pero baka malay natin sooner or later hahaha ano bang pumapasok sa isip ko. Napatingin ako ng muli sa batang kaharap ko nang magsalita sya ulit.
"Ah sa nililigawan mo po?"
Napakamot na lang ako ng ulo.
"Sige bebenta ko sayo kuya 1000 na lang po"
Napangiti ako sa sinabi ng bata. Napaka utak nitong batang to pinagkakitaan pa ko.
Agad kung inabot ang 1000 pesos, napaka utak ng batang to. Kung di lang din ako tinatamad at ayoko na din magpakahirap pang kunin to naku ... Naku ka talagang bata ka.
"Oh ito sayo narin tong dalawang token"
Di ko na rin magagamit yan dahil paniguradong ubos na din ang token nya.
"Salamat" sabay ngiti sa bata habang paalis ito.
'Haisst'. Hindi ko nga lang alam pano ko ibibigay sa kanya. 'Haissst talaga' ano bang naisip ko. Nang makita ko syang palabas na ng rest room agad ko itong tinago sa loob ng bag. Bahala na nga mamaya ko iisipin.
Napansin kung napatingin sya sa bag ko na umumbok. Note book, panyo , pabango at balpen lang usually ang laman ng bag ko. Siguro nag tataka sya anong laman.
Pagkatapos naming maglaro ay inihatid ko na sya. Pagdating sa kanto malapit sa kanya..
Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho pero di ko alam pano ko ibibigay to iaabot ko na lang basta.. Ihahagis sa kanya o pano nga ba Haiissst
Sa huli inabot ko na lang sa kanya ng basta basta.. Kita ko sa mukha nya pano sya natuwa na parang batang nakatanggap ng regalo sa pasko..
Hay Lalaine napaka cute mo naman tignan.
Matapos kung ibigay sa kanya at isinuot ang jacket ko ulit ay umalis na rin ako agad.
Sa di kalayuan natanaw ko ang motor ni Jackson ngunit wala tanging motor nya lang ang nakita ko.
Alam kong kanya yun dahil yun mismo ang nakita kong gamit nya kanina.
Bahagya kong binagalan ang takbo at lumingon sa bahay nila Lalaine upang hanapin sya ngunit nakita kong nakapasok na sya. Bumalik ang tingin ko sa motor ni Jackson at nagpalinga linga kung nasapaligid lang sya.
Bahagya kung nilagpasan ang motor ni Jackson mga isang kanto lang ang pagitan at iginilid ko ang aking motor upang hindi agad mapansin.
Saktong lumabas naman si Jackson sa isang gate. Dahan dahan akong lumapit at medyo tumagilid sa isang poste para hindi niya ko mapansin habang may kausap sya sa cellphone nya.
"Oh.. Mukhang nakita ko na sya"
Dinig ko sa kausap sabi niya sa kausap.
"Akalain mong di naman siya lumayo" sabay ngiti ng nakakaloko
Nanatili ako sa gilid ng poste at nag sindi ng sigarilyo habang nakasandal dito at nakayuko.
"Putcha!, pinapaikot ikot lang tayo ni Ahron!, .......Nakita ko na siya kaninang umaga kaso may sumulpot na asungot naka motor..... Sino naman kayang Ahron ang tinutukoy nya. May kinalaman kaya kay Lalaine yung pinagsasabi nito.
"Nilalayo niya lang si "Tasha" satin lalo na sakin" Sino namang Tasha tinutukoy niya daming tanong pero sana walang kinaaman to kay Lalaine.
"Hahaha! " "tingin mo hahayaan ko pang makalayo lintik lang walang ganti, o sige na susunduin ko pa si Hyelena" matapos ang tawag nakita ko pang sinulyapan nya yung bahay nila Lalaine at tuluyan ng umalis dumaan sa harapan ko ngunit di ako nakita.
Ano bang atraso mo sa kanila Lalaine. Bakit parang ang laki ng galit ni Jackson. Sa pagkakakilala ko kay Jackson walang pinapalampas to. Sino naman si Ahron at Tasya.
Napakaraming tanong pero walang sagot. Pero kung titignan ko si Lalaine mukhang siya naman yung tipo ng tao na halos di mabasag pinggan. Maliban sa pagtataray at pag susunginit parang wala naman siyang kakayanan na makapanakit o baka pati nga pag patay sa ipis di niya magawa.
Pinitik ko ang upos ng sigarilyo papunta sa aking paanan at tinapakan ko ito.
Ano man ang dahilan mo Jackson hindi ko hahayaan na makapanakit ka ng inoseteng tao..
Ano man ang dahilan sana hindi ko gustong mabura sa mga labi mo yung mga ngiting nakita kanina...
Sumakay ako sa motor at pinaandar ko papunta sa tanbayan namin.